< Psalms 93 >

1 The Lord reigns, clothed in majesty! He wears his royal robes, with his power worn like a belt. The world is held together firmly—it cannot be broken apart.
Si Yahweh ay naghahari; siya ay binabalutan ng kamaharlikahan; si Yahweh ay nakadamit ng kalakasan; sinusuot niya ito na parang isang sinturon. Ang mundo ay matatag na itinayo; hindi ito matitinag.
2 Your throne has existed from ages past; you are from eternity.
Ang iyong trono ay naitayo mula noong unang panahon; ikaw ay mula sa magpakailanman.
3 The floods have raised up, Lord; the floods have raised their voices; the floods have raised up their crashing waves.
Tumataas ang karagatan, Yahweh; kanilang itinaas ang kanilang mga tinig; ang alon ng karagatan ay nagsasalpukan at dumadagundong.
4 But greater than the most violent ocean, greater than the largest waves of the sea, the greatest is the Lord above.
Sa ibabaw ng nagsasalpukang mga alon, ang mga makapangyarihang naghahati ng dagat, si Yahweh na kataas-taasan ay makapangyarihan.
5 Your laws are totally trustworthy. Your house, Lord, is holy forever.
Ang iyong taos pusong mga kautusan ay tunay na mapagkakatiwalaan; ang iyong kabanalan ang nagpapalamuti ng iyong tahanan, Yahweh, magpakailanman.

< Psalms 93 >