< Acts 27 >

1 When it was determined that we should sail for Italy, they delivered Paul and certain other prisoners to a centurion named Julius, of the Augustan band.
Nang mapagpasyahan na maglayag kami papunta sa Italia, ibinigay nila si Pablo at iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, na nasa hukbo ni Augusto.
2 Embarking in a ship from Adramyttium, which was about to sail to places on the coast of Asia, we put to sea; Aristarchus, a Macedonian of Thessalonica, being with us.
Sumakay kami sa isang barko galing Adramicio, na malapit nang maglayag na sa mga dalampasigan ng Asia. Kaya naglayag kami. Ssumama sa amin si Aristarco mula sa Tesalonica ng Macedonia.
3 The next day, we landed at Sidon. Julius treated Paul kindly, and gave him permission to go to his friends and refresh himself.
Nang sumunod na araw dumaong kami sa lungsod ng Sidon, kung saan pinakitunguhan ng mabuti ni Julio si Pablo at pinayagan siyang pumunta sa kaniyang mga kaibigan upang matanggap ang kaniyang mga kailangan.
4 Putting to sea from there, we sailed under the lee of Cyprus, because the winds were contrary.
Mula roon, pumunta kami sa dagat at naglayag sa palibot ng isla ng Chipre na nakublihan mula sa hangin, sapagakat ang hangin ay pasalungat sa amin.
5 When we had sailed across the sea which is off Cilicia and Pamphylia, we came to Myra, a city of Lycia.
Nang makapaglayag kami sa tubig malapit sa Cilicia at Pamfilia, dumating kami sa Mira, isang lungsod ng Licia.
6 There the centurion found a ship of Alexandria sailing for Italy, and he put us on board.
Doon, nakatagpo ang senturion ng barko galing Alexandria na maglalayag patungong Italia. Isinakay niya kami dito.
7 When we had sailed slowly many days, and had come with difficulty opposite Cnidus, the wind not allowing us further, we sailed under the lee of Crete, opposite Salmone.
Nang makapaglayag kaming may kabagalan ng maraming araw at sa wakas ng makarating kaming may kahirapan malapit sa Cinido, hindi kami pinahintulutan ng hangin na makapunta sa direksyon na iyon, kaya naglayag kami malapit sa mga nasisilungang bahagi ng Creta, tapat ng Salmon.
8 With difficulty sailing along it we came to a certain place called Fair Havens, near the city of Lasea.
Naglayag kami sa gilid ng dalamapsigan na may kahirapan, hanggang nakarating kami sa isang lugar na tinatawag na Mabuting Daungan na malapit sa lungsod ng Lasea.
9 When much time had passed and the voyage was now dangerous, because the Fast had now already gone by, Paul admonished them,
Maraming panahon na ang lumipas sa amin, ang panahon ng pag-aayuno ng mga Judio ay lumipas na rin at naging mapanganib na ang maglayag. Kaya binalaan sila ni Pablo,
10 and said to them, "Sirs, I perceive that the voyage will be with injury and much loss, not only of the cargo and the ship, but also of our lives."
at sinabi, “Mga kalalakihan, nakikita kong ang paglalayag na ating gagawin ay maaaring may masaktan at maraming pagkawala, hindi lang ng ating mga kargamento at ng barko, ngunit pati na rin ng ating mga buhay.”
11 But the centurion gave more heed to the master and to the owner of the ship than to those things which were spoken by Paul.
Ngunit ang senturion ay mas nagbigay ng pansin sa pinuno at sa may ari ng barko, kaysa sa mga bagay na sinabi ni Pablo.
12 Because the haven was not suitable to winter in, the majority advised going to sea from there, if by any means they could reach Phoenix, and winter there, which is a port of Crete, looking northeast and southeast.
Sapagkat hindi madaling tumigil sa daungan sa taglamig, karamihan sa mga mandaragat ay nagpapayong maglayag mula roon, kahit sa anumang paraan ay makaya naming abutin ang lungsod ng Fenix, upang magpalipas doon ng taglamig. Ang Fenix ay isang daungan sa Creta, at ito ay nakaharap sa hilagangsilangan at timogsilangan.
13 When the south wind blew softly, supposing that they had obtained their purpose, they weighed anchor and sailed along Crete, close to shore.
Nang magsimula ng umihip ng banayad ang hangin mula sa timog, naisip ng mga mandaragat na ang kanilang kailangan ay nasa kanila na. Kaya't isinampa nila ang angkla at naglayag sa gilid ng Creta, malapit sa dalampasigan.
14 But before long, a stormy wind beat down from shore, which is called Euraquilo.
Subalit pagkatapos ng maikling panahon ay may napakalakas na hangin, na tinatawag na Ang Hilagang-silangan, na nagsimulang tumama sa amin patawid sa kabilang isla.
15 When the ship was caught, and could not face the wind, we gave way to it, and were driven along.
Nang matangay ng hangin ang barko at hindi kayang harapin ang hangin, hindi na namin kinaya at nagpatangay nalang dito.
16 Running under the lee of a small island called Cauda, we were able, with difficulty, to secure the boat.
Pumunta kami sa tabi ng kubling bahagi ng maliliit na isla na tinatawag na Cauda: at kahit nahirapan kami nagawa naming iakyat ang bangka sa barko.
17 After they had hoisted it up, they used cables to help reinforce the ship. Fearing that they would run aground on the Syrtis, they lowered the sea anchor, and so were driven along.
Nang maitaas nila ito, gumamit sila ng mga lubid upang itali ang barko. Natakot sila na masadsad kami sa mga pulong buhangin ng Syrtis, kaya ibinaba nila ang angkla sa dagat at hinayaang tangayin kami.
18 As we labored exceedingly with the storm, the next day they began to throw things overboard.
Kami ay lubhang nabugbug ng bagyo, kaya't nang sumunod na araw ang mga mandaragat ay nagsimulang mag tapon sa tubig ng mga kagamitan.
19 On the third day, they threw out the ship's tackle with their own hands.
Nang ikatlong araw ay itinapon din ng mga mandaragat sa pamamagitan ng kanilang sariling kamay ang mga kagamitan ng barko.
20 When neither sun nor stars shone on us for many days, and no small storm pressed on us, all hope that we would be saved was now taken away.
Nang ang araw at mga bituin ay hindi na nagliwanag sa amin ng maraming mga araw, at patuloy ang paghagupit sa amin ng malakas na bagyo, anumang pag-asa na maliligtas kami ay nawala.
21 When they had been long without food, Paul stood up in the middle of them, and said, "Sirs, you should have listened to me, and not have set sail from Crete, and have gotten this injury and loss.
Nang matagal ng ubos ang kanilang pagkain, tumayo si Pablo sa harapan ng mga mandaragat at nagsabing, “Mga kalalakihan, nakinig sana kayo sa akin, at hindi naglayag mula sa Creta, at hindi kayo nagtamo ng pinsala at nawalan.
22 Now I exhort you to cheer up, for there will be no loss of life among you, but only of the ship.
At ngayon hinihimok ko kayo na magkaroon kayon ng lakas ng loob, upang walang mawalan ng buhay sa inyo, ngunit pagkawala ng barko lamang.
23 For there stood by me this night an angel, belonging to the God whose I am and whom I serve,
Dahil kagabi may isang anghel ng Diyos na nagmamay-ari sa akin na aking sinasamba—tumayo ang kaniyang anghel sa aking tabi
24 saying, 'Do not be afraid, Paul. You must stand before Caesar. And look, God has granted you all those who sail with you.'
at sinabing, “Huwag kang matakot, Pablo. Kinakailangan kang tumayo sa harapan ni Cesar, at makita na ang Diyos sa kaniyang kabutihan ay ibinigay na saiyo ang lahat na naglalayag kasama mo.
25 Therefore, sirs, cheer up. For I believe God, that it will be just as it has been spoken to me.
Kaya nga, mga kalalakihan, lakasan ninyo ang inyong loob, sapagkat nagtititawala ako sa Diyos, na mangyayari ito tulad ng pagkasabi sa akin.
26 But we must run aground on a certain island."
Ngunit kinakailangan na mapadpad tayo sa ilang isla.”
27 But when the fourteenth night had come, as we were driven back and forth in the Adriatic Sea, about midnight the sailors surmised that they were drawing near to some land.
Nang dumating ang ikalabing-apat na gabi, nang mapadpad kami kung saan-saan sa Dagat ng Adriatico, bandang hating-gabi naisip ng mga mandaragat na papalapit sila sa isang lupain.
28 They took soundings, and found twenty fathoms. After a little while, they took soundings again, and found fifteen fathoms.
Sinukat nila ang kalaliman ng dagat, at nalaman na may dalawangpung dipa ang lalim; pagkatapos ng ilang sandali, sumukat sila ng mas marami at nalaman nila na labinlimang dipa ang lalim.
29 Fearing that we would run aground on rocky ground, they let go four anchors from the stern, and wished for daylight.
Natakot sila na baka kami ay sumadsad sa mga bato, kaya ibinaba nila ang apat na angkla mula sa likuran ng barko at nanalangin na dumating na ang umaga.
30 As the sailors were trying to flee out of the ship, and had lowered the boat into the sea, pretending that they would lay out anchors from the bow,
Naghahanap ang mga mandaragat ng paraan upang iwanan ang barko at ibinaba sa dagat ang bangka mula sa barko, at nagpanggap na itatapon lang nila pababa ang mga angkla mula sa unahan ng barko.
31 Paul said to the centurion and to the soldiers, "Unless these stay in the ship, you cannot be saved."
Ngunt sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, “Maliban na manatili ang mga lalaking ito sa barko, hindi kayo maliligtas.”
32 Then the soldiers cut away the ropes of the boat, and let it fall off.
Kaya pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka at hinayaang mapaanod ito palayo.
33 While the day was coming on, Paul urged them all to take some food, saying, "This day is the fourteenth day that you wait and continue fasting, having taken nothing.
Nang mag-uumaga na, pinakiusapansilang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Ngayon ang ikalabing-apat na araw na naghintay kayo at hindi kumain; wala kayong kinain na anuman.
34 Therefore I urge you to take some food, for this is for your preservation; for not a hair will perish from any of your heads."
Kaya nakikiusap ako na kumain kayo, sapagkat para ito sa inyong kaligtasan; at wala kahit isa mang buhok ng inyong mga ulo ang mawawala.”
35 When he had said this, and had taken bread, he gave thanks to God in the presence of all, and he broke it, and began to eat.
Nang sinabi niya ito, kumuha siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos sa paningin ng bawat isa. Pagkatapos pinutol niya ang tinapay at nagsimulang kumain.
36 Then they all cheered up, and they also took food.
Pagkatapos lahat sila ay lumakas ang kalooban at kumuha rin sila ng pagkain,
37 In all, we were two hundred seventy-six souls on the ship.
276 kami na mga tao sa barko.
38 When they had eaten enough, they lightened the ship, throwing out the wheat into the sea.
Nang makakain na sila ng sapat, itinapon nila ang mga trigo sa dagat upang gumaan ang barko.
39 When it was day, they did not recognize the land, but they noticed a certain bay with a beach, and they decided to try to drive the ship onto it.
Nang umaga na, hindi nila nakilala ang lupain, ngunit nakakita sila ng dalampasigan, at pinag-usapan nila kung idadaan ang barko sa lugar na iyon.
40 Casting off the anchors, they left them in the sea, at the same time untying the rudder ropes. Hoisting up the foresail to the wind, they made for the beach.
Kaya pinutol nila ang tali ng mga angkla at iniwan nila ang mga ito sa dagat. Sa oras ding iyon ay niluwagan nila ang mga lubid ng mga timon at itinaas ang layag sa hangin; at tinangay sila papuntasa dalampasigan.
41 But coming to a place where two seas met, they ran the vessel aground. The bow struck and remained immovable, but the stern began to break up by the violence of the waves.
Ngunit dumating sila sa lugar na may dalawang nagsasalubong na agos at sumadsad ang barko sa lupa. Naipit doon ang unahang bahagi ng barko at nanatili na hindi umaalis, ngunit nagsimulang masira ang hulihang bahagi ng barko dahil sa matinding lakas ng alon.
42 The soldiers' counsel was to kill the prisoners, so that none of them would swim out and escape.
Binalak ng mga Kawal na patayin ang mga bilanggo upang wala sa kanila ang makalangoy palayo at makatakas.
43 But the centurion, desiring to save Paul, stopped them from their purpose, and commanded that those who could swim should throw themselves overboard first to go toward the land;
Ngunit gustong iligtas ng senturion si Pablo, kaya pinigilan niya ang kanilang balak; at nag-utos siya sa mga marunong lumangoy lumangoy na maunang tumalon sa tubig at pumunta sa lupa.
44 and the rest should follow, some on planks, and some on other things from the ship. So it happened that they all escaped safely to the land.
Pagkatapos susunod ang mga natirang kalalakihan, ang ilan ay sa mga kahoy, at ang ilan sa ibang mga bagay mula sa barko. Sa ganitong paraan nakararing kaming lahat nang ligtas sa lupa.

< Acts 27 >