< Acts 9 >

1 Now Saul, still breathing threats and beatings against the disciples of the Lord, went to the high priest,
Subalit si Saulo na patuloy pa rin na nagsasalita ng mga banta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon ay nagtungo sa mga pinakapunong pari
2 and he petitioned him for letters to the synagogues in Damascus, so that, if he found any men or women belonging to this Way, he could lead them as prisoners to Jerusalem.
at humingi sa kaniya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco, upang kung may makita siyang sinumang kabilang sa Daan, maging lalaki o babae, ay maari niyang dalhin na nakagapos sa Jerusalem.
3 And as he made the journey, it happened that he was approaching Damascus. And suddenly, a light from heaven shone around him.
Habang siya ay naglalakbay, nangyari nga na nang malapit na siya sa Damasco, biglang may nagningning na liwanag mula sa langit sa buong paligid;
4 And falling to the ground, he heard a voice saying to him, “Saul, Saul, why are you persecuting me?”
at siya ay natumba sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi sa kanyang, “Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?”
5 And he said, “Who are you, Lord?” And he: “I am Jesus, whom you are persecuting. It is hard for you to kick against the goad.”
Sumagot si Saulo, “Sino kayo Panginoon? “Sumagot ang Panginoon, “Ako si Jesus na iyong inuusig;
6 And he, trembling and astonished, said, “Lord, what do you want me to do?”
ngunit bumangon ka, pumasok ka sa lungsod, at sasabihin saiyo kung ano ang dapat mong gawin.”
7 And the Lord said to him, “Rise up and go into the city, and there you will be told what you ought to do.” Now the men who were accompanying him were standing stupefied, hearing indeed a voice, but seeing no one.
Ang mga lalaking kasama ni Saulo sa paglalakbay ay hindi nakapagsalita, naririnig ang tinig, ngunit walang nakikita.
8 Then Saul rose up from the ground. And upon opening his eyes, he saw nothing. So leading him by the hand, they brought him into Damascus.
Tumayo si Saulo sa lupa, at nang imulat niya ang kaniyang mga mata, wala na siyang nakita kaya inakay siya at dinala sa Damasco.
9 And in that place, he was without sight for three days, and he neither ate nor drank.
Hindi siya nakakita sa loob ng tatlongaraw at hindi kumain ni uminom.
10 Now there was a certain disciple at Damascus, named Ananias. And the Lord said to him in a vision, “Ananias!” And he said, “Here I am, Lord.”
Ngayon may isang alagad sa Damasco na ang pangalan ay Ananias; at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya sa pamaamgitan ng isang pangitain, “Ananias” At sinabi niya, “Tingnan mo, narito ako, Panginoon.”
11 And the Lord said to him: “Rise up and go into the street that is called Straight, and seek, in the house of Judas, the one named Saul of Tarsus. For behold, he is praying.”
Sinabi ng Panginoon sa kaniya,”Tumayo ka, at pumunta ka sa kalye na kung tawagin ay Matuwid, at tanungin mo sa tahanan ni Judas ang lalaking galing sa Tarsus na ang pangalan ay Saulo; sapagkat siya ay nananalangin;
12 (And Paul saw a man named Ananias entering and imposing hands upon him, so that he might receive his sight.)
at nakita niya sa pangitain ang lalaking nagngangalang Ananias na dumarating at nagpapatong ng kamay nito sa kaniya, upang siya ay makakita.”
13 But Ananias responded: “Lord, I have heard from many about this man, how much harm he has done to your saints in Jerusalem.
Ngunit sumagot si Ananias,”Panginoon, narinig ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung paano niya ginawan ng masama ang mga banal mong mga tao sa Jerusalem.
14 And he has authority here from the leaders of the priests to bind all who invoke your name.”
Siya ay may kapangyarihan mula sa mga pinakapunong pari upang dakpin ang lahat na tumatawag sa inyong pangalan.”
15 Then the Lord said to him: “Go, for this one is an instrument chosen by me to convey my name before nations and kings and the sons of Israel.
Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya,” Pumunta, ka sapagkat siya ay sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa mga Hentil at sa mga hari at sa lahat ng anak ng Israel;
16 For I will reveal to him how much he must suffer on behalf of my name.”
sapagkat ipapakita ko sa kaniya kung gaano siya dapat magtiis para sa aking pangalan.”
17 And Ananias departed. And he entered the house. And laying his hands upon him, he said: “Brother Saul, the Lord Jesus, he who appeared to you on the way by which you arrived, sent me so that you would receive your sight and be filled with the Holy Spirit.”
Kaya umalis si Ananias, at pumasok sa tahanan. Ipinatong nito ang kaniyang kamay sa kaniya at sinabi, “Kapatid na Saulo, ang Panginoon Jesus, na siyang nagpakita sa iyo sa daan nang papunta ka rito, ay sinugo ako upang ikaw ay makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu.”
18 And immediately, it was as if scales had fallen from his eyes, and he received his sight. And rising up, he was baptized.
Kaagad may isang bagay na parang kaliskis ang nahulog mula sa mga mata ni Saulo, at bumalik ang kaniyang paningin; Tumayo siya at nabautismuhan;
19 And when he had taken a meal, he was strengthened. Now he was with the disciples who were at Damascus for some days.
at siya ay kumain at lumakas. Nanatili siya kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang mga araw.
20 And he was continuously preaching Jesus in the synagogues: that he is the Son of God.
Kaagad ay ipinahayag niya si Jesus sa mga sinagoga, sinasasabing siya ang Anak ng Diyos.
21 And all who heard him were astonished, and they said, “Is this not the one who, in Jerusalem, was fighting against those invoking this name, and who came here for this: so that he might lead them away to the leaders of the priests?”
lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha at sinabi. “Hindi ba ito ang taong lumipol sa mga taga-Jerusalem na tumatawag sa pangalang ito? At siya ay naparito upang dalhin sila na nakagapos sa mga punong pari.”
22 But Saul was increasing to a greater extent in ability, and so he was confounding the Jews who lived at Damascus, by affirming that he is the Christ.
Ngunit si Saulo ay lalong napalakas upang mangaral at nalito ang mga Judio na naninirahan sa Damasco sa pagpapatunay na si Jesus ay ang Cristo.
23 And when many days were completed, the Jews took counsel as one, so that they might put him to death.
Pagkalipas ng maraming araw, sama-samang nagplano ang mga Judio upang siya ay patayin.
24 But their treachery became known to Saul. Now they were also watching the gates, day and night, so that they might put him to death.
Ngunit nalaman ni Saulo ang kanilang plano. Nagbantay sila sa pintuang bayan araw at gabi upang siya ay patayin.
25 But the disciples, taking him away by night, sent him over the wall by letting him down in a basket.
Subalit nang gabi ay kinuha siya ng kaniyang mga alagad at binaba siya sa pader sa pamamagitan ng isang basket.
26 And when he had arrived in Jerusalem, he attempted to join himself to the disciples. And they were all afraid of him, not believing that he was a disciple.
Nang dumating siya sa Jerusalem, nagtangkang sumama si Saulo sa mga alagad, subalit natakot silang lahat sa kaniya, hindi sila naniniwalang siya ay isang alagad.
27 But Barnabas took him aside and led him to the Apostles. And he explained to them how he had seen the Lord, and that he had spoken to him, and how, in Damascus, he had acted faithfully in the name of Jesus.
Ngunit isinama siya ni Bernabe at ipinakilala sa mga alagad. At sinabi niya sa kanila kung paanoni Saulo nakita ang Panginoon sa daan at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya, at kung paano buong tapang na nangaral sa Damasco si Saulo sa pangalan ni Jesus.
28 And he was with them, entering and departing Jerusalem, and acting faithfully in the name of the Lord.
Nakipagkita siya sa kanila habang sila ay pumapasok at lumalabas ng Jerusalem. Nagsalita siya ng may katapangan sa pangalan ng Panginoong Jesus
29 He also was speaking with the Gentiles and disputing with the Greeks. But they were seeking to kill him.
at nakipagtalo sa mga Helenista; ngunit sinubukan parin nila siyang patayin.
30 And when the brothers had realized this, they brought him to Caesarea and sent him away to Tarsus.
Nang malaman ito ng mga kapatiran, siya ay dinala nila pababa sa Cesarea at ipinadala siya patungo sa Tarso.
31 Certainly, the Church had peace throughout all of Judea and Galilee and Samaria, and it was being built up, while walking in the fear of the Lord, and it was being filled with the consolation of the Holy Spirit.
Kaya ang iglesia sa buong Judea, Galilea, at Samaria ay nagkaroon ng kapayapaan at ito ay lumago at lumalakad ng may takot sa Panginoon sa tulong ng Banal na Espiritu, ang iglesia ay lumago sa bilang.
32 Then it happened that Peter, as he traveled around everywhere, came to the saints who were living at Lydda.
Ngayon nangyari nga na habang si Pedro ay pumupunta sa buong rehiyon, pumunta din siya sa mga mananampalataya na naninirahan sa bayan ng Lydda.
33 But he found there a certain man, named Aeneas, who was a paralytic, who had lain in bed for eight years.
Doon ay nakita niya ang isang lalaki na ang pangalan ay Eneas, na nakaratay sa kaniyang higaan ng halos walong taon, sapagkat siya ay paralitiko
34 And Peter said to him: “Aeneas, the Lord Jesus Christ heals you. Rise up and arrange your bed.” And immediately he rose up.
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Eneas, si Jesu-Cristo ang nagpagaling saiyo. Tumayo ka at ayusin mo ang iyong higaan.” At agad siyang tumayo.
35 And all who were living in Lydda and Sharon saw him, and they were converted to the Lord.
Kaya lahat ng nakakita sa Lida at Saron ay nakita ang lalaki at nagbalik loob sila sa Panginoon.
36 Now in Joppa there was a certain disciple named Tabitha, which in translation is called Dorcas. She was filled with the good works and almsgiving that she was accomplishing.
Ngayon mayroon alagad sa Joppa na ang pangalan ay Tabitha, na kung isasalin ay “Dorcas.” Ang babaeng ito ay puno ng mga mabubuti at maawaing gawa, na ginagawa niya para sa mahihirap.
37 And it happened that, in those days, she became ill and died. And when they had washed her, they laid her in an upper room.
At nangyari nga sa mga araw na iyon na siya ay nagkasakit at namatay; nang siya ay kanilang hugasan, pinahiga siya sa kuwarto sa itaas.
38 Now since Lydda was close to Joppa, the disciples, upon hearing that Peter was there, sent two men to him, asking him: “Do not be slow in coming to us.”
Dahil malapit ang Lida sa Joppa, at narinig ng mga alagad na naroon si Pedro, nagsugo sila ng dalawang lalaki at pumunta sa kaniya, nagmamakaawa na sinabi sa kaniyang, “Sumama ka sa amin agad”.
39 Then Peter, rising up, went with them. And when he had arrived, they led him to an upper room. And all the widows were standing around him, weeping and showing him the tunics and garments that Dorcas had made for them.
Tumayo si Pedro at sumama sa kanila. Nang dumating siya, dinala nila siya sa kuwarto sa itaas, at ang lahat ng mga balo ay nakatayo sa paligid niya na nananangis, ipinapakita sa kaniya ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas habang kasama pa nila siya.
40 And when they had all been sent outside, Peter, kneeling down, prayed. And turning to the body, he said: “Tabitha, arise.” And she opened her eyes and, upon seeing Peter, sat up again.
Pinalabas silang lahat ni Pedro sa silid, lumuhod siya at nanalangin; at humarap siya sa katawan at sinabi niya. “Tabitha, bumangon ka.” Minulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro siya ay umupo.
41 And offering her his hand, he lifted her up. And when he had called in the saints and the widows, he presented her alive.
Pagkatapos iniabot ni Pedro ang kaniyang kamay at ibinangon siya; at nang tawagin niya ang mga mananampalataya at mga balo ay iniharap niya siya sa kanila na buhay.
42 Now this became known throughout all of Joppa. And many believed in the Lord.
Nalaman ang pangyayaring ito sa buong Joppa, at maraming mga tao ang nanampalataya sa Panginoon.
43 And it happened that he resided for many days in Joppa, with a certain Simon, a tanner.
Nangyari nga na nanatili si Pedro ng maraming araw sa Joppa kasama ang lalaki na ang pangalan ay Simon, na tagapagbilad ng balat ng hayop

< Acts 9 >