< 2 Kings 6 >

1 And the children of the Prophets saide vnto Elisha, Behold, we pray thee, the place where we dwell with thee, is too litle for vs.
Sinabi ng mga anak ng mga propeta kay Eliseo, “Ang lugar kung saan kami nakatira kasama ka ay masyadong maliit para sa ating lahat.
2 Let vs nowe goe to Iorden, that we may take thence euery man a beame, and make vs a place to dwell in. And he answered, Goe.
Hayaan mo kaming pumunta sa Jordan, at magputol ng puno roon at magtayo ng matitirahan.” Tumugon si Eliseo sinabing, “Sige.”
3 And one said, Vouchsafe, I pray thee, to go with thy seruants, and he answered, I will goe.
Sinabi ng isa sa kanila, “Pakiusap samahan mo ang iyong mga lingkod.” Sumagot si Eliseo, “Sasama ako.”
4 So he went with them, and when they came to Iorden, they cut downe wood.
Kaya sumama siya sa kanila, at nang makarating sila sa Jordan, nag-umpisa silang magputol ng mga puno.
5 And as one was felling of a tree, the yron fell into the water: then he cryed, and said, Alas master, it was but borowed.
Pero habang nagpuputol ang isa sa kanila, nalaglag ang ulo ng palakol sa tubig; sumigaw siya at sinabinig, “Naku, panginoon, hiniram ko lang iyon!”
6 And the man of God saide, Where fell it? And he shewed him the place. Then he cut downe a piece of wood, and cast in thither, and he caused the yron to swimme.
Kaya sinabi ng lingkod ng Diyos, “Saan ito nahulog?” Tinuro ng lalaki kay Eliseo ang lugar. Pumutol siya ngayon siya ng isang patpat, tinapon ito sa tubig at pinalutang ang palakol.
7 Then he saide, Take it vp to thee. And he stretched out his hand, and tooke it.
Sinabi ni Eliseo, “Kunin mo.” Kaya inabot ito ng lalaki ng kaniyang kamay.
8 Then the King of Aram warred against Israel, and tooke counsell with his seruants, and said, In such and such a place shalbe my campe.
Ngayon nakikipagdigma ang hari ng Aram laban sa Israel. Sumangguni siya sa kaniyang mga lingkod, sinasabing, “Ang kampo ko ay nasa ganitong lugar.”
9 Therefore the man of God sent vnto the King of Israel, saying, Beware thou goe not ouer to such a place: for there the Aramites are come downe.
Kaya nagpunta ang lingkod ng Diyos sa hari ng Israel, sinasabing, “Sikapin ninyong hindi dumaan sa lugar na iyon, dahil ang mga Aramean ay bababa roon.”
10 So the King of Israel sent to the place which the man of God tolde him, and warned him of, and saued himselfe from thence, not once, nor twise.
Pagkatapos nagpadala ang hari ng Israel ng mga tauhan sa lugar na iyon kung saan binalaan siya ng lingkod ng Diyos. Iniligtas siya ng babalang iyon ng ilang beses.
11 And the heart of the King of Aram was troubled for this thing: therefore he called his seruants and saide vnto them, Will ye not shewe me, which of vs bewrayeth our counsel to the king of Israel?
Gulong-gulo ang isip ng hari ng Aram dahil sa babalang ito, at tinawag niya ang kaniyang mga lingkod at sinabi sa kanila, “Wala ba sa inyo ang magsasabi kung sino sa inyo ang pumapanig sa hari ng Israel?”
12 Then one of his seruants saide, None, my lorde, O King, but Elisha the Prophet that is in Israel, telleth the King of Israel, euen the wordes that thou speakest in thy priuie chamber.
Kaya sinabi ng isa sa kaniyang mga lingkod, “Hindi, panginoong hari, dahil si Eliseo na propeta ng Israel ang nagsasabi sa hari ng Israel ng mga sinasabi mo sa iyong silid!”
13 And he said, Goe, and espie where he is, that I may sende and fetch him. And one tolde him, saying, Beholde, he is in Dothan.
Tumugon ang hari, “Humayo kayo at tingnan ninyo kung nasaan si Eliseo nang makapagpadala ako ng mga tauhan para dakpin siya.” At sinabi sa kaniya, “Nasa Dotan siya.”
14 So he sent thither horses, and charets, and a mightie hoste: and they came by night, and compassed the citie.
Kaya nagpadala ang hari ng mga kabayo, mga karwahe at isang malaking hukbo sa Dotan. Dumating sila nang gabi at pinalibutan ang lungsod.
15 And when the seruant of the man of God arose earely to goe out, beholde, an hoste compassed the citie with horses and charets. Then his seruant sayde vnto him, Alas master, howe shall we doe?
Nang ang alipin ng lingkod ng Diyos ay maagang bumangon at lumabas, pagmasdan mo, isang malaking hukbo at mga kabayo ang nakapaligid sa lungsod. Sinabi ng kaniyang alipin sa kaniya, “Panginoon! Anong gagawin natin?”
16 And he answered, Feare not: for they that be with vs, are moe then they that be with them.
Sumagot si Eliseo, “Huwag kang matakot, dahil ang mga kasama natin ay higit na mas marami kumpara sa kanila.”
17 Then Elisha prayed, and saide, Lord, I beseech thee, open his eyes, that he may see. And the Lord opened the eyes of the seruant, and he looked, and beholde, the mountaine was full of horses and charets of fyre round about Elisha.
Nanalangin si Eliseo at sinabing, “Yahweh, Nakiki-usap ako na buksan mo ang mga mata niya nang makakita siya.” Kaya't binuksan ni Yahweh ang mga mata ng kaniyang alipin at nakakita siya. Ang bundok ay puno ng mga kabayo at karwahe na nag-aapoy sa paligid ni Eliseo!
18 So they came downe to him, but Elisha prayed vnto the Lord, and said, Smite this people, I pray thee, with blindnesse. And he smote them with blindnes, according to the worde of Elisha.
Nang bumaba ang mga Aramean sa kaniya, nanalangin si Eliseo kay Yahweh at sinabing, “Hinihiling kong bulagin mo sila.” Kaya't binulag sila ni Yahweh, gaya ng hiling ni Eliseo.
19 And Elisha said vnto them, This is not the way, neither is this the citie: follow me, and I will leade you to the man whome ye seeke. But he ledde them to Samaria.
Pagkatapos sinabi ni Eliseo sa mga Aramean, “Hindi ito ang daan, ni ito ang lungsod. Sumunod kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa taong hinahanap ninyo.” At dinala niya sila sa Samaria.
20 And when they were come to Samaria, Elisha saide, Lord, open their eyes that they may see. And the Lord opened their eyes, and they saw, and beholde, they were in the mids of Samaria.
Nang dumating sila sa Samaria, sinabi ni Eliseo, “Buksan mo ang mga mata nila, Yahweh, nang makakita sila.” Binuksan ni Yahweh ang mga mata nila at nakakita sila, at nakita nilang nasa gitna sila ng lungsod ng Samaria.
21 And the King of Israel sayde vnto Elisha when he sawe them, My father, shall I smite them, shall I smite them?
Nang makita sila ng hari ng Israel, sinabi niya kay Eliseo, “Ama, dapat ko na ba silang patayin? Papatayin ko na ba sila?”
22 And he answered, Thou shalt not smite them: doest thou not smite them that thou hast taken with thy sworde, and with thy bowe? but set bread and water before them, that they may eate and drinke and goe to their master.
Sumagot si Eliseo, “Huwag mo silang patayin. Papatayin mo ba silang mga kinuha mong bihag gamit ang espada at pana mo? Maghain ka ng tinapay at tubig sa kanila para makakain at makainom sila at makapunta sa kanilang panginoon.”
23 And he made great preparation for them: and when they had eaten and drunken, he sent them away: and they went to their master. So ye bands of Aram came no more into the land of Israel.
Kaya't naghain ng pagkain ang hari para sa kanila, at nang nakakain at nakainom sila, pinalaya niya sila at pinabalik sa kanilang panginoon. Ang mga grupo ng sundalong Aramean na iyon ay hindi bumalik sa lupain ng Israel nang mahabang panahon.
24 But afterward Ben-hadad King of Aram gathered all his hoste, and went vp, and besieged Samaria.
Matapos nito, tinipon ni Ben Hadad, hari ng Aram, ang lahat ng kaniyang hukbo at lumusob sa Samaria at binihag ito.
25 So there was a great famine in Samaria: for loe, they besieged it vntill an asses head was at foure score pieces of siluer, and the fourth part of a kab of doues doung at fiue pieces of siluer.
Kaya't nagkaroon ng matinding taggutom sa Samaria. Binihag nila ito hanggang ang isang asno ay maibenta sa halagang walumpung pirasong pilak, at ikaapat na bahagi ng isang kab ng dumi ng kalapati sa halagang limang pirasong pilak.
26 And as the King of Israel was going vpon the wall, there cryed a woman vnto him, saying, Helpe, my lord, O King.
Habang dumadaan ang hari ng Israel sa may pader, isang babae ang umiyak sa kaniya, sinasabing, “Tulungan mo ako, panginoong hari.”
27 And he said, Seeing the Lord doeth not succour thee, howe shoulde I helpe thee with the barne, or with the wine presse?
Sinabi niya, “Kung hindi ka tinutulungan ni Yahweh, paano kita matutulungan? Mayroon bang nanggagaling sa giikan o pigaan ng alak?”
28 Also the King said vnto her, What ayleth thee? And she answered, This woman sayde vnto me, Giue thy sonne, that we may eate him to day, and we will eate my sonne to morowe,
Sinabi pa ng hari, “Ano ang bumabagabag sa iyo?” Tumugon siya, “Sinabi ng babeng ito sa akin, 'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin ngayon, at bukas kakainin natin ang anak ko.'”
29 So we sod my sonne, and did eate him: and I saide to her the day after, Giue thy sonne, that we may eate him, but she hath hid her sonne.
Kaya't nilaga namin ang anak ko at kinain ito, at sinabi ko sa kaniya kinabukasan, “'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin, pero tinago niya ito.”
30 And when the King had heard the wordes of the woman, he rent his clothes, (and as he went vpon the wall, the people looked, and behold, he had sackecloth within vpon his flesh)
Kaya nang narinig ng hari ang sinabi ng babae, pinunit niya ang kaniyang damit (dumadaan siya sa may pader), at tumingin ang mga tao at nakita na mayroon siyang sako bilang panloob na kasuotan.
31 And he saide, God doe so to me and more also, if the head of Elisha the sonne of Shaphat shall stande on him this day.
Sinabi niya, “Parusahan nawa ako ng Diyos, at lalong higit pa, kung matatapos ang araw na nananatili pa rin ang ulo ni Eliseo sa kaniya, anak ni Safat.”
32 (Nowe Elisha sate in his house, and the Elders sate with him.) And the King sent a man before him: but before the messenger came to him, he saide to the Elders, See ye not howe this murtherers sonne hath sent to take away mine head? take heede when the messenger commeth, and shut the doore and handle him roughly at the doore: is not the sounde of his masters feete behinde him?
Pero nakaupo si Eliseo sa kaniyang bahay kasama ng mga nakatatanda. Nagpadala ng tao ang hari pero nang dumating ang mensahero kay Eliseo, sinabi niya sa mga nakatatanda, “Tingnan ninyo kung paanong nagpadala ng tao ang anak ng mamamatay-tao na ito para patayin ako? Kapag dumating siya, isara ninyo ang pinto at pigilan ninyong mabuksan niya ito. Hindi ba't kasunod niya ay ang mga yapak ng kaniyang panginoon?”
33 While he yet talked with them, beholde, the messenger came downe vnto him, and saide, Behold, this euill commeth of the Lord: should I attende on the Lord any longer?
Habang nakikipag-usap siya sa kanila, dumating ang mensahero sa kaniya. Sinabi ng hari, “Ang suliraning ito ay galing kay Yahweh. Bakit kailangan ko pang maghintay kay Yahweh?”

< 2 Kings 6 >