< Psalms 23 >

1 A Psalme of David. The Lord is my shepheard, I shall not want.
Si Yahweh ang aking pastol; hindi ako magkukulang.
2 He maketh me to rest in greene pasture, and leadeth me by the still waters.
Pinahihiga niya ako sa luntiang mga pastulan; inaakay niya ako sa tabi ng payapang tubigan.
3 He restoreth my soule, and leadeth me in the paths of righteousnesse for his Names sake.
Binabalik niya ang aking buhay; ginagabayan niya ako sa tamang landas alang-alang sa kaniyang pangalan.
4 Yea, though I should walke through the valley of the shadowe of death, I will feare no euill: for thou art with me: thy rod and thy staffe, they comfort me.
Kahit na lumakad ako sa gitna ng napakadilim na anino ng lambak, hindi ko katatakutan ang kapahamakan dahil ikaw ang kasama ko; ang iyong pamalo at iyong tungkod ang nagpapayapa sa akin.
5 Thou doest prepare a table before me in the sight of mine aduersaries: thou doest anoynt mine head with oyle, and my cuppe runneth ouer.
Ipinaghahanda mo ako ng isang hapag sa harapan ng aking mga kaaway; binuhusan mo ng langis ang aking ulo; ang saro ko ay nag-uumapaw.
6 Doubtlesse kindnesse and mercie shall follow me all the dayes of my life, and I shall remaine a long season in the house of the Lord.
Tiyak na kabutihan at katapatan sa tipan ang hahabol sa akin sa lahat ng mga araw ng aking buhay; at ako ay mananahanan sa tahanan ni Yahweh habang buhay!

< Psalms 23 >