< Psalms 143 >

1 A psalm of David. Lord, please hear my prayer. Because you are faithful, please listen to my appeal for mercy. Answer me because you do what is right!
Dinggin mo ang aking panalangin, Yahweh; makinig ka sa aking pagsamo. Dahil sa iyong katapatan at katuwiran, sagutin mo ako!
2 Please don't place me, your servant, on trial, because nobody is innocent in your sight.
Huwag mong hatulan ang iyong lingkod, dahil walang matuwid sa iyong paningin.
3 The enemy has chased me down. He crushes me to the ground. He makes me live in darkness like those who died a long time ago.
Hinangad ng kaaway ang aking kaluluwa; ako ay kaniyang ibinaon sa lupa; pinatira niya ako sa kadiliman tulad ng mga matagal ng namatay.
4 I sense myself fading away inside; I am overwhelmed by a sense of desolation.
Ang aking espiritu ay nanglulupaypay; ang aking puso ay nawalan ng pag-asa.
5 I think of days long ago, and as I meditate I talk to myself about all you have done, I reflect on what you have accomplished.
Inalala ko ang nakalipas, nagnilay ako sa iyong mga gawa; nagmuni-muni ako sa iyong mga katagumpayan.
6 I stretch out my hands to you, thirsting for you like dried-out land. (Selah)
Itinataas ko ang aking mga kamay sa iyo sa panalangin; ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo sa isang tuyong lupain. (Selah)
7 Please answer me quickly, Lord! I'm dying! Don't turn away otherwise I'll be just like those who are going down into the grave.
Yahweh, sumagot ka agad sa akin dahil ang aking espiritu ay nanghihina. Huwag mong itago ang iyong mukha sa akin, o ako ay magiging gaya ng mga bumaba sa hukay.
8 Tell me every morning about your trustworthy love, because I put my confidence in you. Show me the way I should go, because I dedicate myself to you.
Hayaan mong marinig ko ang iyong katapatan sa tipan sa umaga, dahil nagtitiwala ako sa iyo. Ipakita mo sa akin ang daan kung saan ako dapat lumakad, dahil itinataas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
9 Save me from those who hate me, Lord—I run to you for protection.
Sagipin mo ako mula sa aking mga kaaway, Yahweh; ako ay tumakas sa iyo para magtago.
10 Teach me your will for you are my God. May your spirit of goodness lead me and make my way smooth.
Turuan mo ako na gawin ang iyong kalooban dahil ikaw ang aking Diyos. Nawa ang iyong mabuting Espiritu ay pangunahan ako sa lupain ng katuwiran.
11 Because of the kind of person you are, let me go on living. Because you always do what's right, get me out of the trouble I'm in.
Yahweh, para sa kapakanan ng ngalan mo, panatilihin mo akong buhay; sa iyong katuwiran ilayo mo ang aking kaluluwa sa kaguluhan.
12 In your trustworthy love, get rid of those who hate me, destroy all my enemies, for I am your servant.
Sa iyong katapatan sa tipan alisin mo ang aking mga kaaway at wasakin ang lahat ng mga kaaway ng aking buhay dahil ako ay iyong lingkod.

< Psalms 143 >