< 1 Thessalonians 2 >

1 For yourselves, brethren, know our entering in unto you, that it hath not been found vain:
Kaya nga nalalaman ninyo rin, mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan:
2 but having suffered before and been shamefully treated, as ye know, at Philippi, we waxed bold in our God to speak unto you the gospel of God in much conflict.
Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan.
3 For our exhortation [is] not of error, nor of uncleanness, nor in guile:
Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.
4 but even as we have been approved of God to be intrusted with the gospel, so we speak; not as pleasing men, but God who proveth our hearts.
Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.
5 For neither at any time were we found using words of flattery, as ye know, nor a cloak of covetousness, God is witness;
Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng kasakiman, saksi ang Dios;
6 nor seeking glory of men, neither from you nor from others, when we might have claimed authority as apostles of Christ.
Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit kami ng kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Cristo.
7 But we were gentle in the midst of you, as when a nurse cherisheth her own children:
Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak:
8 even so, being affectionately desirous of you, we were well pleased to impart unto you, not the gospel of God only, but also our own souls, because ye were become very dear to us.
Gayon din kami, palibhasa'y may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng aming sariling mga kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin.
9 For ye remember, brethren, our labor and travail: working night and day, that we might not burden any of you, we preached unto you the gospel of God.
Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.
10 Ye are witnesses, and God [also], how holily and righteously and unblamably we behaved ourselves toward you that believe:
Kayo'y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya:
11 as ye know how we [dealt with] each one of you, as a father with his own children, exhorting you, and encouraging [you], and testifying,
Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo,
12 to the end that ye should walk worthily of God, who calleth you into his own kingdom and glory.
Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Dios, na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.
13 And for this cause we also thank God without ceasing, that, when ye received from us the word of the message, [even the word] of God, ye accepted [it] not [as] the word of men, but, as it is in truth, the word of God, which also worketh in you that believe.
At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.
14 For ye, brethren, became imitators of the churches of God which are in Judæa in Christ Jesus: for ye also suffered the same things of your own countrymen, even as they did of the Jews;
Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Judio;
15 who both killed the Lord Jesus and the prophets, and drove out us, and please not God, and are contrary to all men;
Na nagsipatay sa Panginoong Jesus, at gayon din sa mga propeta, at kami ay kanilang pinalayas, at di nangagbibigay lugod sa Dios, at laban sa lahat ng mga tao;
16 forbidding us to speak to the Gentiles that they may be saved; to fill up their sins always: but the wrath is come upon them to the uttermost.
Na pinagbabawalan kaming makipagusap sa mga Gentil upang mangaligtas ang mga ito; upang kanilang paramihing lagi ang kanilang mga kasalanan: nguni't dumating sa kanila ang kagalitan, hanggang sa katapusan.
17 But we, brethren, being bereaved of you for a short season, in presence not in heart, endeavored the more exceedingly to see your face with great desire:
Nguni't kami, mga kapatid, na nangahiwalay sa inyong sangdaling panahon, sa katawan hindi sa puso, ay nangagsisikap na lubha, upang makita ang inyong mukha na may dakilang pagnanais:
18 because we would fain have come unto you, I Paul once and again; and Satan hindered us.
Sapagka't nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas.
19 For what is our hope, or joy, or crown of glorying? Are not even ye, before our Lord Jesus at his coming?
Sapagka't ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang pagparito?
20 For ye are our glory and our joy.
Sapagka't kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan.

< 1 Thessalonians 2 >