< Ezekiel 28 >

1 A message from the Lord came to me, saying,
Pagkatapos nagsalita si Yahweh sa akin at sinabi,
2 “Son of man, tell the ruler of Tyre this is what the Lord God says: You are so proud of yourself, saying, ‘I'm a god! I sit on my throne like a god in the middle of the sea.’ But you're only a man. You're not a god, even though you think you are one.
“Anak ng tao, sabihin mo sa namumuno ng Tiro, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Mapagmataas ang iyong puso! Sinabi mo, “Ako ay isang diyos! Uupo ako sa upuan ng mga diyos sa kalagitnaan ng dagat!” Kahit na ikaw ay tao at hindi Diyos, ginawa mo ang inyong puso na gaya ng puso ng isang diyos;
3 You even think you're wiser than Daniel and there's no secret that's hidden from you!
iniisip mo na mas matalino ka kaysa kay Daniel, at walang lihim na nakamamangha sa iyo!
4 Yes, you have used your wisdom and cleverness to make yourself rich, collecting plenty of gold and silver for your treasury.
Pinayaman mo sa karunungan at kahusayan mo ang iyong sarili at nagtamo ka ng ginto at pilak sa iyong kabang yaman!
5 You became wealthy through your superb trading skills, but your wealth only made you proud.
Sa pamamagitan ng iyong labis na kaalaman at sa iyong pangangakalakal, naparami mo ang iyong kayamanan, kaya ang iyong puso ay mapagmataas dahil sa iyong kayamanan!
6 So this is what the Lord God says: Because you think that you're a god,
Kaya, sinabi ito ng Panginoong Yahweh: Dahil ginawa mo ang iyong puso na tulad ng puso ng isang diyos,
7 watch as I bring foreigners to attack you. They are more cruel than any other nation. They will use their swords to destroy you and your wonderful wisdom; they will humble your proud glory.
kaya magpapadala ako ng mga dayuhan laban sa iyo, kakilakilabot na mga kalalakihan mula sa ibang mga bansa! At dadalhin nila ang kanilang mga espada laban sa kagandahan ng iyong karunungan at hindi nila igagalang ang iyong kaningningan!
8 They will drag you down into the grave. You will die horribly out there in the sea.
Dadalhin ka nila sa hukay at ang kamatayan mo ay kamatayan ng mga namatay sa ilalim ng mga dagat!
9 Are you still going to claim, ‘I'm a god,’ to those who are killing you? You'll just be another human victim, not a god, in the eyes of your attackers.
Masasabi mo pa kaya na, “Ako ay isang diyos” sa harapan ng taong papatay sa iyo? Ikaw ay isang tao at hindi Diyos at ikaw ay nasa kamay ng sasaksak sa iyo!
10 You will be killed like some vile person by these foreigners. I myself have spoken, declares the Lord God.”
Ang ikamamatay mo ay ang kamatayan ng hindi natuli sa kamay ng mga dayuhang, sapagkat ipinahayag ko ito—ito ang kapahayagan ng Panginoong Yahweh!”'
11 Another message from the Lord came to me, saying,
Nagsalitang muli sa akin si Yahweh at sinabi,
12 “Son of man, sing a funeral song for the king of Tyre and tell him this is what the Lord God says: Once you were complete and perfect, full of wisdom and flawless in beauty.
“Anak ng tao, lakasan mo ang pagtangis para sa hari ng Tiro at sabihin sa kaniya, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ikaw ang halimbawa ng walang kapintasan, punong-puno ng karunungan at walang kapintasan na kagandahan!
13 You were there in Eden, God's garden. You wore all kinds of precious stones: carnelian, topaz, and amethyst; beryl, onyx, and jasper; lapis lazuli, turquoise, and emerald. They were placed in gold mountings and settings using skilled craftsmanship, and were made on the day when you were created.
Ikaw ay nasa Eden, ang hardin ng Diyos! Bumabalot sa iyo ang bawat mahahalagang bato: carnelian, krisolait, at onise! Topaz, at diyamanteng nagniningning, at jasper! Safiro, esmeralda at berilo! Sa ginto nakahulma ang mga batong ito para sa iyo! Inihanda nila ang mga ito upang ipasuot sa iyo sa araw na ikaw ay lilikhain!
14 I gave you the position of guardian cherub, and I anointed you. You lived on God's holy mountain and you walked among the stones of fire.
Inilagay kita sa banal na bundok ng Diyos gaya ng kerubin na itinalaga ko upang magbantay sa sangkatauhan! Nasa gitna ka ng mga kumikinang na mga bato kung saan ka naglakad.
15 You were innocent in everything you did from the day you were created until you were found to be doing evil.
Mayroon kang karangalan sa iyong mga pamamaraan mula sa araw na ikaw ay nilikha hanggang sa nakita sa iyo ang kawalan ng katarungan.
16 You were so busy with all your trading schemes that they destroyed you inside, leading you to sin and filling you with violence. So I sent you away in disgrace from God's mountain, and I removed you from your position as guardian cherub from your place among the stones of fire.
Sa dami ng bilang ng iyong kalakal napuno ka ng karahasan, kaya ka nagkasala! Itinapon kitang narumihan mula sa bundok ng Diyos at sinira kita, ikaw, na bantay na kerubin, mula sa mga kumikinang na bato.
17 You became proud because of your beauty, you ruined your wisdom because you thought you were so wonderful. So I threw you down to the ground and I made sure kings saw what happened to you.
Ang iyong puso ay mapagmataas dahil sa iyong kagandahan; sinira mo ang iyong karunungan dahil sa inyong kaningningan! Inihagis kita sa lupa! Inilagay kita sa harapan ng mga hari upang makita ka nila!
18 By all your sins and your dishonest trading you have made your sanctuaries unclean. So I had fire come from inside you, and it burned you up. I turned you into ashes on the ground as everybody there watched.
Dahil sa marami mong kasalanan at sa iyong hindi tapat na pangakalakal, dinungisan mo ang iyong mga banal na lugar! Kaya nagpalabas ako ng apoy galing sa iyo; tutupukin ka nito. Gagawin kitang abo sa mundo sa harapan ng lahat na manonood sa iyo.
19 All who know you among the nations are horrified at what happened to you. Disaster has brought you down and you're finished forever.”
Lahat ng mga nakakilala sa iyo na kabilang sa mga tao ay iiling sa iyo; masisindak sila at hindi ka na mabubuhay muli!''''
20 A message from the Lord came to me, saying,
At nagsalita sa akin si Yahweh at sinabi,
21 “Son of man, face towards Sidon and prophesy against her.
“Anak ng tao, ibaling mo ang iyong mukha laban sa Sidon at magpahayag laban sa kaniya!
22 Tell them this is what the Lord God says: Watch out, Sidon, for I'm condemning you, and I will be vindicated by what happens to you. People will know that I am the Lord when I punish her and show my holy character through her experience.
Sabihin mo, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Masdan! Ako ay laban sa iyo, Sidon! Dahil ako ay maluluwalhati sa gitna mo upang malaman ng iyong mga tao na ako si Yahweh kapag iginawad ko na ang katarungan sa iyo. Makikita nila sa inyo na ako ay banal!
23 I'm going to send a disease to plague her, and have people killed in her streets. Those who are killed will fall inside the city as the enemy attacks with swords from every side. Then they will know that I am the Lord.
Magpapadala ako ng salot sa iyo at dugo sa inyong mga lansangan at ang mga pinaslang ay babagsak sa kalagitnaan mo. Kapag dumating ang espada laban sa iyo mula sa lahat ng dako, dito mo malalaman na ako si Yahweh!
24 The people of Israel will no longer have to put up with these people who are thorns in their side, painful brambles and sharp thorns who treat Israel with contempt. Then they will know that I am the Lord God.
Pagkatapos noon ay wala ng dawag na nakakasalubsob at mga tinik na nagpapahirap sa sambahayan ng Israel sa alin man sa nakapalibot sa kaniya na nanlalait sa kaniyang mga tao, kaya malalaman nila na ako ang Panginoong Yahweh!'
25 This is what the Lord God says: When I bring back the people of Israel from the nations where they've been scattered. I will show my holy character through them as everyone watches. Then they will live in their own country, which I gave to my servant Jacob.
Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh, “Kapag tinipon ko ang sambahayan ng Israel mula sa mga tao na kung saan sila naikalat, at kapag ako ay naitalaga sa kanila, upang makita ng ibang mga bansa. Pagkatapos ay gagawa sila ng kanilang mga tahanan doon sa lupain na ibibigay ko kay Jacob na aking lingkod!
26 They will live there in safety, building houses and planting vineyards. They will live there in safety when I punish all those around them who treat them with contempt. Then they will know that I am the Lord their God.”
At sila ay mamuhay ng matiwasay roon at magtatayo sila ng mga bahay, magtanim ng mga ubasan at mamuhay sila ng matiwasay kapag isakatuparan ko ang kahatulan sa lahat ng namumuhi sa kanila mula sa iba't-ibang dako; upang malaman nila na ako si Yahweh ang Diyos nila!”'

< Ezekiel 28 >