< 1 Peter 5 >

1 Therefore, I beg the elders who are among you, as one who is also an elder and a witness of the Passion of Christ, who also shares in that glory which is to be revealed in the future:
Hinihikayat ko ang mga nakatatanda sa inyo, ako, na isang kapwa nakatatanda at isang saksi sa pagdurusa ni Cristo, at kabahagi ng kaluwalhatian na maihahayag.
2 pasture the flock of God that is among you, providing for it, not as a requirement, but willingly, in accord with God, and not for the sake of tainted profit, but freely,
Kaya nga, hinihikayat ko kayo, mga nakatatanda, pangalagaan ninyo ang kawan ng Diyos na nasa inyo. Pangalagaan niyo sila, hindi dahil kailangan ninyo, pero dahil nais ninyo ito, ayon sa Diyos. Pangalagaan niyo sila nang maluwag sa inyong kalooban, hindi para sa pera.
3 not so as to dominate by means of the clerical state, but so as to be formed into a flock from the heart.
Huwag kayong umasta na tila mga amo sa mga taong nasa inyong pangangalaga, sa halip maging halimbawa kayo sa kawan.
4 And when the Leader of pastors will have appeared, you shall secure an unfading crown of glory.
Sa kapahayagan ng Punong Pastol, kayo ay makatatanggap ng maluwalhating korona na hindi kumukupas.
5 Similarly, young persons, be subject to the elders. And infuse all humility among one another, for God resists the arrogant, but to the humble he gives grace.
Gayon din, kayong mga nakababatang kalalakihan, magpasakop kayo sa mga nakatatandang kalalakihan. Kayong lahat, damitan ninyo ang inyong sarili ng kababaang-loob at maglingkod kayo sa isa't isa sapagkat pinipigilan ng Diyos ang mga mapagmataas, pero binibigyan niya ng biyaya ang mga mapagpakumbaba.
6 And so, be humbled under the powerful hand of God, so that he may exalt you in the time of visitation.
Kaya nga maging mapagpakumbaba kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos upang kayo ay itaas niya sa tamang panahon.
7 Cast all your cares upon him, for he takes care of you.
Ibigay niyo ang lahat ng inyong pag-aalala sa kaniya, dahil pinag-iingatan niya kayo.
8 Be sober and vigilant. For your adversary, the devil, is like a roaring lion, traveling around and seeking those whom he might devour.
Maging handa at mapagmatyag kayo. Ang inyong kaaway, ang diyablo, tulad ng isang umaatungal na leon, ay naglilibot at naghahanap ng kaniyang sasakmalin.
9 Resist him by being strong in faith, being aware that the same passions afflict those who are your brothers in the world.
Tumindig kayo laban sa kaniya. Magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya. Tandaan ninyo na ang inyong mga kapatid na nasa mundong ito ay nagtitiis ng kaparehas na pagdurusa.
10 But the God of all grace, who has called us to his eternal glory in Christ Jesus, will himself perfect, confirm, and establish us, after a brief time of suffering. (aiōnios g166)
Pagkatapos ninyong magdusa sa sandaling panahon, ang Diyos ng lahat ng biyaya, na tumawag sa inyo sa walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, magpapatibay at magpapalakas sa inyo. (aiōnios g166)
11 To him be glory and dominion forever and ever. Amen. (aiōn g165)
Sa kaniya ang kapangyarihan magpakailanman. Amen. (aiōn g165)
12 I have written briefly, through Sylvanus, whom I consider to be a faithful brother to you, begging and testifying that this is the true grace of God, in which you have been established.
Itinuturing ko si Silvano na isang tapat na kapatid, at sumulat ako sa inyo ng maigsi sa pamamagitan niya. Hinihikayat ko kayo at nagpapatotoo sa inyo na ang aking isinulat ay ang totoong biyaya ng Diyos. Manindigan kayo dito.
13 The Church which is in Babylon, elect together with you, greets you, as does my son, Mark.
Ang babaeng nasa Babilonia, na pinili kasama ninyo, ay bumabati sa inyo, at si Marcos, na aking anak, ay binabati kayo.
14 Greet one another with a holy kiss. Grace be to all of you who are in Christ Jesus. Amen.
Batiin niyo ang isa't isa sa halik ng pag ibig. Nawa ang kapayapaan ay sumainyong lahat na mga tagasunod ni Cristo.

< 1 Peter 5 >