< Psalms 53 >

1 For the end, [a Psalm] of David upon Maeleth, of instruction. The fool has said in his heart, There is no God. They have corrupted [themselves], and become abominable in iniquities: there is none that does good.
Sinasabi ng mangmang sa kaniyang puso, ''Walang Diyos.'' Masama (sila) at gumawa ng kasuklam-suklam na pagkakasala; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti.
2 God looked down from heaven upon the sons of men, to see if there were any that understood, or sought after God.
Mula sa langit nakatanaw ang Diyos sa mga anak ng tao para tingnan kung may nakauunawa na naghahanap sa kaniya.
3 They have all gone out of the way, they are together become unprofitable; there is none that does good, there is not even one.
Ang bawat isa sa kanila ay tumalikod; ang lahat ay naging marumi; wala ni isang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 Will none of the workers of iniquity know, who devour my people as they would eat bread? they have not called upon God. There were they greatly afraid, where there was no fear:
Wala ba silang nalalaman, silang gumagawa ng pagkakasala, silang mga kumakain ng aking bayan gaya ng pagkain ng tinapay pero hindi tumatawag sa Diyos?
5 or God has scattered the bones of the men-pleasers; they were ashamed, for God despised them.
(Sila) ay nasa kalagitnaan ng matinding pagkatakot, kahit na walang dahilan para matakot; dahil ikakalat ng Diyos ang mga buto ng sinumang nagsasama-sama laban sa inyo; ang ganiyang mga tao ay ilalagay sa kahihiyan dahil (sila) ay tinanggihan ng Diyos.
6 Who will bring the salvation of Israel out of Sion? When the Lord turns the captivity of his people, Jacob shall exult, and Israel shall be glad.
O, ang kaligtasan ng Israel ay darating mula sa Sion! Kapag ibinalik na ng Diyos ang kaniyang bayan mula sa pagkakabihag, magdiriwang si Jacob at ang Israel ay magagalak!

< Psalms 53 >