< Daniel 5 >

1 [Several years later, ] Belshazzar [became the] king [of Babylon. One day] he invited 1,000 of his officers to a big feast, and he drank [a lot of] wine with them.
Si Belsasar na hari ay gumawa ng malaking piging sa isang libo na kaniyang mga mahal na tao, at uminom ng alak sa harap ng sanglibo.
2 While he was drinking, he commanded [his servants] bring to him the gold and silver cups that the previous king, Nebuchadnezzar, had taken from the temple in Jerusalem. [He did that] because he wanted himself and his officials, his wives, and [even] his (concubines/slave wives) to drink from them, [making fun of the god that we Israelis worshiped].
Samantalang nilalasap ni Belsasar ang alak, ay nagutos na dalhin doon ang mga ginto at pilak na sisidlan na kinuha ni Nabucodonosor na kaniyang ama sa templo na nasa Jerusalem; upang mainuman ng hari, ng kaniyang mga mahal na tao, ng kaniyang mga asawa, at ng kaniyang mga babae.
3 So his servants brought in [all] those gold cups, that had been taken [many years previously] from the temple of [the true] God in Jerusalem. Then the king and his officials and his wives and his slave wives drank [wine] from those cups.
Nang magkagayo'y dinala nila ang mga gintong sisidlan na kinuha sa templo ng bahay ng Dios na nasa Jerusalem; at ininuman ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, at ng kaniyang mga asawa at ng kaniyang mga babae.
4 They drank to praise/honor their idols that were made of gold, silver, bronze, iron, and [even] wood and stone.
Sila'y nangaginuman ng alak, at nagsipuri sa mga dios na ginto, at pilak, tanso, bakal, kahoy, at bato.
5 Suddenly they saw a man’s hand writing on the plaster of the wall opposite the lampstand. The king also saw the hand as it was writing.
Nang oras ding yaon ay may lumabas na mga daliri ng kamay ng isang tao at sumulat sa tapat ng kandelero sa panig na may palitada ng palacio: at nakita ng hari ang bahagi ng kamay na sumulat.
6 He became very frightened, and his face became pale/white. His knees started shaking, and his legs became very weak, with the result that he could not stand up.
Nang magkagayo'y nagbago ang pagmumukha ng hari, at binagabag siya ng kaniyang mga pagiisip; at ang pagkakasugpong ng kaniyang mga balakang ay nakalag, at ang kaniyang mga tuhod ay nagkaumpugan.
7 [Then] he shouted to summon the men who worked magic, the men who studied the stars, and the fortune-tellers. He said, “I will [greatly honor] any one of them who can read this writing and tell me what it means. I will give him a purple [robe like I wear because I am the king], and I will put a gold chain around his neck. He will become a very important official in my kingdom; there will be only two others who will be more important than he will be.”
Ang hari ay sumigaw ng malakas, na papasukin ang mga enkantador, mga Caldeo, at mga manghuhula. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi sa mga pantas sa Babilonia, Sinomang makababasa ng sulat na ito, at makapagpapaaninaw sa akin ng kahulugan niyan, magdadamit ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg, at magiging ikatlong puno sa kaharian.
8 But when all those wise men came in, none of them could read the writing, or tell him what it meant.
Nang magkagayo'y nagsipasok ang lahat na pantas ng hari; nguni't hindi nila nabasa ang sulat, o naipaaninaw man sa hari ang kahulugan niyaon.
9 So King Belshazzar became more afraid. His face became [even] paler/whiter. And [all] his officials [who were there at the feast] did not know what to do.
Nang magkagayo'y nabagabag na mainam ang haring Belsasar, at ang kaniyang pagmumukha ay nabago, at ang kaniyang mga mahal na tao ay nangatitigilan.
10 But when the mother of the king (OR, of the previous king) heard the king and his officials talking [loudly about what had happened], she entered the room where they were having the feast. She said [to Belshazzar], “(Your majesty/O King), I hope you will live for a long time! But do not be pale and afraid about this.
Ang reina, dahil sa mga salita ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao ay pumasok sa bahay na pinagpigingan: ang reina ay nagsalita, at nagsabi, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man; huwag kang bagabagin ng iyong mga pagiisip, o mabago man ang iyong pagmumukha.
11 There is a man in your kingdom who has the spirit of the holy gods in him. When Nebuchadnezzar was ruling, they discovered that this man understood many things and was wise, just like the gods. The man who was king previously, Nebuchadnezzar, appointed him to be in charge of all the men [in Babylon] who worked magic, the men who worked sorcery, the men who studied the stars, and the fortune-tellers.
May isang lalake sa iyong kaharian na kinaroroonan ng espiritu ng mga banal na dios; at sa mga kaarawan ng iyong ama, ay nasumpungan sa kaniya ang liwanag at unawa at karunungan, na gaya ng karunungan ng mga dios; at ang haring Nabucodonosor, na iyong ama, ang hari, sinasabi ko, ang iyong ama, ay ginawa niya siyang panginoon ng mga mago, ng mga enkantador, ng mga Caldeo, at ng mga manghuhula;
12 That man’s name is Daniel; the king gave him a [new] name, Belteshazzar. He is very intelligent and is able to know and understand many things. He is [even] able to tell the meaning of dreams, and explain riddles, and explain things that are very difficult to understand. Summon him, and he will tell you what [this writing] means.”
Palibhasa'y isang marilag na espiritu, at kaalaman, at unawa, pagpapaaninaw ng mga panaginip, at pagpapakilala ng mga malabong salita, at pagpapaliwanag ng pagaalinlangan, ay nangasumpungan sa Daniel na iyan, na pinanganlan ng hari na Beltsasar. Tawagin nga si Daniel, at kaniyang ipaaaninaw ang kahulugan.
13 So they [went and] brought me in. The king asked me, “You [must] be Daniel [RHQ]! [They told me that you are] one of those who was brought [here] from Judah by the previous king.
Nang magkagayo'y dinala si Daniel sa harap ng hari. Ang hari ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ikaw baga'y si Daniel na sa mga anak ng pagkabihag sa Juda, na kinuha sa Juda ng haring aking ama?
14 I have [also] heard that the spirit of the gods is in you, and that you are very wise and understand many things.
Nabalitaan kita, na ang espiritu ng mga dios ay sumasa iyo, at ang liwanag at unawa at marilag na karunungan ay masusumpungan sa iyo.
15 My wise men and men who work magic have tried to read the writing on this wall and tell me what it means, but they are not able to do it.
At ang mga pantas nga, ang mga enkantador, dinala sa harap ko, upang kanilang basahin ang sulat na ito, at ipaaninaw sa akin ang kahulugan; nguni't hindi nila naipaaninaw ang kahulugan ng bagay.
16 [Someone] told me that you can tell what dreams mean and explain things that are very difficult to understand. If you can read these words and tell me what they mean, [I] give you a purple robe [like I wear because I am the king], and I will put a gold chain around your neck. You will become a very important official in my kingdom; there will be only two others who will be more important than you will be.”
Nguni't nabalitaan kita, na ikaw ay makapagpapaaninaw ng mga kahulugan, at makapagpapaliwanag ng alinlangan: kung iyo ngang mabasa ang sulat, at maipaaninaw sa akin ang kahulugan, mananamit ka ng kulay morado, at magkakaroon ng kuwintas na ginto sa palibot ng iyong leeg, at ikaw ay magiging ikatlong puno sa kaharian.
17 I replied, “[I do not want] your gifts; keep them, or give them to someone else. But I will read for you the writing [on the wall], and I will tell you what it means.
Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Daniel sa harap ng hari, Iyo na ang iyong mga kaloob, at ibigay mo ang iyong mga ganting pala sa iba; gayon ma'y aking babasahin sa hari ang sulat, at ipaaninaw ko sa kaniya ang kahulugan.
18 (Your Majesty/O king), the Supreme God caused the man who was king before you, Nebuchadnezzar, to become a great ruler, who was greatly praised and honored.
Oh ikaw na hari, ang Kataastaasang Dios, nagbigay kay Nabucodonosor na iyong ama ng kaharian, at kadakilaan, at kaluwalhatian, at kamahalan:
19 Because God caused him to become [very] great, people of many [HYP] people-groups and nations and who spoke many different languages were very much afraid of him. He [commanded his soldiers to] kill those whom he wanted to be killed, and he (spared/allowed to live) those whom he wanted to spare. He honored those whom he wanted to honor, and he caused to be disgraced those whom he wanted to be disgraced.
At dahil sa kadakilaan na ibinigay niya sa kaniya, nanginig at natakot sa harap niya lahat ng mga bayan, bansa, at wika: ang kaniyang ibiging patayin ay kaniyang pinapatay, at ang kaniyang ibiging buhayin ay kaniyang binubuhay; at ang ibiging itaas ay kaniyang itinataas, at ang ibiging ibaba ay kaniyang ibinababa.
20 But when he became very proud and stubborn [IDM], he was removed from being king [MTY]. People did not consider him to be glorious/great any more.
Nguni't nang ang kaniyang puso ay magpakataas, at ang kaniyang espiritu ay magmatigas na siya'y gumawang may kapalaluan, siya'y ibinaba sa kaniyang luklukang pagkahari, at inalis nila ang kaniyang kaluwalhatian:
21 [His officials] sent him away in order that he would not be near [other] people. [God] caused him to have a mind like animals have. He lived among the wild donkeys. He ate grass like cows do, and dew from the sky caused his body to be damp/wet [each morning]. [He was like that] until he learned that the Supreme God is [really the one who] rules the kingdoms of this world, and that he appoints whomever he chooses to rule those kingdoms.
At siya'y pinalayas sa mga anak ng mga tao, at ang kaniyang puso ay naging gaya ng sa mga hayop, at ang kaniyang tahanan ay napasama sa maiilap na mga asno; siya'y pinakain ng damo na gaya ng mga baka, at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit; hanggang sa kaniyang naalaman na ang Kataastaasang Dios ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at iniluklok niya roon ang sinomang kaniyang ibigin.
22 Now, Belshazzar, you have become the king. You [also] knew all those things, but you have not made yourself humble.
At ikaw na kaniyang anak, Oh Belsasar, hindi mo pinapagpakumbaba ang iyong puso, bagaman iyong nalalaman ang lahat na ito,
23 You have considered yourself to be greater than [God], the Lord of heaven. [So you have commanded your servants to] bring to you these sacred cups, [which were dedicated to the Supreme God, and which were taken] from his temple [in Jerusalem]. You and your officials and your wives and your (concubines/slave wives) have been drinking wine from these cups, while you have been praising [your own] gods—gods which are made of gold and silver and bronze and iron and wood and stone. [Those are gods] that cannot see, that cannot hear, and that do not know anything! You have not honored the God who gives you breath and who controls everything that happens to you.
Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati.
24 So God sent that hand to write a message [for you].
Nang magkagayo'y ang bahagi nga ng kamay ay sinugo mula sa harap niya, at ang sulat na ito'y nalagda.
25 This is the message that it wrote: ‘Mene, mene, tekel, parsin.’
At ito ang sulat na nalagda, MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.
26 This is what those words mean: Mene [means] ‘numbered/counted’. [That means that] God has been counting the days that you will rule, and he has [now] decided that you will not rule any more.
Ito ang kahulugan ng bagay: MENE; binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan.
27 Tekel [means ‘weighed’. It is as though God] has weighed you on a scale, and you do not weigh what you should, [which means that you have not been doing what you should; you are not fit to be a king] [MET].
TEKEL; ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang.
28 Parsin [means ‘divided’. That means that God] has divided your kingdom. Some of it will be ruled by people from Media and some will be ruled by people from Persia.”
PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Media at taga Persia.
29 Then Belshazzar [did what he had promised]. He put on me a purple robe [like the one he himself wore. He] put a gold chain around my neck. And he proclaimed that there would be only two others who would be more important than me in his kingdom.
Nang magkagayo'y nagutos si Belsasar, at pinanamit nila si Daniel ng kulay morado, at nilagyan ng kuwintas na ginto sa palibot ng leeg niya, at nagtanyag tungkol sa kaniya, na siya'y ikatlong puno sa kaharian.
30 But that same night [soldiers from Media entered the city and] killed Belshazzar, the King of Babylonia.
Nang gabing yaon ay napatay si Belsasar na hari ng mga taga Caldea.
31 Darius, the King of Media, became the King [of Babylonia] when he was 62 years old.
At tinanggap ni Dario na taga Media ang kaharian, na noo'y anim na pu't dalawang taon ang gulang niya.

< Daniel 5 >