< Jeremiah 43 >

1 Then it happened that, when Jeremiah had finished speaking all the words of the Lord their God to the people, all those words concerning which the Lord their God had sent him to them,
Nangyari na matapos ang pagpapahayag ni Jeremias sa lahat ng tao ang lahat ng mga salita ni Yahweh na kanilang Diyos ang nagsabi sa kaniya na sabihin.
2 Azariah, the son of Hoshaiah, and Johanan, the son of Kareah, and all the exalted men, spoke to Jeremiah, saying: “You are speaking a lie! The Lord our God has not sent you to say: ‘You shall not enter into Egypt so as to live in that place.’
Sina Azarias na anak ni Osias, Johanan na anak ni Karea at lahat ng mga lalaking mayayabang ay sinabi kay Jeremias na, “Nagsasabi ka ng mga kasinungalingan. Hindi ka isinugo ni Yahweh na ating Diyos upang sabihin, 'Huwag pumunta sa Egipto upang manirahan doon.'
3 Instead, Baruch, the son of Neriah, has incited you against us, so as to deliver us into the hands of the Chaldeans, to put us to death and to cause us to be led away into Babylon.”
Sapagkat inuudyukan ka ni Baruc na anak ni Nerias laban sa amin upang ibigay kami sa kamay ng mga Caldeo, upang maipapatay mo kami at upang maging mga bihag kami sa Babilonia.”
4 And so Johanan, the son of Kareah, and all the leaders of the warriors, and all the people, did not heed the voice of the Lord to remain in the land of Judah.
Kaya si Johanan na anak ni Karea, lahat ng mga prinsipe ng hukbo at lahat ng mga tao ay tumanggi na pakinggan ang tinig ni Yahweh na manirahan sa lupain ng Juda.
5 But Johanan, the son of Kareah, and all the leaders of the warriors, took away all the remnant of Judah, who had returned from all the nations (to which they had been scattered before) to live in the land of Judah:
Kinuha lahat ang natira ng Juda nina Johanan na anak ni Karea at lahat ng mga pinuno ng hukbo na bumalik mula sa lahat ng bansa kung saan sila nagkahiwa-hiwalay upang manirahan sa lupain ng Juda.
6 men, and women, and children, and the daughters of the king, and every soul that Nebuzaradan, the leader of the military, had left behind with Gedaliah, the son of Ahikam, the son of Shaphan, as well as Jeremiah, the prophet, and Baruch, the son of Neriah.
Kinuha nila ang mga lalaki at mga babae, mga anak at ang mga anak na babae ng hari at ang bawat tao na hinayaang manatili ni Nebuzeradan na pinuno ng tagabantay ng hari kasama si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Safan. Kinuha din nila si propeta Jeremias at si Baruc na anak ni Nerias.
7 And they entered into the land of Egypt. For they did not obey the voice of the Lord. And they went as far as Tahpanhes.
Pumunta sila sa lupain ng Egipto, sa Tafnes, dahil hindi sila nakinig sa tinig ni Yahweh.
8 And the word of the Lord came to Jeremiah at Tahpanhes, saying:
Kaya dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias sa Tafnes at sinabi,
9 “Take great stones in your hand, and you shall conceal them in the crypt which is under the brick wall at the gate of the house of Pharaoh at Tahpanhes, in the sight of the men of Judah.
“Kumuha ka ng ilang malalaking mga bato sa iyong kamay, at sa paningin ng mga tao sa Juda, itago mo ito sa latag ng semento sa pasukan ng bahay ng Faraon sa Tafnes.
10 And you shall say to them: Thus says the Lord of hosts, the God of Israel: Behold, I will send for and take Nebuchadnezzar, the king of Babylon, my servant, and I will set his throne over these stones which I have concealed, and he will establish his throne upon them.
At sabihin mo sa kanila, “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel, 'Tingnan ninyo, malapit ko ng isugo ang mga mensahero upang kunin si Nebucadnezar na hari ng Babilonia bilang aking lingkod. Ilalagay ko ang kaniyang trono sa ibabaw ng mga batong ito na iyong ibinaon, Jeremias. Ilalagay ni Nabucadnezar ang kaniyang pabilyon sa ibabaw ng mga ito.
11 And he will come and strike the land of Egypt: those who are meant for death, shall go to death, and those for captivity, to captivity, and those for the sword, to the sword.
Sapagkat darating siya at lulusubin ang lupain ng Egipto. Sinuman ang itinalagang mamatay ay ibibigay sa kamatayan. Sinuman ang itinalagang mabihag ay bibihagin. At ang sinumang itinalaga sa espada ay maibibigay sa espada.
12 And he will kindle a fire in the shrines of the gods of Egypt, and he will burn them down, and he will lead them away captive. And he will clothe himself with the land of Egypt, just as a shepherd is clothed with his cloak. And he will go forth from that place in peace.
At susunugin ko ang mga templo ng mga diyus-diyosan ng Egipto. Susunugin sila o sasakupin ni Nebucadnezar. Lilinisin niya ang lupain ng Egipto tulad ng mga pastol na nagtatanggal ng kuto sa kanilang kasuotan. Lalabas siya na matagumpay sa lugar na iyon.
13 And he will crush the statues of the house of the Sun, those that are in the land of Egypt, and the shrines of the gods of Egypt he will burn up with fire.”
Babasagin niya ang mga batong haligi sa Heliopolis sa lupain ng Egipto. Susunugin niya ang mga templo ng mga diyus-diyosan sa Egipto.

< Jeremiah 43 >