< 1 Corinthians 11 >

1 [Follow my example], just like I [try to] follow Christ’s example.
Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo.
2 I praise you because you remember all the things [that I taught you] and because you follow the instructions that I gave you. You have done just like I told you to do.
Ngayon pinupuri ko kayo dahil naalala ninyo ako sa lahat ng bagay. Pinupuri ko kayo dahil pinanghawakan ninyo ng mahigpit ang mga tradisyong gaya ng pagturo ko sa inyo.
3 [Now], I want you to know that the one who has authority over [MTY] every man is Christ, and the ones who have authority over women are men (OR, their husbands), and the one who has authority over Christ is God.
Ngayon, gusto kong maintindihan ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang ulo ng babae, at ang Diyos ang ulo ni Cristo.
4 [So] if any man [wears a covering over] his head when he prays or speaks a message God gave him, he disgraces himself [SYN].
Sinumang lalaki ang mananalangin at magpapahayag ng propesiya na may takip ang kaniyang ulo ay hindi niya ginagalang ang kaniyang ulo.
5 Also, if any woman does not wear a covering over her head when she prays or speaks a message that God gave her, she disgraces herself (OR, she dishonors her husband). That would be acting like [SIM] [women who are ashamed because] their heads have been shaved.
Ngunit hindi ginagalang ng sinumang babae ang kaniyang ulo kapag nananalangin at nagpapahayag ng propesiya nang walang takip ang kaniyang ulo. Sapagkat iisa at parehong bagay na parang ang kaniyang ulo ay inahitan.
6 So, if women do not wear coverings over their heads [when they pray or speak messages that God gave them], they should let someone shave their heads [so that they will be ashamed]. But since women are ashamed if someone cuts their hair [short] or shaves off their hair, they should wear coverings over their heads [when they pray or speak messages that God gave them].
Sapagkat kung hindi magtatakip ng kaniyang ulo ang babae, dapat niyang gupitan ang kaniyang buhok ng maiksi. Kung kahihiyan ito sa isang babae na magpagupit ng maiksi o magpaahit ng kaniyang ulo, takpan niya ang kaniyang ulo.
7 Men should not wear coverings over their heads [when they pray or speak messages that God gave them], because they represent what God is like [MET] and they show how great God is. But women show how great men (OR, their husbands) are.
Sapagkat hindi dapat magtakip ng kaniyang ulo ang lalaki, dahil siya ang larawan at kaluwalhatian ng Diyos. Ngunit ang babae ang kaluwalhatian ng lalaki.
8 [Remember that God intends that men have authority over women. We know that] because [God] did not make [the first] man, [Adam], from the [first] woman, [Eve]. Instead, he made that woman [from a bone that he took] from the man.
Sapagkat hindi ginawa ang lalaki mula sa babae. Sa halip, ang babae ang ginawa mula sa lalaki.
9 Also, [God] did not create [the first] man [to help] the woman. Instead, [he] created the woman [to help] the man.
Sapagkat, hindi rin nilikha ang lalaki para sa babae, kundi nilikha ang babae para sa lalaki.
10 For that reason, women should wear something [to cover] their heads [as a symbol of their being under their husbands’] [MTY] authority. They should also [cover their heads] so that the angels [will see that and rejoice].
Ito ang dahilan kung bakit ang babae ay dapat magkaroon ng tanda ng kapamahalaan sa kaniyang ulo, dahil sa mga anghel.
11 However, remember that [even though God created the first] woman from [the first] man, all other men [have been born] from women. So men cannot be independent of women, nor can women be independent of men. But all things, [including men and women], come from God.
Gayon pa man, sa Panginoon, hindi malaya ang babae sa lalaki, ni hindi rin malaya ang lalaki sa babae.
Sapagkat nagmula sa lalaki ang babae, gayon din ang lalaki ay nagmula sa babae. At nagmula sa Diyos ang lahat ng bagay.
13 Consider this for yourselves: Is it proper for [RHQ] women to pray to God while they do not have coverings over their heads?
Kayo na ang humatol: Angkop ba ito sa isang babae na manalangin sa Diyos nang walang takip ang kaniyang ulo?
14 (Everyone senses that it is disgraceful for men to have long hair./Doesn’t everyone sense that it is disgraceful for men to have long hair?) [RHQ]
Hindi ba't kahit ang kalikasan mismo ay tinuturuan kayo na kapag may mahabang buhok ang lalaki, kahihiyan ito sa kaniya?
15 But it is very delightful if women have long hair, because [God] gave them long hair to be like a [beautiful] covering [for their heads].
Hindi ba't tinuturo din ng kalikasan sa inyo na kapag may mahabang buhok ang babae, ito ay kaniyang kaluwalhatian? Sapagkat ibinigay sa kaniya ang kaniyang buhok bilang pantakip.
16 But whoever wants to argue [with me about my saying that women should have a covering over their heads when they pray or speak a message from God should consider the fact that] we [apostles] do not [permit] any other custom, and the [other] congregations of God do not have any other custom.
Ngunit, kung may sinumang gustong makipagtalo sa bagay na ito, wala kaming ibang kaugalian, gayon din ang mga iglesiya ng Diyos.
17 Now I want to tell you [about some other things]. I do not praise you about them, because whenever you believers meet together, good [things do not happen]. Instead, bad things [happen].
Sa mga sumusunod na mga tagubilin, hindi ko kayo pupurihin. Sapagkat kung kayo ay nagtitipun-tipon, hindi ito para sa ikabubuti subalit sa ikasasama.
18 First of all, people have told me that when you gather together as a group [to worship God], you divide into groups [that are hostile to each other]. To some extent I believe that is true.
Sapagkat sa simula pa lang, narinig kong kapag kayo ay nagtitipun-tipon sa iglesiya, ay may mga pagkakabaha-bahagi sa inyo, at bahagya ako ay naniniwala.
19 It seems that you must divide into [groups that despise each other] in order that it might be clear/evident which people among you [God] approves of!
Sapagkat dapat may mga pangkat rin kayo, upang makilala sa inyong kalagitnaan ang mga karapat-dapat.
20 When you gather together, you [IRO] eat the meal [that you say is to remember the death of] the Lord [Jesus for us].
Sapagkat kung kayo ay nagtitipun-tipon, hindi ang Banal na Hapunan ng Panginoon ang inyong pinagsasaluhan.
21 But [what happens when] you eat is that each person eats his own meal before [he thinks about sharing his food with anyone else]. As a result, [when the meal is over], some people are [still] hungry and others are drunk! [So it is not a meal that honors the Lord].
Kapag kumakain kayo, kinakain ng bawat isa ang kaniyang sariling pagkain bago kumain ang iba. Ang iba ay nagugutom, at ang iba ay nalalasing na.
22 ([You act as though] you do not have your own houses in which you can eat and drink [whatever you want to]!/Do you not have your own houses in which you can eat and drink [whatever you want to]?) [RHQ] Do you not realize [RHQ] [that by acting selfishly in this way], it is God’s people whom you are despising, and it is the poor people [in your group] whom you are treating as though they were not important? What shall I say to you about that [RHQ]? Do [you expect] me to praise you [about what you do] [RHQ]? I certainly will not praise you!
Wala ba kayong mga bahay upang doon kayo kumain at uminom? Hinahamak ba ninyo ang iglesiya ng Diyos at ibinababa ang mga walang-wala? Ano ang kailangan kong sabihin sa inyo? Pupurihin ko ba kayo? Hindi ko kayo pupurihin para dito!
23 The Lord taught me these things that I also taught you: During the night that Jesus was betrayed {[Judas] enabled [the enemies of] the Lord Jesus to seize him}, he took some bread.
Sapagkat tinanggap ko mula sa Panginoon ang ibinibigay ko sa inyo na ang Panginoong Jesus, sa gabing siya ay ipagkanulo, humuha ng tinapay.
24 After he thanked God for it, he broke it into pieces. [Then he gave it to his disciples] and said, “This bread [represents] [MET] (OR, is) my body, that [I am about to sacrifice] for you. Eat bread in this [way again and again] to remember my [offering myself as a sacrifice for you].”
Pagkatapos niyang magpasalamat, pinagpira-piraso niya ito at sinabi: “Ito ang aking katawan, na para sa inyo. Gawin ninyo ito upang alalahanin ako.”
25 Similarly, after they ate their meal, he took a cup [MTY] [of wine]. He [thanked God for it. Then he gave it to his disciples], saying, “[The wine in] [MTY] this cup [represents] [MET] (OR, is) my blood [that will flow from my body] ([to put into effect/to establish]) the new agreement [that God is making with people]. Whenever you drink wine in this way, do it to remember that [my blood flowed for you].”
Sa ganoon ding paraan, matapos ang Hapunan, kinuha niya ang tasa at kaniyang sinabi, “Ito ang tasa ng bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo itong madalas na pag-inom, upang alalahanin ako.”
26 [Remember that] until the Lord [Jesus] returns [to the earth], whenever you eat the [bread that represents his body] and drink the wine [MTY] [that represents his blood], you are telling other people that he died [for you].
Sapagkat sa tuwing kumakain kayo ng tinapay na ito at umiinom sa tasang ito, ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kaniyang pagbabalik.
27 So, those who eat that bread and drink that wine [MTY] in a way that is not proper [for those who belong to the Lord] are guilty of [acting in a way that is contrary to what] our [Lord intended when he offered] his body [as a sacrifice] and his blood [flowed when he died].
Sinuman ang kakain ng tinapay o iinom sa tasa ng Panginoon sa hindi karapat-dapat na pamamaraan, magkakasala siya sa katawan at sa dugo ng Panginoon.
28 Before any believer eats that bread and drinks that wine [MTY], he should think carefully about [what he is doing],
Siyasatin muna ng isang tao ang kaniyang sarili, at sa paraang ito hayaan siyang kumain ng tinapay at uminom sa kopa.
29 because if anyone eats [the bread that represents Christ’s body] and drinks [the wine that represents his blood] without recognizing that all God’s [people should be united, God will] punish him [for doing that].
Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang katawan, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili.
30 Many people in your group are weak and sick, and several have died [EUP] because of [the way they acted when they ate that bread and drank that wine].
Iyan ang dahilan kung bakit marami ang may karamdaman at may sakit sa inyo, at ang ilan sa inyo ay namatay na.
31 If we would think carefully about what we [are doing], [God] would not judge [and punish] us [like that].
Ngunit kung sinisiyasat natin ang ating mga sarili hindi tayo mahahatulan.
32 But when the Lord judges [and punishes] us [for acting wrongly], he disciplines us [to correct us], in order that he will not [need to] punish us when he punishes [the people who do not trust in Christ] [MTY].
Ngunit kapag hinatulan tayo ng Panginoon, dinisiplina tayo, upang hindi na tayo mahatulan pa kasama ang mundo.
33 So, my fellow believers, when you gather together to eat [food to remember the Lord’s dying for you], wait until everyone [has arrived so that you can find out who does not have enough food].
Kaya, mga kapatid, kung nagtitipun-tipon kayo upang kumain, hintayin ninyo ang isa't isa.
34 Those who are so hungry [that they cannot wait to eat until everyone else has arrived] should eat in their own homes [first], in order that when you gather together God will not judge [and punish them for] ([being inconsiderate of/not being concerned about]) [others]. And when I come [to Corinth] I will give you instructions about other matters [concerning the Lord’s Supper].
Kung sinuman ang nagugutom, kumain siya sa tahanan, nang sa gayon, kapag nagtitipun-tipon kayo, hindi ito para sa kahatulan. At tungkol sa ibang mga bagay na inyong isinulat, bibigyan ko kayo ng mga panuto kapag dumating ako diyan.

< 1 Corinthians 11 >