< 1 Timothy 6 >

1 Let as many seruaunts as are vnder the yoke, count their masters worthie of all honour, that the Name of God, and his doctrine be not euill spoken of.
Hayaan ang lahat ng nasa ilalim ng pamatok ng pagiging mga alipin na kilalanin nila ang kanilang mga amo ng karapat-dapat sa buong paggalang. Dapat nilang gawin ito upang ang pangalan ng Diyos at ang katuruan ay hindi malapastangan.
2 And they which haue beleeuing masters, let them not despise them, because they are brethren, but rather doe seruice, because they are faithfull, and beloued, and partakers of the benefite. These things teach and exhort.
Ang mga alipin na may among mananampalataya ay huwag silang lapastanganin dahil sila ay magkapatid. Sa halip, sila ay dapat paglingkurang mabuti. Sapagkat ang mga amo na natutulungan nila sa kanilang gawain ay mga mananampalataya at minamahal. Ituro mo at ipahayag ang mga bagay na ito.
3 If any man teach otherwise, and consenteth not to the wholesome wordes of our Lord Iesus Christ, and to the doctrine, which is according to godlinesse,
Kung mayroong magtuturo ng kakaiba at hindi tinanggap ang ating tapat na tagubilin, na ang mga Salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung hindi nila tanggapin ang katuruan na nagdadala sa pagiging maka-diyos.
4 He is puft vp and knoweth nothing, but doteth about questions and strife of words, whereof commeth enuie, strife, railings, euill surmisings,
Ang taong ito ay mapagmataas at walang nalalaman. Sa halip, sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita. Ang mga salitang ito ay humahantong sa pagkainggit, pagtatalo, mga insulto, mga masamang akala, at
5 Frowarde disputations of men of corrupt mindes and destitute of ye trueth, which thinke that gaine is godlines: from such separate thy selfe.
patuloy na pag-aawayan sa pagitan ng mga taong baluktot ang mga pag-iisip. Tumalikod sila sa katotohanan. Iniisip nila na ang pagiging maka-diyos ay isang paraan upang yumaman.”
6 But godlinesse is great gaine, if a man be content with that he hath.
Ngayon ang pagiging maka-diyos na may kapanatagan ay may malaking pakinabang.
7 For we brought nothing into the world, and it is certaine, that we can carie nothing out.
Sapagkat wala tayong dinalang anuman dito sa mundo. wala rin tayong madadala na anumang bagay.
8 Therefore when wee haue foode and raiment, let vs therewith be content.
Sa halip, masiyahan tayo sa pagkain at pananamit.
9 For they that will be rich, fall into tentation and snares, and into many foolish and noysome lustes, which drowne men in perdition and destruction.
Ngayon sa mga gustong yumaman mahuhulog sila sa tukso, sa isang bitag. Sila ay mahuhulog sa kamangmangan at masamang pagnanasa, at sa anumang sisira at wawasak sa mga tao.
10 For the desire of money is the roote of all euill, which while some lusted after, they erred from the faith, and pearced themselues through with many sorowes.
Sapagkat ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan. Ang ilang mga taong nagnais nito ay nailigaw sa kanilang pananampalataya at tinutusok nila ang kanilang sarili nang labis na kapighatian.
11 But thou, O man of God, flee these things, and follow after righteousnesse, godlines, faith, loue, patience, and meekenes.
Ngunit ikaw, na lingkod ng Diyos, layuan mo ang mga bagay na ito. Sikapin mo ang katuwiran, pagiging maka-diyos, katapatan, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan,
12 Fight the good fight of faith: lay holde of eternal life, whereunto thou art also called, and hast professed a good profession before many witnesses. (aiōnios g166)
Lumaban ka ng mabuting pakikipaglaban sa pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan kung saan ka tinawag. Tungkol dito nagpatotoo ka sa harap ng maraming mga saksi kung ano ang mabuti. (aiōnios g166)
13 I charge thee in the sight of God, who quickeneth all thinges, and before Iesus Christ, which vnder Pontius Pilate witnessed a good confession,
Ibinibigay ko sa iyo ang utos na ito sa harap ng Diyos, na siyang dahilan nang lahat ng bagay para mabuhay, at sa harapan ni Cristo-Jesus, na siyang nagsabi ng katotohanan kay Poncio Pilato:
14 That thou keepe this commandement without spot, and vnrebukeable, vntill the appearing of our Lord Iesus Christ,
ingatan mong mabuti ang mga kautusan, ng walang kapintasan, hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu- Cristo.
15 Which in due time hee shall shewe, that is blessed and Prince onely, the King of Kings and Lord of Lordes,
Ipapahayag ng Diyos ang kaniyang pagpapakita sa tamang panahon—ang Diyos, ang Pinagpala, ang nag-iisang kapangyarihan, ang Hari na siyang naghahari, ang Panginoong namumuno.
16 Who onely hath immortalitie, and dwelleth in the light that none can attaine vnto, whom neuer man sawe, neither can see, vnto whome bee honour and power euerlasting, Amen. (aiōnios g166)
Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa hindi malapitang liwanag. Walang sinumang tao na nakakita sa kaniya o kaya ay may kakayahang makita siya. Sa kaniya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen. (aiōnios g166)
17 Charge them that are rich in this world, that they be not high minded, and that they trust not in vncertaine riches, but in the liuing God, (which giueth vs aboundantly, all things to enioy) (aiōn g165)
Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak. (aiōn g165)
18 That they doe good, and be riche in good woorkes, and readie to distribute, and comunicate,
Sabihin mo sa kanila na gumawa ng mabuti, at magpakayaman sa mabubuting mga gawa, maging mapagbigay, at handang mamahagi.
19 Laying vp in store for themselues a good foundation against the time to come, that they may obteine eternall life.
Sa paraang iyan, sila ay mag-iipon para sa kanilang sarili ng mabuting pundasyon sa kung anong darating, upang makamit nila ang tunay na buhay.
20 O Timotheus, keepe that which is committed vnto thee, and auoide prophane and vaine babblings, and oppositios of science falsely so called,
Timoteo, pangalagaan mo kung ano ang mga naibigay sa iyo. Umiwas ka sa mga walang kabuluhang mga usapan at mga pagtutuligsa na sinasabing maling kaalaman.
21 Which while some professe, they haue erred concerning the faith. Grace be with thee, Amen. ‘The first Epistle to Timotheus, written from Laodicea, which is the chiefest citie of Phrygia Pacaciana.’
May ibang mga tao na nagpapahayag ng mga bagay na ito kaya marami sa kanila ang nailihis sa pananampalataya. Sumasaiyo nawa ang biyaya.

< 1 Timothy 6 >