< Luke 13 >

1 Now there were present some, in that very season, bringing tidings to him, concerning the Galilaeans whose blood Pilate had mingled with their sacrifices.
Nang panahon ding ngang yaon ay nangaroon ang ilan, na nagsipagsabi sa kaniya tungkol sa mga Galileo, na ang dugo ng mga ito'y inihalo ni Pilato sa mga hain nila.
2 And, answering, he said unto them—Suppose ye, that, these Galilaeans, had become, sinners beyond all the Galilaeans, because, these things, they have suffered?
At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Inaakala baga ninyo na ang mga Galileong ito ay higit ang pagkamakasalanan kay sa lahat ng mga Galileo, dahil sa sila'y nangagbata ng mga bagay na ito?
3 Nay! I tell you, but, except ye repent, ye, all, in like manner, shall perish.
Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan.
4 Or, those eighteen, upon whom fell the tower in Siloam, and slew them, suppose ye that, they, had become, debtors, beyond all the men who were dwelling in Jerusalem?
O yaong labingwalo, na nalagpakan ng moog sa Siloe, at nangamatay, ay inaakala baga ninyo na sila'y lalong salarin kay sa lahat ng taong nangananahan sa Jerusalem?
5 Nay! I tell you, but, except ye repent, ye, all, in the same way, shall perish.
Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan.
6 And he went on to speak this parable: —A certain man had, a fig-tree, planted in his vineyard, and he canto seeking fruit therein, and found none.
At sinalita niya ang talinghagang ito, Isang tao ay may isang puno ng igos na natatanim sa kaniyang ubasan; at siya'y naparoong humahanap ng bunga niyaon, at walang nasumpungan.
7 And he said unto the vine-dresser—Lo! three years, I come, seeking fruit in this fig-tree, and find none. Cut it down! Why doth it make, even the round useless?
At sinabi niya sa nagaalaga ng ubasan, Narito, tatlong taon nang pumaparito akong humahanap ng bunga sa puno ng igos na ito, at wala akong masumpungan: putulin mo; bakit pa makasisikip sa lupa?
8 And, he, answering, saith unto him—Sir! let it alone this year also, until such time as I dig about it, and throw in manure, —
At pagsagot niya'y sinabi sa kaniya, Panginoon, pabayaan mo muna sa taong ito, hanggang sa aking mahukayan sa palibot, at malagyan ng pataba:
9 and if it may bear fruit for the future; …but, otherwise, certainly, thou shalt cut it down.
At kung pagkatapos ay magbunga, ay mabuti; datapuwa't kung hindi, ay puputulin mo.
10 And he was teaching in one of the synagogues, on the Sabbath.
At siya'y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath.
11 And lo! a woman, having a spirit of weakness eighteen years, —and was bowed together, and unable to lift herself up, at all.
At narito, ang isang babae na may espiritu ng sakit na may labingwalong taon na; at totoong baluktot at hindi makaunat sa anomang paraan.
12 And, seeing her, Jesus called her and said to her—Woman! thou art loosed from thy weakness, —
At nang siya'y makita ni Jesus, ay kaniyang tinawag siya, at sinabi niya sa kaniya, Babae, kalag ka na sa iyong sakit.
13 and laid on her his hands; and, instantly, she was made straight again, and began glorifying God.
At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya: at pagdaka siya'y naunat, at niluwalhati niya ang Dios.
14 But the synagogue-ruler, answering, being greatly displeased that, on the Sabbath, Jesus had healed, began saying unto the multitude—Six days, there are, in which men ought to get their work done; On them, therefore, come and be healed, and, not on the day of rest.
At ang pinuno sa sinagoga, dala ng kagalitan, sapagka't si Jesus ay nagpagaling nang sabbath, ay sumagot at sinabi sa karamihan, May anim na araw na ang mga tao'y dapat na magsigawa: kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo, at kayo'y pagagalingin, at huwag sa araw ng sabbath.
15 The Lord answered him, and said—Hypocrites! Doth not, each one of you, on the Sabbath, loose his ox or ass from the manger, and, leading it away, give it drink?
Datapuwa't sinagot siya ng Panginoon, at sinabi, Kayong mga mapagpaimbabaw, hindi baga kinakalagan ng bawa't isa sa inyo sa sabbath ang kaniyang bakang lalake o ang kaniyang asno sa sabsaban, at ito'y inilalabas upang painumin?
16 But, this woman, being a daughter of Abraham, whom Satan had bound, lo! eighteen years, was there not a needs-be that she should be loosed from this bond, on the day of rest?
At ang babaing itong anak ni Abraham, na tinalian ni Satanas, narito, sa loob ng labingwalong taon, hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng sabbath?
17 And, as he was saying, these, things, all who had been setting themselves against him were being put to shame; and, all the multitude, were rejoicing over all the glorious things which were being brought to pass by him.
At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay nangapahiya ang lahat ng kaniyang mga kaalit: at nangagagalak ang buong karamihan dahil sa lahat ng maluwalhating bagay na kaniyang ginawa.
18 He went on to say, therefore—Whereunto, is the kingdom of God, like? And, whereunto, shall I liken it?
Sinabi nga niya, Sa ano tulad ang kaharian ng Dios? at sa ano ko itutulad?
19 It is, like, unto a grain of mustard seed, which a man took and cast into his own garden; and it grew, and became a tree, and, the birds of heaven, lodged amongst its branches.
Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa kaniyang sariling halamanan; at ito'y sumibol, at naging isang punong kahoy; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.
20 And, again, he said—Whereunto, shall I liken the kingdom of God?
At muling sinabi niya, Sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios?
21 It is, like leaven, which a woman took and hid in three measures of flour, until, the whole, was leavened.
Tulad sa lebadura na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat.
22 And he was journeying on, city by city and village by village, and making, progress, unto Jerusalem.
At siya'y yumaon sa kaniyang lakad sa mga bayan at mga nayon, na nagtuturo, at naglalakbay na tungo sa Jerusalem.
23 And one said unto him—Lord! are they, few, who are being saved? And, he, said unto them—
At may isang nagsabi sa kaniya, Panginoon, kakaunti baga ang mangaliligtas? At sinabi niya sa kanila,
24 Be striving to enter through the narrow door; for, many, I say unto you, will seek to enter, and will not be able, —
Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari.
25 when once the householder shall rouse himself, and lock the door, and ye begin to stand, outside, and to knock at the door, saying—Lord! open to us; and he shall answer and say unto you—I know you not, whence ye are.
Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya'y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan;
26 Then, will ye begin to say—We did eat and drink in thy presence, and, in our broadways, thou didst, teach;
Kung magkagayo'y pasisimulan ninyong sabihin, Nagsikain kami at nagsiinom sa harap mo, at nagturo ka sa aming mga lansangan;
27 And he will speak, saying unto you—I know not whence ye are; Depart from me, all workers of unrighteous—
At sasabihin niya, Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan; magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan.
28 There, will be weeping and gnashing of teeth, as soon as ye see Abraham and Isaac and Jacob and all the prophets, in the kingdom of God, and, yourselves, being thrust forth outside.
Diyan na nga ang pagtangis, at ang pagngangalit ng mga ngipin, kung mangakita ninyo si Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng Dios, at kayo'y palabasin.
29 And they shall have come from east and west, and from north and south, and be made recline in the kingdom of God.
At sila'y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios.
30 And lo! there are, last, who shall be, first, and there are, first, who shall be, last;
At narito, may mga huling magiging una at may mga unang magiging huli.
31 In that very hour, came near certain Pharisees, saying unto him, Go forth, and be journeying hence, because, Herod, desireth to slay thee.
Nagsidating nang oras ding yaon ang ilang Fariseo, na nangagsasabi sa kaniya, Lumabas ka, at humayo ka rito: sapagka't ibig kang patayin ni Herodes.
32 And he said unto them—Go and tell this fox, Lo! I am casting out demons, and, cures, am I finishing, to-day, and to-morrow, —
At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo, at inyong sabihin sa sorrang yaon, Narito, nagpapalabas ako ng mga demonio at nagpapagaling ngayon at bukas, at ako'y magiging sakdal sa ikatlong araw.
33 and, on the third, I am to be made perfect. Nevertheless, I must needs, to-day, and tomorrow, and the following, be journeying on, because it is impossible that a prophet perish, outside Jerusalem.
Gayon ma'y kailangang ako'y yumaon sa aking lakad ngayon at bukas at sa makalawa: sapagka't hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem.
34 Jerusalem! Jerusalem! she that slayeth the prophets, and stoneth them that are sent unto her! How often, have I desired to gather together thy children, like as a hen, her own brood, under her wings, —and ye did not desire!
Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo!
35 Lo! your house is left to you. [And] I say unto you—In nowise shall ye see me, until ye say, —Blessed, is he that cometh in the name of the Lord!
Narito, sa inyo'y iniwang walang anoman ang inyong bahay: at sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.

< Luke 13 >