< Romans 4 >

1 So then, what shall we say that Abraham had achieved, who is our father according to the flesh?
Ano ngayon ang sasabihin natin na natuklasan ni Abraham na ating ninuno ayon sa laman?
2 For if Abraham was justified by works, he would have glory, but not with God.
Sapagkat kung pinawalang-sala si Abraham sa pamamagitan ng mga gawa, magkakaroon sana siya ng dahilan upang magmalaki, ngunit hindi sa harapan ng Diyos.
3 For what does Scripture say? “Abram believed God, and it was reputed to him unto justice.”
Sapagkat ano ang sinasabi ng kasulatan? “Sumampalataya si Abraham sa Diyos at ito ay ibinilang sa kaniya bilang katuwiran.”
4 But for he who works, wages are not accounted according to grace, but according to debt.
Ngayon sa kaniya na gumagawa, ang bayad ay hindi maibibilang na biyaya, ngunit isang kabayaran.
5 Yet truly, for he who does not work, but who believes in him who justifies the impious, his faith is reputed unto justice, according to the purpose of the grace of God.
Ngunit sa kaniya na hindi gumagawa na sa halip ay sumasampalataya sa kaniya na nagpapawalang-sala sa mga masasama, maibibilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.
6 Similarly, David also declares the blessedness of a man, to whom God brings justice without works:
Nagpahayag din si David ng pagpapala sa taong ibinilang ng Diyos na matuwid na walang gawa.
7 “Blessed are they whose iniquities have been forgiven and whose sins have been covered.
Sinabi niya, “Pinagpala ang mga pinatawad sa kanilang mga katampalasanan, at ang mga taong natakpan ang mga kasalanan.
8 Blessed is the man to whom the Lord has not imputed sin.”
Pinagpala ang tao na hindi bibilangin ng Panginoon ang kaniyang kasalanan.”
9 Does this blessedness, then, remain only in the circumcised, or is it even in the uncircumcised? For we say that faith was reputed to Abraham unto justice.
Kung gayon, ang pagpapalang ito ba ay inihayag sa mga taong tuli lamang, o pati na rin sa mga hindi tuli? Sapagkat sinasabi natin, “Ang pananampalataya ay naibilang kay Abraham na katuwiran.”
10 But then how was it reputed? In circumcision or in uncircumcision? Not in circumcision, but in uncircumcision.
Kaya nga, paano ito naibilang? Nang si Abraham ba ay tinuli na o hindi pa? Hindi sa pagtutuli, kundi sa hindi pagtutuli.
11 For he received the sign of circumcision as a symbol of the justice of that faith which exists apart from circumcision, so that he might be the father of all those who believe while uncircumcised, so that it might also be reputed to them unto justice,
Tinanggap ni Abraham ang tanda ng pagtutuli. Ito ay tatak ng pagkamatuwid ng pananampalataya na mayroon na siya nang siya hindi pa natutuli. Ang bunga ng tandang ito ay siya ang naging ama ng lahat ng nananampalataya, kahit na hindi sila ay nasa hindi pagtutuli. Ito ay nangangahulugan na ang katuwiran ay maibibilang sa kanila.
12 and he might be the father of circumcision, not only for those who are of circumcision, but even for those who follow the footsteps of that faith which is in the uncircumcision of our father Abraham.
Ito ay nangangahulugan ding si Abraham ay naging ama ng pagtutuli, hindi lamang sa mga tuli, kundi pati na rin sa mga sumusunod sa mga yapak ng ating amang si Abraham. At ito ang pananampalataya na mayroon siya noong hindi pa siya natutuli.
13 For the Promise to Abraham, and to his posterity, that he would inherit the world, was not through the law, but through the justice of faith.
Sapagkat ang pangako na naibigay kay Abraham at pati na rin sa kaniyang mga kaapu-apuhan ay hindi sa pamamagitan ng kautusan, ang pangakong ito na sila ang magiging mga tagapagmana ng mundo. Sa halip ay sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.
14 For if those who are of the law are the heirs, then faith becomes empty and the Promise is abolished.
Sapagkat kung ang mga kabilang sa kautusan ay tagapagmana, ang pananampalataya ay walang kabuluhan, at mawawalan ng bisa ang pangako.
15 For the law works unto wrath. And where there is no law, there is no law-breaking.
Sapagkat matinding galit ang naibibigay ng kautusan, ngunit kung saan walang kautusan, wala ring pagsuway.
16 Because of this, it is from faith according to grace that the Promise is ensured for all posterity, not only for those who are of the law, but also for those who are of the faith of Abraham, who is the father of us all before God,
Sa kadahilanang ito, nangyayari ito sa pamamagitan ng pananampalataya, upang ito ay sa pamamagitan ng biyaya. Ang kalalabasan, ang pangako ay tiyak para sa lahat ng mga kaapu-apuhan. At hindi lamang ang mga nakakaalam sa kautusan ang makakabilang sa mga kaapu-apuhan na ito, kundi pati na rin ang mga nagmula sa pananampalataya ni Abraham. Sapagkat siya ang ama nating lahat,
17 in whom he believed, who revives the dead and who calls those things that do not exist into existence. For it is written: “I have established you as the father of many nations.”
tulad ng nasusulat, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Naroon si Abraham sa presensiya ng kaniyang pinagkakatiwalaan, iyon ay ang Diyos, na nagbibigay buhay sa mga patay at lumilikha sa mga bagay na wala pa.
18 And he believed, with a hope beyond hope, so that he might become the father of many nations, according to what was said to him: “So shall your posterity be.”
Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari, nagtiwala ng lubusan si Abraham sa Diyos para sa hinaharap. Kaya naging ama siya ng maraming bansa, tulad ng sinabi, “... Magiging ganoon ang iyong mga kaapu-apuhan.”
19 And he was not weakened in faith, nor did he consider his own body to be dead (though he was then almost one hundred years old), nor the womb of Sarah to be dead.
Hindi siya mahina sa pananampalataya. Kinilala ni Abraham na patay na ang kaniyang katawan sapagkat mag-iisandaang taon na siya. Kinilala rin niya ang pagiging patay ng bahay-bata ni Sara.
20 And then, in the Promise of God, he did not hesitate out of distrust, but instead he was strengthened in faith, giving glory to God,
Ngunit dahil sa pangako ng Diyos, hindi nag-alinlangan si Abraham sa pananampalataya. Sa halip, napalakas siya sa pananampalataya at nagbigay papuri sa Diyos.
21 knowing most fully that whatever God has promised, he is also able to accomplish.
Lubos siyang naniwala na kung ano ang ipinangako ng Diyos, kaya din niyang tuparin.
22 And for this reason, it was reputed to him unto justice.
Kung kaya ito ay itinuring sa kaniya bilang katuwiran.
23 Now this has been written, that it was reputed to him unto justice, not only for his sake,
Ngayon, hindi ito isinulat para lamang sa kaniyang kapakinabangan, na ibinilang sa kaniya.
24 but also for our sake. For the same shall be reputed to us, if we believe in him who raised up our Lord Jesus Christ from the dead,
Ito rin ay isinulat para rin sa atin, na ibibilang, tayong nanampalataya sa kaniya na bumuhay kay Jesus na ating Panginoon mula sa kamatayan.
25 who was handed over because of our offenses, and who rose again for our justification.
Ito ang siyang ibinigay para sa ating mga kasalanan at muling binuhay para sa ating pagpapawalang-sala.

< Romans 4 >