< Hosea 3 >

1 Then said Yahweh unto me, Once more, go love a woman who loveth a friend, and is an adulteress, —according to the love of Yahweh unto the sons of Israel, though they keep turning away unto other gods, and love [idolatrous] raisin-cakes.
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Humayo kang muli, umibig ka sa isang babae, na inibig ng kaniyang asawa, ngunit isang mangangalunya. Ibigin mo siya gaya ko, si Yahweh, na iniibig ang mga tao ng Israel, kahit na bumabaling sila sa ibang mga diyos at iniibig ang mga tinapay na may pasas.”
2 So I secured her to me, for fifteen pieces of silver, —and a homer of barley, and a half-homer of barley;
Kaya binili ko siya para sa aking sarili ng labinlimang pirasong pilak at ng isang homer at isang lethek ng sebada.
3 and I said unto her, Many days, shalt thou tarry for me, thou shalt not be unchaste, neither shalt thou become another man’s, —moreover also, I, [will tarry] for thee.
Sinabi ko sa kaniya, “Mamuhay ka kasama ko ng mahabang panahon. Hindi ka na magiging babaing nagbebenta ng aliw o magiging pag-aari ng sinumang ibang lalaki. gayundin naman, makakasama mo ako.”
4 For, many days, shall the sons of Israel tarry, without king, and without ruler, and without sacrifice, and without pillar; and without ephod, or household gods.
Sapagkat mamumuhay sa mahabang panahon ang mga tao ng Israel nang walang hari, prinsipe, alay, haliging bato, efod o mga diyus-diyosan sa sambahayan.
5 Afterwards, shall the sons of Israel return, and seek Yahweh their God, and David their king, —and shall turn with throbbing hearts unto Yahweh and unto his goodness, in the afterpart of the days.
Pagkatapos, manunumbalik at hahanapin ng mga tao ng Israel si Yahweh na kanilang Diyos at si David na kanilang hari. At sa huling mga araw, lalapit silang nanginginig sa harapan ni Yahweh at sa kaniyang kabutihan.

< Hosea 3 >