< 1 Samuel 15 >

1 Samuel told Saul, “The Lord sent me to anoint you king of his people Israel. So now pay attention to what the Lord has to say.
Sinabi ni Samuel kay Saul, “Ipinadala ako ni Yahweh upang buhusan ka ng langis para maging hari sa kanyang bayang Israel. Ngayon makinig ka sa mga salita ni Yahweh.
2 This is what the Lord Almighty says: I observed what the Amalekites did to Israel when they ambushed them on their way from Egypt.
Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Natandaan ko kung ano ang ginawa ng Amalek sa Israel sa paglaban sa kanila sa daan, nang lumabas sila sa Ehipto.
3 Go and attack the Amalekites and exterminate all of them. Don't spare anyone, but kill every man, woman, child, and baby; every ox, sheep, camel, and donkey.”
Ngayo'y humayo at lusubin ang Amalek at ganap na lipulin ang lahat ng meron sila. Huwag silang paligtasin subalit patayin ang kapwa lalaki at babae, bata at sanggol, lalaking baka at tupa, kamelyo at asno.”
4 Saul called up his army at Telem. There were 200,000 Israelite infantry and 10,000 men from Judah.
Ipinatawag ni Saul ang mga tao at binilang sila sa lungsod ng Telem: dalawang daang libong naglalakad, at sampung libong kalalakihan ng Juda.
5 Saul advanced on the town of Amalek and set up an ambush in the valley.
Pagkatapos dumating si Saul sa lungsod ng Amalek at naghintay sa lambak.
6 Saul sent a message to warn the Kenites, “Move out of the area and leave the Amalekites so that I don't destroy you with them, because you showed kindness to all the people of Israel on their way from Egypt.” So the Kenites moved away and left the Amalekites.
Pagkatapos sinabi ni Saul sa mga Kenita, “Humayo, umalis, lumabas mula sa mga Amalek, upang hindi ko kayo lipulin kasama nila. Sapagkat nagpakita kayo ng kagandahang-loob sa lahat ng tao sa Israel, nang dumating sila mula Ehipto.” Kaya lumayo ang mga Kenita mula sa mga Amalek.
7 Saul defeated the Amalekites from Havilah as far as Shur, to the east of Egypt.
Pagkatapos nilusob ni Saul ang mga Amalek, mula Avila hanggang sa layo ng Shur, na nasa silangan ng Ehipto.
8 He captured Agag, king of Amalek, alive, but exterminated all the people by the sword.
Pagkatapos dinala niyang buhay si Agag ang hari ng mga Amalek; tuluyan niyang nilipol ang lahat ng mga tao gamit ang talim ng espada.
9 Saul and his army spared Agag, together with the best sheep and cattle, the fat calves and lambs, and everything else that was any good. They didn't want to destroy those, but they completely destroyed all that was unwanted and worthless.
Subalit itinira ni Saul at ng mga tao si Agag, pati na rin ang pinakamabuti sa mga tupa, mga baka, mga pinatabang bisiro, at ang mga tupa. Lahat ng bagay na mabuti, hindi nila winasak. Sapagkat ganap nilang winasak ang anumang bagay na kinasuklaman at walang halaga.
10 The Lord sent a message to Samuel, saying,
Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh kay Samuel, nagsasabing,
11 “I'm sorry I made Saul king, for he has given up following me and hasn't done as I ordered.” Samuel was upset, and he cried out to the Lord all through the night.
“Nalulungkot akong ginawa kong hari si Saul, dahil tumalikod siya sa pagsunod sa akin at hindi tinupad ang aking mga kautusan.” Galit si Samuel; buong gabi siyang umiyak kay Yahweh.
12 Samuel got up early in the morning and went to meet Saul, but he was told, “Saul's gone to Carmel. There he's even erected a monument to honor himself, and now he's left and gone down to Gilgal.”
Bumangon ng maaga si Samuel upang puntahan si Saul. Sinabihan si Samuel, “Dumating si Saul sa Carmel at nagtayo siya ng isang bantayog sa kanyang sarili, pagkatapos lumihis at nagpatuloy pababa sa Gilgal.”
13 When Samuel caught up with him, Saul said, “The Lord bless you! I have done what the Lord ordered.”
Pagkatapos dumating si Samuel kay Saul, at sinabi ni Saul sa kanya, “Pinagpala ka sa pamamagitan ni Yahweh! Natupad ko na ang utos ni Yahweh.”
14 “So what's this bleating of sheep my ears are picking up? What's this lowing of cattle that I'm hearing?” Samuel asked.
Sinabi ni Samuel, “Ano pala itong pag-unga ng mga tupa sa aking mga tainga, at ang ungal ng mga baka na aking narinig?”
15 “The army brought them from the Amalekites,” Saul replied. “They spared the best sheep and cattle to sacrifice to the Lord your God, but we completely destroyed the rest.”
Sumagot si Saul, “Dinala nila ang mga ito mula sa mga Amalek. Sapagkat itinira ng mga tao ang pinakamabuti sa mga tupa at sa mga baka, upang ialay kay Yahweh na iyong Diyos. Ang natitira ay ganap naming winasak.”
16 “Oh, be quiet!” Samuel told Saul. “Let me tell you what the Lord told me last night.” “Tell me what he said,” Saul replied.
Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Saul, “Sandali lang, at sasabihin ko sa iyo kung ano ang sinabi ni Yahweh sa akin ngayong gabi.” Sinabi ni Saul sa kanya, “Magsalita!”
17 “Once you didn't use to think much of yourself, but haven't you become the leader of the tribes of Israel?” Samuel asked. “The Lord anointed you king of Israel.
Sinabi ni Samuel, “Kahit na ikaw ay maliit sa sarili mong paningin, hindi kaba naging pinuno ng mga lipi ng Israel? At hinirang ka ni Yahweh bilang hari ng Israel;
18 Then he sent you out to do something, telling you, ‘Go and exterminate those sinners, the Amalekites. Attack them until they're all destroyed.’
Ipinadala ka ni Yahweh sa iyong sariling paraan at sinabi, “Humayo at ganap na lipulin ang mga taong makasalanan, ang mga Amalek, at makipaglaban sa kanila hanggang sila ay malipol.'
19 Why didn't you do what the Lord ordered? Why did you swoop down on the plunder and do what was evil in the Lord's sight?”
Bakit hindi mo sinunod ang boses ni Yahweh, subalit sa halip sinamsam mo ang nadambong at gumawa ng masama sa paningin ni Yahweh?
20 “But I did do what the Lord ordered!” Saul replied. “I went and did what the Lord sent me to do. I brought back Agag, king of Amalek, and completely destroyed the Amalekites.
Pagkatapos sinabi ni Saul kay Samuel, “Sa katunayan ay sinunod ko ang boses ni Yahweh, at pumunta sa daan na ipinadala ako ni Yahweh. Nabihag ko si Agag, ang hari ng Amalek, at ganap na nilipol ang mga Amalek.
21 The army took sheep and cattle from the plunder, the best of what was consecrated to God, to sacrifice them to the Lord your God in Gilgal.”
Subalit kumuha ang mga tao ng ilan sa nadambong—mga tupa at mga lalaking baka, ang pinakamabuti sa mga bagay na itinalaga sa pagkawasak, upang ialay kay Yahweh na inyong Diyos sa Gilgal.”
22 “Does the Lord prefer burnt offerings and sacrifices, or obedience to what he says?” Samuel asked. “Listen! Obedience is better than sacrifice. Paying attention is more important than offering the fat of rams.
Sumagot si Samuel, “Mas nagagalak ba si Yahweh sa mga handog na susunugin at mga alay, kaysa sa pagsunod sa boses ni Yahweh? Ang pagsunod ay maigi kaysa sa alay, at ang pakikinig ay maigi kaysa sa taba ng mga lalaking tupa.
23 Rebellion is as bad as witchcraft, and arrogance is as bad as the sin of idolatry. Because you have rejected the Lord's commands, he has rejected you as king.”
Sapagkat ang paghihimagsik ay tulad ng kasalanan ng panghuhula, at pagkasutil at tulad ng kasamaan at katampalasan. Dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, tinanggihan ka rin niya mula sa pagiging hari.”
24 “I have sinned,” Saul confessed to Samuel. “I disobeyed the Lord's orders and your instructions, because I was afraid of the people and followed what they said.
Pagkatapos sinabi ni Saul kay Samuel, “Nagkasala ako; dahil binali ko ang kautusan ni Yahweh at ang iyong mga salita, dahil takot ako sa mga tao at sinunod ang kanilang boses.
25 So please forgive my sin and come back with me, so I can worship the Lord.”
Ngayon, pakiusap patawarin ang aking kasalanan, at bumalik kasama ko upang maaari kong sambahin si Yahweh.”
26 But Samuel told him, “I'm not going back with you. You have rejected the Lord's orders, and the Lord has rejected you as king of Israel!”
Sinabi ni Samuel kay Saul, “Hindi ako babalik kasama mo; dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, at tinanggihan ka ni Yahweh mula sa pagiging hari sa Israel.”
27 As Samuel turned away to leave, Saul grabbed hold of the hem of his robe, and it ripped.
Habang patalikod si Samuel upang umalis, hinawakan ni Saul ang tupi ng kanyang damit at napunit ito.
28 Samuel said to him, “The Lord has ripped the kingdom of Israel away from you today and has given it to your neighbor—someone who is better than you!
Sinabi ni Samuel sa kanya, “Kinuha ni Yahweh ang kaharian ng Israel mula sa iyo ngayon at ibinigay ito sa isang kapwa mo, isa na mas mabuti kaysa sa iyo.
29 In addition, the Glory of Israel does not lie or change his mind, for he is not a human being who changes his mind!”
Gayundin, ang Lakas ng Israel ay hindi magsisinungaling ni babaguhin ang kanyang isip; sapagkat siya ay hindi isang tao, na dapat niyang baguhin ang kanyang isip.”
30 “Yes, I have sinned,” Saul replied. “Please honor me now before the elders of my people and before Israel—come back with me, so that I may worship the Lord your God.”
Pagkatapos sinabi ni Saul, “Nagkasala ako. Subalit pakiusap parangalan mo ako ngayon sa harapan ng mga nakakatanda ng aking mga tao at sa harapan ng Israel. Bumaling ka muli kasama ko, para masamba ko si Yahweh na iyong Diyos.”
31 So Samuel went back with Saul after all, and Saul worshiped the Lord.
Kaya bumaling muli si Samuel kay Saul, at sinamba ni Saul si Yahweh.
32 Then Samuel said, “Bring me Agag, king of the Amalekites.” Agag came to him confidently, for he thought, “The threat of death of being killed must have passed.”
Pagkatapos sinabi ni Saul, “Dalhin si Agag ang hari ng mga Amalek dito sa akin.” Pumunta si Agag sa kanya na nakagapos sa mga kadena at sinabi, “Tiyak na lumipas na ang pait ng kamatayan.”
33 But Samuel said, “In the same way that your sword has made women childless, so too your mother will be childless among women.” Samuel cut Agag to pieces before the Lord at Gilgal.
Sumagot si Samuel, “Sa pamamagitan ng iyong espada ginawang walang anak ang mga babae, kaya ang iyong ina ay magiging walang anak kasama ng mga kababaihan.” Pagkatapos tinadtad ni Samuel si Agag ng pira-piraso sa harapan ni Yahweh sa Gilgal.
34 Samuel left for Ramah, and Saul went home to Gibeah of Saul.
Pumunta si Samuel sa Rama at umakyat si Saul sa kanyang bahay sa Gibea ni Saul.
35 Until the day of his death, Samuel never visited Saul again. Samuel mourned over Saul, and the Lord regretted he had made Saul the king of Israel.
Hindi nakita ni Samuel si Saul hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, sapagkat nagluksa siya kay Saul. At nalungkot si Yahweh na kanyang ginawang hari si Saul ng Israel.

< 1 Samuel 15 >