< 2 Corinthians 7 >

1 Having therefore these promises, beloved, let’s cleanse ourselves from all defilement of flesh and spirit, perfecting holiness in the fear of God.
Mga minamahal, dahil mayroon tayo ng mga pangakong ito, linisin natin ang ating mga sarili mula sa lahat ng bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu. Sikapin nating maging banal sa pagkatakot sa Diyos.
2 Open your hearts to us. We wronged no one. We corrupted no one. We took advantage of no one.
Gumawa kayo ng lugar para sa amin! Wala kaming ginawan ng mali. Wala kaming sinaktan na kahit sino man o nagsamantala sa kung sino man.
3 I say this not to condemn you, for I have said before that you are in our hearts to die together and live together.
Hindi para husgahan kayo kaya sinabi ko ito. Sapagkat sinabi ko na sa inyo na kayo ay nasa aming mga puso, para mamatay tayo nang magkasama at mabuhay nang magkasama.
4 Great is my boldness of speech toward you. Great is my boasting on your behalf. I am filled with comfort. I overflow with joy in all our affliction.
Mayroon akong malaking tiwala sa inyo, at ipinagmamalaki ko kayo. Napuno ako ng kaginhawaan. Nag-uumapaw ang aking kagalakan sa kabila ng kapighatian.
5 For even when we had come into Macedonia, our flesh had no relief, but we were afflicted on every side. Fightings were outside. Fear was inside.
Nang makarating kami sa Macedonia, walang pahinga ang aming mga katawan. Sa halip, nabagabag kami sa lahat ng paraan sa maraming kaguluhan sa labas at takot sa kalooban.
6 Nevertheless, he who comforts the lowly, God, comforted us by the coming of Titus,
Ngunit ang Diyos, na nagbibigay kaaliwan sa mga pinanghihinaan ng loob, ay nagbigay kaaliwan sa amin sa pamamagitan ng pagdating ni Tito.
7 and not by his coming only, but also by the comfort with which he was comforted in you while he told us of your longing, your mourning, and your zeal for me, so that I rejoiced still more.
Ito ay hindi lamang sa pamamagitan ng kaniyang pag dating na inaliw tayo ng Diyos. Ito ay dahil na rin sa kaginhawaang tinanggap ni Tito mula sa inyo. Sinabi niya sa amin ang lubos ninyong pagmamahal, ang inyong pighati, at ang inyong labis na pag-aalala sa akin. Kaya lalo akong nagagalak.
8 For though I grieved you with my letter, I do not regret it, though I did regret it. For I see that my letter made you grieve, though just for a while.
Kahit na naging malungkot kayo dahil sa aking sulat, hindi ko ito pinagsisihan. Ngunit pinagsisihan ko ito nang makita ko na ginawa kayong malungkot ng aking sulat. Ngunit naging malungkot kayo ng sandali lamang.
9 I now rejoice, not that you were grieved, but that you were grieved to repentance. For you were grieved in a godly way, that you might suffer loss by us in nothing.
Ngayon, masaya ako, hindi dahil sa kayo ay nagdadalamhati, ngunit dahil sa ang inyong kalungkutan ang naging daan sa inyong pagsisisi. Nakaranas kayo ng kalungkutan mula sa Diyos, kaya hindi nasayang ang inyong pagdurusa dahil sa amin.
10 For godly sorrow produces repentance leading to salvation, which brings no regret. But the sorrow of the world produces death.
Sapagkat ang kalungkutan mula sa Diyos ay nagdudulot ng pagsisisi na kumukumpleto sa kaligtasan ng walang panghihinayang. Gayon man, ang kalungkutan sa mundo ay nagdadala ng kamatayan.
11 For behold, this same thing, that you were grieved in a godly way, what earnest care it worked in you. Yes, what defense, indignation, fear, longing, zeal, and vindication! In everything you demonstrated yourselves to be pure in the matter.
Tingnan kung anong matinding determinasyon ang naidulot sa inyo ng kalungkutang mula sa Diyos na ito. Higit na matindi ang matibay na hangad sa inyo para patunayan na kayo ay walang sala. Namuhi kayo sa inyong sarili, natakot kayo, nanabik, nagsikap, at ninais ninyong makita na ang katarungan ay kailangan mangyari! Sa lahat ng bagay pinatunayan niyo ang inyong mga sarili na walang sala sa bagay na ito.
12 So although I wrote to you, I wrote not for his cause that did the wrong, nor for his cause that suffered the wrong, but that your earnest care for us might be revealed in you in the sight of God.
Kahit pa sumulat ako sa inyo, hindi ako sumulat para lang sa kapakanan ng mga gumagawa ng mali, ni para sa mga nagdusa sa mali. Sumulat ako para ang inyong pagkamasigasig para sa amin ay maipaalam sa inyo sa paningin ng Diyos.
13 Therefore we have been comforted. In our comfort we rejoiced the more exceedingly for the joy of Titus, because his spirit has been refreshed by you all.
Ito ay sa pamamagitan nito kaya malakas ang ating loob. Dagdag sa ating sariling kaginhawaan, nagdiriwang rin kami dahil sa kagalakan ni Tito, dahil ang kaniyang espiritu ay lumakas sa pamamagitan ninyong lahat.
14 For if in anything I have boasted to him on your behalf, I was not disappointed. But as we spoke all things to you in truth, so our glorying also which I made before Titus was found to be truth.
Dahil kung ipinagmalaki ko sa kaniya ang tungkol sa inyo, hindi ako nahiya. Sa kabilang dako, tulad ng lahat ng bagay na sinabi namin sa inyo ay totoo, ang aming pagmamalaki tungkol sa inyo kay Tito ay napatunayang totoo.
15 His affection is more abundantly toward you, while he remembers all of your obedience, how with fear and trembling you received him.
Ang kaniyang pag-ibig sa inyo ay mas higit pa, habang inaalala niya ang pagiging masunurin ninyong lahat, kung paano ninyo siya tinanggap ng may takot at panginginig.
16 I rejoice that in everything I am confident concerning you.
Ako ay nagagalak dahil lubos ang aking pagtitiwala sa inyo.

< 2 Corinthians 7 >