< Deuteronomy 31 >

1 And so, Moses went out, and he spoke all these words to all of Israel.
Nagpunta si Moises at sinabi ang mga salitang ito sa buong Israel.
2 And he said to them: “Today, I am one hundred and twenty years old. I am no longer able to go out and return, especially since the Lord has also said to me, ‘You shall not cross this Jordan.’
Sinabi niya sa kanila, “Isang daan at dalawampung taong gulang na ako; hindi na ako maaaring makalabas at makakpasok; Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Hindi ka na tatawid sa Jordan.'
3 Therefore, the Lord your God will go across before you. He himself will abolish all these nations in your sight, and you shall possess them. And this man Joshua shall go across before you, just as the Lord has spoken.
Si Yahweh na inyong Diyos, sasama siya sa inyo; wawasakin niya ang mga bansa mula sa inyong harapan, at babawiin ninyo ito. Si Josue, ang mangunguna sa inyong harapan, tulad ng sinabi ni Yahweh.
4 And the Lord will do to them just as he did to Sihon and Og, the kings of the Amorites, and to their land, and he will wipe them away.
Gagawin ni Yahweh sa kanila kung ano kay Sihon at Og, sa mga hari ng Amoreo, at sa kanilang lupain, kung saan kaniyang winasak.
5 Therefore, when the Lord will have delivered these to you also, you shall act similarly toward them, just as I have instructed you.
Bibigyan kayo ni Yahweh ng tagumpay laban sa kanila kapag nakaharap na ninyo sila sa digmaan, at gagawin ninyo sa kanila ang lahat ng sinasabi ko sa inyo.
6 Act manfully and be strengthened. Do not be afraid, and do not dread at the sight of them. For the Lord your God himself is your commander, and he will neither dismiss nor abandon you.”
Magpakatatag at magpakatapang, huwag matakot, at huwag matakot sa kanila; sapagkat si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang sasama sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni pababayaan.”
7 And Moses called Joshua, and, before all of Israel, he said to him: ‘Be strong and valiant. For you shall lead this people into the land which the Lord swore that he would give to their fathers, and you shall divide it by lot.
Tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa harapan ng buong Israel, “Magpakatatag at magpakatapang, sapagkat sasamahan mo itong lahi papunta sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno para ibigay sa kanila; Ikaw ang magdudulot sa kanila para manahin ito.
8 And the Lord, who is your commander, will himself be with you. He will neither renounce nor abandon you. Do not be afraid, and do not dread.”
Si Yahweh, ang siyang mangunguna sa inyong harapan; sasama siya sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni iiwan; huwag matakot, huwag mapanghinaan ng loob.”
9 And so, Moses wrote this law, and he handed it to the priests, the sons of Levi, who carried the ark of the covenant of the Lord, and to all the elders of Israel.
Isinulat ni Moises ang kautusang ito at ibinigay ito sa mga pari, sa mga anak na lalaki ni Levi, na nagdala sa kaban ng tipan ni Yahweh; binigay din niya ang mga kopya nito sa lahat ng mga nakatatanda ng Israel.
10 And he instructed them, saying: “After seven years, in the year of remission, at the solemnity of the Feast of Tabernacles,
Inutusan sila ni Moises at sinabi, “Sa katapusan ng bawat pitong taon, sa panahon na ipapawalang-bisa ang mga utang, sa oras ng Pagdiriwang ng mga Kanlungan,
11 when all of Israel has convened in order to appear in the sight of the Lord your God, in the place which the Lord will choose, you shall read the words of this law before all of Israel, in their hearing.
kapag ang buong Israelita ay dumating para magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin para sa kaniyang santuwaryo, babasahin mo itong batas sa harapan ng buong Israel kanilang pandinig.
12 And when the people have gathered together, men as well as women and little children, and the new arrivals who are within your gates, they shall listen so that they may learn, and may fear the Lord your God, and may keep and fulfill all the words of this law,
Tipunin ang mga tao, ang mga kalalakihan, ang mga kababaihan, ang mga kabataan, at inyong dayuhan na nasa loob ng tarangkahan ng inyong lungsod, para makarinig sila at matuto, at para maaari nilang parangalan si Yahweh na inyong Diyos at sundin ang lahat ng mga salita nitong kautusan.
13 and also so that their sons, who are now ignorant, may be able to listen, and may fear the Lord their God all the days that they live in the land to which you will travel, crossing the Jordan in order to obtain it.”
Gawin ito para sa kanilang mga anak, na walang alam, maaaring makarinig at matuto para parangalan si Yahweh na inyong Diyos, habang nabubuhay kayo sa lupain na inyong pupuntahan ang Jordan para angkinin.”
14 And the Lord said to Moses: “Behold, the days of your death draw near. Call Joshua, and stand in the tabernacle of the testimony, so that I may instruct him.” Therefore, Moses and Joshua went and stood in the tabernacle of the testimony.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Masdan mo, ang araw ay paparating na ikaw ay dapat ng mamatay; tawagin si Josue at ipakita ang inyong mga sarili sa loob ng tolda ng pagpupulong, para mabigyan ko siya ng utos.” Pumunta sina Moises at Josue at ipinakita ang kanilang mga sarili sa loob ng tolda ng pagpupulong.
15 And the Lord appeared there, in a pillar of cloud, which stood at the entrance of the tabernacle.
Nagpakita si Yahweh sa loob ng tolda sa isang haliging ulap; nakatayo ang haligi ng ulap sa ibabaw ng pintuan ng tolda.
16 And the Lord said to Moses: “Behold, you shall sleep with your fathers, and this people will rise up and will fornicate after foreign gods, in the land which they will enter so that they may live in it. In that place, they will forsake me, and they will make void the covenant that I have formed with them.
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Masdan mo, matutulog ka kasama ang iyong mga ama; babangon itong mga lahi at kikilos katulad ng mga bayarang babae na sumusunod sa masamanag mga diyus-diyosan ng lupain, ang lupain na kanilang pupuntahan para maging kasamahan nila. Iiwanan nila ako at sisirain ang kasunduang ginawa ko kasama sila.
17 And my fury will be enraged against them in that day. And I will abandon them, and I will hide my face from them, and they shall be devoured. Every evil and affliction will find them, so much so that they will say in that day: ‘Truly, it is because God is not with me that these evils have found me.’
Pagkatapos, sa araw na iyon, ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, at iiwanan ko sila, ikukubli ko ang aking mukha mula sa kanila, at sasakmalin sila. Maraming mga sakuna at kaguluhan ang mapapa sa kanila, para kanilang sabihin sa araw na iyon, 'Ang mga sakuna ba ito ay natagpuan ako dahil ang ating Diyos ay wala sa aming kalagitnaan?'
18 But I will hide myself, and I will conceal my face in that day, because of all the evils that they have done, because they have followed strange gods.
Sisiguraduhin ko na ikukubli ang aking mukha mula sa kanila sa araw na iyon dahil ang lahat ng kasamaan ay kanilang gagawin, sapagkat bumaling sila sa ibang mga diyus-diyosan.
19 And so, write this canticle now, and teach it to the sons of Israel, so that they may retain it in memory, and may chant it by mouth, and so that this verse may be a testimony to me among the sons of Israel.
Kaya ngayon isulat mo itong awitin para sa iyong sarili at ituro ito sa bayan ng Israel. Ilagay ito sa kanilang mga bibig, para ang awiting ito ay maging isang saksi para sa akin laban sa bayan ng Israel.
20 For I will lead them into the land, about which I swore to their fathers, a land flowing with milk and honey. And when they have eaten, and have been satiated and fattened, they will turn aside to foreign gods, and they will serve them. And they will disparage me, and they will nullify my covenant.
Kapag dinala ko sila dito sa loob ng lupain na aking ipinangako upang ibigay sa kanilang mga ninuno, ang lupaing umaapaw sa gatas at pulot, at nang sila ay nakakain at nabusog at tumaba, pagkatapos babaling sila sa ibang mga diyos at sasamba sa kanila; kamumuhian nila ako at sisirain ang kasunduan.
21 And after many evils and afflictions have overwhelmed them, this canticle will answer them as a testimony; it shall never pass into oblivion, away from the mouths of their offspring. For I know their thoughts and what they are about to do today, even before I lead them into the land which I have promised to them.”
Kapag maraming kasamaan at mga kaguluhan ang mayroon ang mga tao na ito, ang awiting ito ang magpapatunay bilang isang saksi; dahil ito ay hindi malilimutan mula sa mga bibig ng kanilang mga kaapu-apuhan; dahil alam ko ang mga plano na kanilang binubuo ngayon, kahit bago ko pa sila dinala dito sa lupain na aking ipinangako.”
22 Therefore, Moses wrote the canticle, and he taught it to the sons of Israel.
Kaya isinulat ni Moises ang awiting ito ng araw ding iyon at itinuro sa bayan ng Israel.
23 And the Lord instructed Joshua, the son of Nun, and he said: “Be strong and valiant. For you shall lead the sons of Israel into the land which I have promised, and I will be with you.”
Binigyan ni Yahweh ng utos si Josue na anak ni Nun, at sinabi, “Magpakatatag at Magpakatapang; sapagkat dadalhin mo ang bayan ng Israel papasok sa lupain na ipinangako ko sa kanila, at ako ay sasainyo.”
24 Therefore, after Moses had written the words of this law in a volume, and had finished it,
Nangyari ito nang matapos ni Moises ang pagsusulat ng mga salita nitong kautusan sa isang aklat,
25 he instructed the Levites, who carried the ark of the covenant of the Lord, saying:
ibinigay niya ang isang utos sa mga Levita ang siyang nagdala ng kaban ng tipan ni Yahweh; sinabi niya,
26 “Take this book, and place it inside the ark of the covenant of the Lord your God, so that it may be there as a testimony against you.
“Dalhin mo itong aklat ng kautusan at ilagay ito sa gilid ng kaban ng tipan ni Yahweh na inyong Diyos, para ito ay naroroon bilang isang saksi laban sa inyo.
27 For I know your contentiousness and your very stiff neck. Even while I am still living and entering with you, you have always acted with contention against the Lord. How much more so when I will be dead?
Dahil alam ko ang inyong mga paghihimagsik at inyong katigasan; tingnan ninyo, habang patuloy akong nabubuhay kasama ninyo kahit sa araw na ito, kayo ay naging mapanghimagsik laban kay Yahweh; paano pa pag ako ay patay na?
28 Gather to me all those greater by birth throughout your tribes, as well as your teachers, and I will speak these words in their hearing, and I will call heaven and earth as witnesses against them.
Magtipon sa akin ang lahat ng nakatatanda ng inyong mga lipi, at inyong mga opisyal, para masabi ang mga salita sa kanilang mga tainga at tatawag sa langit at lupa para maging saksi laban sa kanila.
29 For I know that, after my death, you will act with iniquity, and you will quickly depart from the way that I have instructed to you. And so, evils will meet you in the end time, when you will have done evil in the sight of the Lord so as to provoke him through the works of your hands.”
Dahil alam ko na pag patay na ako lubusan ninyong sisirain ang inyong mga sarili at lumiko palayo sa daanan na aking iniutos sa inyo; kapahamakan ay darating sa inyo sa susunod na mga araw. Mangyayari ito dahil gagawa kayo ng masama sa mata ni Yahweh, para galitin siya sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.”
30 Thus did Moses speak, in the hearing of the entire assembly of Israel, the words of this canticle, and he completed it to its very end.
Umawit si Moises sa mga tainga ng mga pinagtipon sa Israel ang mga salita ng awiting ito hanggang sa matapos

< Deuteronomy 31 >