< Lukáš 16 >

1 Pravil pak i učedlníkům svým: Člověk jeden byl bohatý, kterýž měl šafáře; a ten obžalován jest před ním, jako by mrhal statek jeho.
Sinabi rin ni Jesus sa mga alagad, “May isang mayamang lalaki na may tagapamahala, at isinumbong sa kaniya na nilulustay ng tagapamahalang ito ang kaniyang pag-aari.
2 I povolav ho, řekl jemu: Což to slyším o tobě? Vydej počet z vládařství svého, nebo již nebudeš moci déle vládnouti.
Kaya pinatawag siya ng mayamang lalaki at sinabi sa kaniya, 'Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magbigay-ulat ka ng iyong pamamahala, dahil ka na maaaring maging tagapamahala.'
3 I dí vládař sám v sobě: Co učiním? Teď pán můj odjímá ode mne vládařství. Kopati nemohu, žebrati se stydím.
Sinabi ng tagapamahala sa kaniyang sarili, 'Anong gagawin ko, dahil aalisin sa akin ng amo ko ang pagiging tagapamahala? Wala akong lakas na magbungkal, at nahihiya akong magpalimos.
4 Vím, co učiním, aby, když budu zsazen z vládařství, přijali mne do svých domů.
Alam ko na ang aking gagawin, para kapag natanggal ako sa pagiging tagapamahala, malugod akong tatanggapin ng mga tao sa kanilang mga bahay.'
5 I zavolav jednoho každého dlužníka pána svého, řekl prvnímu: Jaks mnoho dlužen pánu mému?
At tinawag ng tagapamahala ang mga tao na may utang sa kaniyang amo, at tinanong niya ang una, 'Magkano ang utang mo sa amo ko?'
6 A on řekl: Sto tun oleje. I řekl mu: Vezmi rejistra svá, a sedna rychle, napiš padesát.
Sinabi niya, 'Isang daang takal na langis ng olibo'. At sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan, umupo kang madali at isulat mong limampu.'
7 Potom druhému řekl: Ty pak jaks mnoho dlužen? Kterýž řekl: Sto korců pšenice. I dí mu: Vezmi rejistra svá, a napiš osmdesát.
At sinabi ng tagapamahala sa isa pa, 'Magkano ang utang mo?' Sumagot siya, 'Isang daang takal ng trigo.' Sinabi niya sa kaniya, 'Kunin mo ang iyong kasulatan at isulat mong walumpu.'
8 I pochválil ten pán vládaře toho nepravého, že opatrně učinil. Nebo synové tohoto světa opatrnější jsou, než synové světla v svých věcech. (aiōn g165)
At pinuri ng amo ang hindi makatarungang tagapamahala dahil kumilos siya nang may katusuhan. Sapagkat ang mga anak ng mundong ito ay mas tuso sa pakikitungo sa kanilang sariling tao kaysa mga anak ng liwanag. (aiōn g165)
9 I jáť pravím vám: Čiňte sobě přátely z mamony nepravosti, aby, když byste zhynuli, přijali vás do oněch věčných stanů. (aiōnios g166)
Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng perang hindi makatarungan, para kapag ito ay naubos na, maaari ka nilang tanggapin sa walang hanggang tirahan. (aiōnios g166)
10 Kdo jest věrný v mále, i ve mnoze věrný jest. A kdož v mále jest nepravý, i ve mnozeť nepravý jest.
Ang tapat sa kakaunti ay tapat din sa marami, at ang hindi makatarungan sa kakaunti ay hindi rin makatarungan sa marami.
11 Poněvadž tedy v mamoně nepravé věrni jste nebyli, spravedlivé kdo vám svěří?
Kung hindi ka naging tapat sa paggamit ng perang hindi makatarungan, sino ang magtitiwala sa iyo ng tunay na kayamanan?
12 A když jste v cizím věrni nebyli, což vašeho jest, kdo vám dá?
At kung hindi ka naging tapat sa paggamit sa pera ng ibang tao, sino ang magbibigay sa iyo ng sarili mong pera?
13 Žádný čeledín nemůž dvěma pánům sloužiti. Nebť zajisté jednoho nenáviděti bude, a druhého milovati, aneb jednoho přídržeti se bude, a druhým pohrdne. Nemůžte Bohu sloužiti a mamoně.
Walang lingkod ang magkapaglilingkod sa dalawang amo, sapagkat kasusuklaman niya ang isa at mamahalin niya ang isa, o magiging tapat siya sa isa at kamumuhian niya ang isa. Hindi ninyo maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan.”
14 Slyšeli pak toto všecko i farizeové, kteříž byli lakomí, a posmívali se jemu.
Ngayon ang mga Pariseo, na mangingibig ng pera, ay narinig ang lahat ng mga ito, at siya ay kanilang kinutya.
15 I dí jim: Vy jste, ješto se sami spravedliví činíte před lidmi, ale Bůhť zná srdce vaše; nebo což jest u lidí vysokého, ohavnost jest před Bohem.
At sinabi niya sa kanila, “Pinapawalang-sala ninyo ang inyong mga sarili sa paningin ng mga tao, ngunit nalalaman ng Diyos ang inyong mga puso. Ang siya na dinadakila ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
16 Zákon a proroci až do Jana, a od té chvíle království Boží zvěstuje se, a každý se do něho násilně tiskne.
Ang kautusan at ang mga propeta ang umiiral hanggang sa dumating si Juan. Mula noon, ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, at ang lahat ay sinusubukang pumasok nang pilit doon.
17 Snázeť jest zajisté nebi i zemi pominouti, nežli v zákoně jednomu tytlíku zahynouti.
Ngunit mas madaling maglaho ang langit at lupa kaysa mawalan ng bisa ang isang kudlit ng isang letra ng kautusan.
18 Každý, kdož propustí manželku svou, a jinou pojímá, cizoloží; a kdož propuštěnou od muže pojímá, cizoloží.
Ang bawat taong hinihiwalayan ang kaniyang asawang babae at mag-asawa ng iba ay gumagawa ng pangangalunya, at ang mag-asawa sa babaing hiwalay sa kaniyang asawa ay magkakasala ng pangangalunya.
19 Byl pak člověk jeden bohatý, a obláčel se v šarlat a v kment, a hodoval na každý den stkvostně.
Ngayon, may isang mayamang lalaki na nakadamit ng kulay lila na gawa sa pinong lino, at araw-araw nagsasaya sa kaniyang labis na kayamanan.
20 A byl jeden žebrák, jménem Lazar, kterýž ležel u vrat jeho vředovitý,
May isang pulubi na nagngangalang Lazarus na pinahiga sa kaniyang tarangkahan na lipos ng sugat,
21 Žádaje nasycen býti těmi drobty, kteříž padali z stolu bohatce. Ale i psi přicházejíce, lízali vředy jeho.
at inaasam-asam niyang kainin ang nahuhulog sa mesa ng mayamang tao—at maliban doon, lumapit ang mga aso at dinilaan ang kaniyang mga sugat.
22 I stalo se, že ten žebrák umřel, a nesen jest od andělů do lůna Abrahamova. Umřel pak i bohatec, a pohřben jest.
At nangyari na namatay ang pulubi at dinala ng mga anghel sa kinaroroonan ni Abraham. Namatay din ang mayamang tao at inilibing,
23 Potom v pekle pozdvih očí svých, v mukách jsa, uzřel Abrahama zdaleka, a Lazara v lůnu jeho. (Hadēs g86)
at doon sa hades, sa kaniyang pagdurusa, tumingala siya at nakita si Abraham sa malayo at si Lazarus na nasa tabi niya. (Hadēs g86)
24 I zvolav bohatec, řekl: Otče Abrahame, smiluj se nade mnou, a pošli Lazara, ať omočí konec prstu svého v vodě, a svlaží jazyk můj; nebo se mučím v tomto plameni.
At sumigaw siya at sinabi, 'Amang Abraham, maawa ka sa akin at papuntahin mo si Lazarus, upang isawsaw niya ang dulo ng kaniyang daliri sa tubig at palamigin ang aking dila, dahil naghihirap ako sa apoy na ito.'
25 I řekl Abraham: Synu, rozpomeň se, žes ty vzal dobré věci své v životě svém, a Lazar též zlé. Nyní pak tento se těší, ale ty se mučíš.
Ngunit sinabi ni Abraham, 'Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo, natanggap mo ang mga magagandang bagay, at si Lazaro sa ganoon ding paraan ay masasamang bagay. Ngunit ngayon, siya ay inaaliw dito, at ikaw ay nagdurusa.
26 A nad to nade všecko mezi námi a vámi propast veliká utvrzena jest, aby ti, kteříž chtí odsud k vám jíti, nemohli, ani od onud k nám přejíti.
At maliban sa lahat ng ito, may malaking bangin na nakalagay upang ang mga gustong tumawid mula rito papunta sa iyo ay hindi makakatawid, at wala ring makakatawid mula riyan papunta sa amin.'
27 I řekl: Ale prosím tebe, otče, abys ho poslal do domu otce mého.
At sinabi ng mayamang tao, 'Nagmamakaawa ako, Amang Abraham, na papuntahin mo siya sa bahay ng aking ama—
28 Neboť mám pět bratrů. Ať jim svědčí, aby i oni nepřišli do tohoto místa muk.
sapagkat ako ay may limang kapatid na lalake—upang balaan niya sila, dahil baka pumunta rin sila sa lugar na ito ng pagdurusa.'
29 I řekl jemu Abraham: Majíť Mojžíše a proroky, nechť jich poslouchají.
Ngunit sinabi ni Abraham, 'Nasa kanila si Moises at mga propeta; makinig sila sa kanila.'
30 A on řekl: Nic, otče Abrahame, ale kdyby kdo z mrtvých šel s nim, budou pokání činiti.
Sumagot ang mayamang tao, 'Hindi, Amang Abraham, ngunit kung may pumunta sa kanila mula sa mga patay, magsisisi sila.'
31 I řekl mu: Poněvadž Mojžíše a proroků neposlouchají, aniž byť kdo z mrtvých vstal, uvěří jemu.
Ngunit sinabi ni Abraham sa kaniya, 'Kung hindi sila makikinig kay Moises at sa mga propeta, hindi rin sila mahihikayat kung may mabuhay mula sa mga patay.”. /.

< Lukáš 16 >