< Psalmen 33 >

1 Gij rechtvaardigen, heft Jahweh een jubelzang aan; De psalm is een lust voor de vromen!
Magalak kay Yahweh, kayong mga matuwid; ang papuri ay angkop para sa matuwid.
2 Looft Jahweh met citers, Bespeelt voor Hem de tiensnarige harp;
Pasalamatan si Yahweh na may alpa; awitan siya ng mga papuri niya ng may alpa na sampung kuwerdas.
3 Stemt een nieuw lied voor Hem aan, Tokkelt de lieren, lustig en luid!
Awitan siya ng bagong awit; tumugtog nang mahusay at umawit ng may kagalakan.
4 Want Jahweh’s woord is waarachtig, Onveranderlijk al zijn daden.
Dahil ang salita ni Yahweh ay matuwid, at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay patas.
5 Gerechtigheid en recht heeft Hij lief; Van Jahweh’s goedheid is de aarde vol.
Iniibig niya ang katuwiran at katarungan. Ang lupa ay puno ng katapatan sa tipan ni Yahweh.
6 Door het woord van Jahweh zijn de hemelen gemaakt, Door de adem van zijn mond heel hun heir;
Sa pamamagitan ng salita ni Yahweh ang mga langit ay nalikha, at ang lahat ng mga bituin ay nagawa sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig.
7 Hij verzamelde het water der zee in een zak, Legde de oceanen in schuren op.
Tinitipon niya ang tubig ng dagat na parang isang tumpok; nilalagay niya ang mga karagatan sa mga imbakan.
8 Heel de aarde moet Jahweh vrezen, Al de bewoners der wereld Hem duchten.
Hayaan ang buong mundo na matakot kay Yahweh; hayaan ang lahat ng nananahan sa mundo ay mamangha sa kanya.
9 Want Hij sprak: en het was; Hij gebood: en het stond.
Dahil siya ay nagsalita, at nangyari ito; siya ay nag-utos, at tumayo ng matayog.
10 De raadslagen der volken gooit Jahweh omver, Hij verijdelt de plannen der naties;
Binibigo ni Yahweh ang pagsasanib ng mga bansa; siya ang nananaig sa mga plano ng mga tao.
11 Maar Jahweh’s raadsbesluit staat in eeuwigheid vast: Wat zijn hart heeft bedacht, van geslacht tot geslacht.
Ang mga plano ni Yahweh ay nananatili magpakailanman, ang mga plano ng kanyang puso para sa lahat ng salinlahi.
12 Gelukkig de natie, die Jahweh tot God heeft, Het volk, dat Hij Zich tot erfdeel verkoos!
Mapalad ang bansa na ang Diyos ay si Yahweh; ang bayan na kaniyang pinili bilang kanyang sariling pag-aari.
13 Jahweh ziet neer uit de hemel, Richt zijn blik op alle kinderen der mensen.
Nagmamasid si Yahweh mula sa kalangitan; nakikita niya ang lahat ng mga tao.
14 Hij let van de plaats, waar Hij troont, Op alle bewoners der aarde:
Mula sa lugar kung saan siya nananahan, siya ay tumingin sa lahat ng nananahan sa lupa.
15 Hij, die aller hart heeft geschapen, En al hun daden doorgrondt.
Siya na humuhubog ng mga puso nilang lahat ay nagmamasid sa lahat ng kanilang mga gawi.
16 Geen koning overwint door de macht van zijn heir, Geen held wordt gered door geweldige kracht;
Walang hari ang naligtas sa pamamagitan ng isang malaking hukbo; ang isang mandirigma ay hindi naligtas sa pamamagitan ng kanyang dakilang lakas.
17 Ook het ros kan de zege niet schenken, Door zijn grote snelheid niet redden.
Ang isang kabayo ay hindi tunay na kasiguruhan ng tagumpay; sa kabila ng kanyang kalakasan, ay hindi siya makakapagligtas.
18 Maar het oog van Jahweh rust op hen, die Hem vrezen, En die op zijn goedheid vertrouwen:
Tingnan ninyo, ang mata ni Yahweh ay nasa kanila na may takot sa kaniya, sa mga taong umaasa sa kaniyang katapatan sa tipan
19 Om ze te redden van de dood, Ze in het leven te houden bij hongersnood.
para mailigtas ang kanilang mga buhay mula sa kamatayan at panatilihin silang buhay sa mga panahon ng taggutom.
20 Onze ziel blijft opzien tot Jahweh: Hij is onze hulp en ons schild;
Kami ay naghihintay kay Yahweh; siya ang aming saklolo at aming kalasag.
21 In Hem verheugt zich ons hart, Wij vertrouwen op zijn heilige Naam.
Ang aming mga puso ay nagagalak sa kaniya, dahil kami ay nagtitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
22 Uw genade, o Jahweh, dale over ons neer, Naarmate wij op U blijven hopen!
Hayaan mo ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay mapasaamin habang nilalagay namin ang aming pag-asa sa iyo.

< Psalmen 33 >