< Psalms 142 >

1 Maschil. Of David. A prayer when he was in the hole of the rock. The sound of my cry went up to the Lord; with my voice I made my prayer for grace to the Lord.
Gamit ang aking boses ako ay tumatawag kay Yahweh; nagsumamo ako gamit ang aking boses kay Yahweh.
2 I put all my sorrows before him; and made clear to him all my trouble.
Ibinuhos ko ang aking pagdadalamhati sa harap niya; sinabi ko sa kaniya ang aking mga kaguluhan.
3 When my spirit is overcome, your eyes are on my goings; nets have been secretly placed in the way in which I go.
Kapag nanghina ang aking espiritu, alam mo ang aking landas. Sa aking paglalakad (sila) ay nagtago ng patibong para sa akin.
4 Looking to my right side, I saw no man who was my friend: I had no safe place; no one had any care for my soul.
Tumingin ako sa aking kanan at nakita na walang sinuman ang nagmamalasakit sa akin. Hindi na ako makakatakas; walang nag-aalala sa aking buhay.
5 I have made my cry to you, O Lord; I have said, You are my safe place, and my heritage in the land of the living.
Ako ay tumawag sa iyo, Yahweh; at sinabi, “Ikaw ang aking kublihan, ang aking bahagi sa lupain ng mga buhay.
6 Give ear to my cry, for I am made very low: take me out of the hands of my haters, for they are stronger than I.
Makinig ka sa aking tawag, dahil napakalungkot ko; sagipin mo ako mula sa aking mga taga-usig, dahil (sila) ay mas malakas kaysa sa akin.
7 Take my soul out of prison, so that I may give praise to your name: the upright will give praise because of me; for you have given me a full reward.
Ilabas mo ang aking kaluluwa mula sa kulungan para ako ay makapagpasalamat sa iyong pangalan. Ang matutuwid ay magtitipon sa aking paligid dahil ikaw ay naging mabuti sa akin.”

< Psalms 142 >