< Deuteronomy 1 >

1 This is the record of what Moses told all the Israelites during their time in the desert to the east of the Jordan. They were in the Arabah near Suph, between Paran on the one side and Tophel, Laban, Hazeroth, and Di-zahab on the other.
Ito ang mga salita na sinabi ni Moises sa lahat ng mga Israelita sa ibayo ng Jordan sa ilang, sa patag na lambak ng Ilog Jordan sa tapat ng Suf, sa pagitan ng Paran, Tofel, Laban, Hazerot at Di Zahab.
2 (It takes eleven days to go from Horeb to Kadesh-barnea by the road that passes Mount Seir.)
Ito ay labing isang araw na paglalakbay mula sa Horeb sa daanan sa Bundok ng Seir hanggang sa Kades Barnea.
3 On the first day of the eleventh month of the fortieth year, Moses recounted to the Israelites everything that the Lord had instructed him to tell them.
Nangyari ito nang ikaapatnapung taon, ng ikalabing isang buwan, sa unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa bayan ng Israel, sinasabi sa kanila ang lahat ng iniutos sa kaniya ni Yahweh na ukol sa kanila.
4 This happened after he defeated Sihon king of the Amorites, who ruled in Heshbon, and then at Edrei after he defeated Og king of Bashan, who ruled in Ashtaroth.
Ito ay matapos lusubin ni Yahweh si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon at Og na hari ng Bashan, na nakatira sa Astarot at Edrei.
5 Speaking on the east side of the Jordan in the land of Moab, Moses began to explain these instructions, saying:
Sa ibayo ng Jordan, sa lupain ng Moab, sinimulang ihayag ni Moises ang mga tagubiling ito, na nagsasabing,
6 The Lord our God told us at Horeb: “You have remained here beside this mountain for long enough.
“Nagsalita sa atin si Yahweh na ating Diyos sa Horeb, na nagsasabing, 'Namuhay na kayo ng sapat na haba sa maburol na bansang ito.
7 Continue your journey and go to the hill country of the Amorites and all their neighbors, into the Jordan Valley, into the hill country, into the foothills, into the Negev, and along the coast to the country of the Canaanites up to Lebanon, as far as the great River Euphrates.
Umikot at maglakbay kayo at pumunta sa maburol na bansa ng mga Amoreo at sa lahat ng mga lugar na malapit doon sa patag na lambak ng Ilog Jordan, sa maburol na bansa, sa mababang lupain, sa Negev at sa baybayin—sa lupain ng mga Cananeo, at sa Lebanon hanggang sa malaking ilog ng Eufrates.
8 Look, I'm giving this land to you. Go and take ownership of the land that the Lord promised he would give to your fathers Abraham, Isaac, and Jacob, and to their descendants who would follow them.”
Masdan ito, inilagay ko ang lupain sa harapan ninyo; pumaroon at angkinin ang lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ama—kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob—para ibigay sa kanila at sa kanilang mga kaapu-apuhang susunod sa kanila.'
9 That's when I told you, “I can't take responsibility for all of you by myself.
Nagsalita ako sa inyo nang panahong iyon, na nagsasabing, 'Hindi ko kayang dalhin kayo ng mag-isa.
10 The Lord your God has increased your numbers so much that today there are as many of you as there are stars in the sky.
Pinarami kayo ni Yahweh na inyong Diyos, masdan ninyo, sa araw na ito kayo ay gaya ng mga bituin sa langit sa dami.
11 May the Lord, the God of your forefathers, multiply you a thousand times and bless you as he has promised.
Nawa'y si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, ay gawin kayong makalibo pa sa dami ninyo ngayon at pagpalain kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyo!
12 But how can I take on all your troubles, burdens, and arguments just by myself?
Pero paano ko dadalhing mag-isa ang inyong mga pasanin, inyong mga kabigatan at ang inyong mga pagtatalo?
13 You must choose for yourselves wise, experienced men with good judgment from each of your tribes, and I will put them in charge as your leaders.”
Kumuha ng mga lalaking matalino, mapag-unawang mga lalaki at mga lalaking may magandang kalooban mula sa bawat lipi at gagawin ko silang mga pangulo ninyo.'
14 You replied to me, saying, “Your proposal is a good one.”
Sinagot ninyo ako at sinabing, 'Ang bagay na iyong sinabi ay mabuti naming gawin.'
15 So I summoned your tribal leaders, men with good judgment, and put them in charge of you, as commanders and officials for your tribes. Some were responsible for thousands, some for hundreds, some for fifties, and some for tens.
Kaya kinuha ko ang mga pinuno ng inyong mga lipi, mga matatalinong lalaki at mga lalaking may magandang kalooban at ginawa silang mga pinuno ninyo, mga punong kawal ng libu-libo, mga punong kawal ng daan-daan, mga punong kawal ng lima-limampu, mga punong kawal ng sampu-sampu at mga pinuno, lipi sa lipi.
16 At the same time I gave strict instructions to your judges: “Hear the cases brought between your brothers, and make sure you are fair when you judge between a man and his brother or a foreigner living among you.
Inutusan ko ang inyong mga hukom nang panahong iyon, na nagsasabing, 'pakinggan ninyo ang mga pagtatalo sa pagitan ng inyong mga kapatid, at hatulan ng matuwid ang pagitan ng isang lalaki at kaniyang kapatid, at ang dayuhang kasama niya.
17 Don't show any favoritism when you judge—treat the powerful and the common people just the same. Don't let anyone intimidate you, because judgment is done on God's behalf. Bring me any case that is too hard for you, and I will hear it.”
Hindi kayo magpapakita ng pagtatangi sa sinumang nasa isang pagtatalo, maririnig ninyo ng magkatulad ang maliit at malaking bagay. Hindi dapat kayo matakot sa mukha ng tao, dahil ang kahatulan ay sa Diyos. Ang pagtatalo na sobrang mahirap para sa inyo, dadalhin ninyo ito sa akin at pakikinggan ko ito.'
18 This was also the time I instructed you about everything you had to do.
Iniutos ko sa inyo ng panahong iyon ang lahat ng mga bagay na dapat ninyong gawin.
19 Following the orders of the Lord our God, we left Horeb and set off towards the hill country of the Amorites, passing through the whole of the large and terrifying desert that you yourselves have experienced. When we reached Kadesh-barnea,
Naglakbay tayo palayo mula sa Horeb at dumaan sa malawak at kakila-kilabot na ilang na inyong nakita, sa ating daan patungo sa maburol na bansa ng mga Amoreo, gaya ng iniutos ni Yahweh na ating Diyos sa atin; at tayo ay dumating sa Kades Barnea.
20 I explained to you, “You have reached the hill country of the Amorites, which the Lord our God is giving to us.
Sinabi ko sa inyo, 'Narating na ninyo ang maburol na bansa ng mga Amoreo, na ibinibigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos.
21 Look, the Lord your God has given you the land! Go and take ownership of the land as the Lord, the God of your forefathers, has told you. Don't be frightened or terrified.”
Masdan, itinakda ni Yahweh na inyong Diyos ang lupain sa inyong harapan; umakyat kayo, at angkinin ito, gaya ng sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, huwag matakot, ni panghinaan ng loob.'
22 Then you all came to me and suggested, “Let's send men on ahead to explore the land and report back to us about what route to take and which towns we'll come across.”
Lumapit sa akin sa akin ang bawat isa sa inyo at sinabing, 'Magpadala tayo ng mga lalaki na mauna sa atin, para kanilang siyasatin ang lupaing para sa atin, at ipagbigay alam sa atin ang tungkol sa daan na dapat nating lusubin, at ang tungkol sa mga lungsod kung saan tayo pupunta.'
23 It seemed like a good plan to me, so I chose twelve of your men, one from each tribe.
Ang bagay na labis na nagpalugod sa akin; kumuha ako ng labindalawang mga lalaki sa inyo, isang lalaki sa bawat lipi.
24 They set off and went up into the hill country as far as the Valley of Eshcol, exploring the land.
Umikot at umakyat sila patungo sa maburol na bansa at dumating sa lambak ng Escol at sinuri ito.
25 They brought back some of the country's fruit, carrying it down to us, and gave us the report: “The Lord our God is giving us good land.”
Kumuha sila ng ilan sa mga bunga ng lupain sa kanilang mga kamay at ibinaba nila ito sa atin. Dinala din nila sa atin ang salita at sinabing, 'Ito ay isang magandang lupain na ibinibigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos.'
26 But you didn't want to go. You rebelled against the instructions of the Lord your God.
Pero tumanggi parin kayong lumusob, pero nagrebelde laban sa mga utos ni Yahweh na inyong Diyos.
27 You complained while you were in your tents and said, “It's because the Lord hates us that he led us out of Egypt in order to hand us over to the Amorites to be wiped out.
Nagreklamo kayo sa inyong mga tolda at sinabing, “Ito ay dahil napopoot sa atin si Yahweh kaya dinala niya tayo palabas sa lupain ng Ehipto, para talunin tayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga Amoreo, at para sirain tayo.
28 Where are we going? Our brothers terrified us because they told us: ‘The people are bigger and taller than us; the towns are large, with high walls that reach the sky. We even saw the descendants of the giant Anak there!’”
Saan tayo maaaring pumunta ngayon? Pinanghinaan tayo ng loob ng ating mga kapatid, na nagsasabing, 'Ang mga taong iyon ay malalaki at matataas kaysa sa atin; ang kanilang mga lungsod ay malaki at pinagtibay hanggang kalangitan; higit pa rito, nakita natin doon ang mga anak na lalaki ng Anakim.'
29 So I told you, “Don't be frightened or scared of them!
Pagkatapos sinabi ko sa inyo, 'Huwag matakot, ni matakot sa kanila.
30 The Lord your God who leads your way will fight for you in the same way you saw him do for you in Egypt.
Si Yahweh na inyong Diyos na nanguna sa inyo, siya ay makikipaglaban para sa inyo, tulad ng lahat ng bagay na ginawa niya sa inyo sa Ehipto sa harap ng inyong mga mata,
31 He did the same in the desert—you saw how the Lord your God carried you like a father carries his son during your whole journey until you arrived here.”
at gayundin sa ilang, kung saan nakita ninyo kung paano kayo dinala ni Yahweh na inyong Diyos, na gaya ng isang lalaking na daladala ang kaniyang anak, kahit saan kayo pumunta hanggang sa dumating kayo sa lugar na ito.'
32 Despite all this, you didn't trust the Lord your God,
Pero sa bagay na ito hindi kayo naniwala kay Yahweh na inyong Diyos—
33 who led you on the journey, present in the fire by night and in the cloud by day, looking to find a place for you to camp and to show you the way to go.
na nanguna sa inyo sa daan para maghanap ng mga lugar para itayo ang inyong tolda, at ng apoy sa gabi at ulap sa umaga, para ituro sa inyo ang landas na dapat ninyong daanan.
34 When the Lord heard what you were saying, he got angry and swore an oath:
Narinig ni Yahweh ang tinig ng inyong mga salita at ito ay galit, nangako siya at sinabi,
35 “Not a single one of this evil generation will see the good land I promised to give your forefathers,
'Tunay na walang isa sa mga taong ito ang masamang salinlahing ito na makakakita ng magandang lupain na aking ipinangako na ibibigay sa inyong mga ninuno,
36 except Caleb, son of Jephunneh. He will see it, and I will give him and his descendants the land he explored, because he was completely committed to the Lord.”
maliban kay Caleb na anak na lalaki ni Jefune; makikita niya ito. Sa kanya ko ibibigay ang lupain na kanyang tinungtungan at sa kanyang mga anak, dahil lubos siyang sumunod kay Yahweh.'
37 The Lord also got angry with me because of you. He told me, “Even you won't enter the country.
Gayundin si Yahweh ay galit sa akin para sa inyong mga kapakanan, na nagsasabing, 'Ikaw man ay hindi papasok doon;
38 However, Joshua, son of Nun, your assistant, will enter it. Encourage him, for he will help Israel to occupy the land.
si Josue na anak na lalaki ni Nun, na nakatayo sa harap mo bilang iyong lingkod, ay siyang makakapasok doon; palakasin ang kaniyang kalooban, sapagkat pamumunuan niya ang Israel at mamanahin ito.
39 Your small children that you claimed would become prisoners, your children who at the time didn't know good from evil, they will be the ones to enter the land that I will give them, and they will occupy it.
Bukod dito, ang inyong mga maliliit na bata, na inyong sinasabing magiging mga biktima, na sa araw na ito ay walang kaalaman sa kung ano ang mabuti at masama—sila ay makakapasok doon. Ibibigay ko ito sa kanila at sila ang aangkin nito.
40 But now turn around and head back into the desert on the road that leads to the Red Sea.”
Pero para sa inyo, bumalik at maglakbay kayo sa ilang na patungo sa Dagat ng mga Tambo.'
41 But you answered and told me, “We have sinned against the Lord! We will go and we will fight and we will do everything the Lord our God has ordered us to do.” Then you all picked up your weapons and prepared for battle thinking it would be easy to go and fight in the hill country.
Pagkatapos kayo ay sumagot at sinabi sa akin, 'Nagkasala tayo laban kay Yahweh; aakyat tayo at makipaglaban at susundin natin ang lahat ng iniutos ni Yahweh na ating Diyos.' Bawat lalaki sa inyo ay ilagay ang kaniyang mga sandatang pandigma at tayo'y handa para lusubin ang maburol na bansa.
42 But the Lord instructed me, “Order them not to go and fight because I won't be with you to prevent you from being defeated by your enemies.”
Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Sabihin sa kanila, “Huwag lumusob at huwag makipaglaban, dahil hindi ninyo ako makakasama at kayo ay matatalo ng inyong mga kaaway.'
43 I told you this, but you refused to listen. You defied the instructions of the Lord and arrogantly went to fight in the hill country.
Nagsalita ako sa inyo sa ganitong paraan, pero hindi kayo nakinig. Kayo ay sumuway laban sa mga utos ni Yahweh; kayo ay mayabang at nilusob ang maburol na bansa.
44 Then the Amorites living there in the hills came and attacked you. They chased after you like a swarm of bees, killing you all the way from Seir to Hormah.
Pero ang mga Amoreo, na nakatira sa maburol na bansa ay dumating laban sa inyo at hinabol kayo tulad ng mga bubuyog at tinalo kayo sa Seir, hanggang sa Horma.
45 You came back to camp and wept before the Lord, but he refused to listen to what you said or to pay attention to you.
Bumalik kayo at umiyak sa harapan ni Yahweh; pero hindi dininig ni Yahweh ang inyong tinig, ni hindi niya kayo binigyang pansin.
46 You stayed there in Kadesh for a long time.
Kaya nanirahan kayo ng maraming araw sa Kadesh, ang lahat ng mga araw na kayo ay nanatili doon.

< Deuteronomy 1 >