< Psalms 142 >

1 The understanding of David. A prayer, when he was in the cave. With my voice, I cried out to the Lord. With my voice, I made supplication to the Lord.
Gamit ang aking boses ako ay tumatawag kay Yahweh; nagsumamo ako gamit ang aking boses kay Yahweh.
2 In his sight, I pour out my prayer, and before him, I declare my tribulation.
Ibinuhos ko ang aking pagdadalamhati sa harap niya; sinabi ko sa kaniya ang aking mga kaguluhan.
3 Though my spirit may become faint within me, even then, you have known my paths. Along this way, which I have been walking, they have hidden a snare for me.
Kapag nanghina ang aking espiritu, alam mo ang aking landas. Sa aking paglalakad (sila) ay nagtago ng patibong para sa akin.
4 I considered toward the right, and I looked, but there was no one who would know me. Flight has perished before me, and there is no one who has concern for my soul.
Tumingin ako sa aking kanan at nakita na walang sinuman ang nagmamalasakit sa akin. Hindi na ako makakatakas; walang nag-aalala sa aking buhay.
5 I cried out to you, O Lord. I said: You are my hope, my portion in the land of the living.
Ako ay tumawag sa iyo, Yahweh; at sinabi, “Ikaw ang aking kublihan, ang aking bahagi sa lupain ng mga buhay.
6 Attend to my supplication. For I have been humbled exceedingly. Free me from my persecutors, for they have been fortified against me.
Makinig ka sa aking tawag, dahil napakalungkot ko; sagipin mo ako mula sa aking mga taga-usig, dahil (sila) ay mas malakas kaysa sa akin.
7 Lead my soul out of confinement in order to confess your name. The just are waiting for me, until you repay me.
Ilabas mo ang aking kaluluwa mula sa kulungan para ako ay makapagpasalamat sa iyong pangalan. Ang matutuwid ay magtitipon sa aking paligid dahil ikaw ay naging mabuti sa akin.”

< Psalms 142 >