< Brojevi 16 >

1 Korah, sin Jisharov, sin Kehatov, sin Levijev, pa Datan i Abiram, sinovi Eliabovi, i On, sin Peletov - potomci Rubenovi -
Ngayon si Korah na anak na lalaki ni Izar na anak na lalaki ni Kohat na anak na lalaki ni Levi, kasama ni Datan at Abiram na mga anak na lalaki ni Eliab, at si On na anak na lalaki ni Pelet, ang mga kaapu-apuan ni Ruben ay tinipon ng ilang kalalakihan.
2 ustanu protiv Mojsija zajedno sa dvjesta pedeset Izraelaca, glavara zajednice, uglednih na skupštini i ljudi na glasu.
Tumindig sila laban kay Moises, kasama ng ibang kalalakihan mula sa mga tao ng Israel, dalawang daan at limampung pinuno ng sambayanan na mga tanyag na kasapi sa sambayanan.
3 Oni se sjate oko Mojsija i Arona govoreći im: “Vi prelazite mjeru! Sva je zajednica, svi njezini članovi, posvećena i među njima je Jahve. Zašto se onda uzvisujete iznad zajednice Jahvine!”
Nagkatipon sila upang harapin sina Moises at Aaron. Sinabi nila sa kanila, “Kumukuha kayo nang labis para sa inyong mga sarili. Ang buong sambayanan ay banal, inilaan kay Yahweh, ang bawat isa sa kanila, at si Yahweh ay kasama nila. Bakit ninyo inaangat ang inyong mga sarili sa ibabaw ng natitirang sambayanan ni Yahweh?”
4 Kad to ču Mojsije, pade ničice.
Nang marinig iyon ni Moises, nagpatirapa siya.
5 Zatim reče Korahu i svoj njegovoj družini: “Sutra će Jahve pokazati tko je njegov i tko je posvećen, kome dopušta da mu se približi. Koga sebi izabere, k sebi će ga i pustiti.
Nagsalita siya kay Korah at sa lahat ng kaniyang pangkat; sinabi niya, “Sa kinaumagahan, ipapakita ni Yahweh kung sino ang kaniya, at kung sino ang inilaan kay Yahweh. Dadalhin niya sa kaniya ang taong pipiliin niya. Dadalhin siya ni Yahweh sa kaniyang sarili.
6 Učinite ovo: uzmite kadionike, Korah i sva njegova družina;
Gawin ninyo ito, Korah at lahat ng iyong pangkat. Kumuha kayo ng mga insensaryo
7 sutra stavite u njih vatre i metnite odozgo tamjana pred Jahvom. Koga Jahve odabere, taj neka bude posvećen. Vi prelazite mjeru, Levijevci!”
bukas at lagyan ninyo ng apoy at insenso ang mga ito sa harap ni Yahweh. Ang taong pipiliin ni Yahweh, ang taong iyon ay ilalaan kay Yahweh. Malayo na ang inyong narating, kayong mga kaapu-apuan ni Levi.”
8 Potom Mojsije reče Korahu: “Poslušajte, Levijevci!
Muli, sinabi ni Moises kay Korah, “Ngayon ay makinig kayo, kayong mga kaapu-apuan ni Levi:
9 Zar vam je malo što vas je Bog Izraelov izdvojio iz Izraelove zajednice da vas približi k sebi te da vršite službu u Jahvinu prebivalištu i da stojite pred zajednicom služeći joj?
ito ba ay isang maliit na bagay para sa inyo na inilaan kayo ng Diyos ng Israel mula sa sambayanan ng Israel, upang palapitin kayo sa kaniya, upang magtrabaho sa tabernakulo ni Yahweh, at upang tumayo sa harapan ng sambayanan para maglingkod sa kanila?
10 Promaknuo je tebe i s tobom svu tvoju braću Levijevce, a vi još tražite i svećeništvo!
Dinala niya kayo ng malapitan, at lahat ng inyong mga kamag-anak, ang mga kaapu-apuan ni Levi ay kasama ninyo, ngunit ninanasa din ninyo ang pagkapari!
11 Ti i sva tvoja družina, dakle, sjatili ste se protiv Jahve; jer što je Aron da protiv njega rogoborite?”
Iyon ang dahilan kung bakit ikaw at lahat ng iyong pangkat ay nagkatipon laban kay Yahweh. Kaya bakit kayo nagrereklamo tungkol kay Aaron, na sumusunod kay Yahweh?”
12 Zatim posla Mojsije po Datana i Abirama, sinove Eliabove, ali oni odgovore: “Nećemo doći!
Pagkatapos ipinatawag ni Moises sina Datan at Abiram, ang mga anak na lalaki ni Eliab, subalit sinabi nila, “Hindi kami pupunta.
13 Zar je malo što si nas odveo iz zemlje kojom teče med i mlijeko da nas pobiješ u ovoj pustinji, pa hoćeš da nasilno zagospodariš nad nama?
Ito ba ay isang maliit na bagay na dalhin mo kami sa isang lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, upang patayin kami sa ilang? Ngayon nais mong maging tagapangasiwa namin!
14 Nisi nas uveo u zemlju kojom teče med i mlijeko i nisi nam dao u posjed njive i vinograde! Misliš li iskopati oči ovim ljudima? Nećemo doći!”
Bilang karagdagan, hindi mo kami dinala sa isang lupain na umaagos sa gatas at pulot-pukyutan, o binigyan ng mga bukid at mga ubasan bilang isang mana. Ngayon nais mo kaming bulagin sa pamamagitan ng mga walang lamang pangako? Hindi kami pupunta sa iyo.”
15 Mojsije se vrlo razljuti i reče Jahvi: “Ne obaziri se na njihovu prinosnicu! Ni jednoga njihova magarca nisam prisvojio niti sam ijednoga od njih oštetio.”
Galit na galit si Moises at sinabi kay Yahweh, “Huwag mong galangin ang kanilang mga handog. Hindi ako kumuha ng isang asno mula sa kanila, at wala akong sinaktang sinuman sa kanila.”
16 Zatim Mojsije reče Korahu: “Ti i sva tvoja družina stupite sutra pred Jahvu; ti, i oni, i Aron.
Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Korah, “Bukas ikaw at lahat ng iyong kasamahan ay dapat pumunta sa harap ni Yahweh, ikaw, sila, at si Aaron.
17 Neka svaki uzme svoj kadionik, stavi u nj tamjana i neka svaki donese svoj kadionik pred Jahvu - dvjesta i pedeset kadionika. A i ti i Aron donesite svaki svoj kadionik.”
Bawat isa sa inyo ay dapat dalhin niya ang kaniyang insensaryo at lagyan ito ng insenso. Pagkatapos, dapat dalhin ng bawat tao sa harap ni Yahweh ang kaniyang insensaryo, dalawang daan at limampung insensaryo. Kayo at si Aaron rin ay dapat ninyong dalhin ang inyong mga insensaryo.”
18 Svaki uzme svoj kadionik, stavi u nj vatre, onda odozgo metne tamjana i stane s Mojsijem i Aronom kod ulaza u Šator sastanka.
Kaya kinuha ng bawat lalaki ang kaniyang insensaryo, nilagyan ito ng apoy, nilatagan ito ng insenso, at tumayo sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong kasama ni Moises at Aaron.
19 Kad, naprama njima, sabra Korah svu zajednicu na ulazu u Šator sastanka, onda se svoj zajednici pokaza slava Jahvina.
Tinipon ni Korah ang buong sambayanan laban kina Moises at Aaron sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh sa buong sambayanan.
20 I reče Jahve Mojsiju i Aronu:
At nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron:
21 “Odvojite se od te zajednice da je odmah satrem!”
“Ihiwalay ninyo ang inyong mga sarili mula sa sambayanang ito upang lipulin ko sila agad-agad.”
22 Oni popadoše ničice i povikaše: “Bože! Bože životnog duha u svakome tijelu! Zar ćeš se razgnjeviti na svu zajednicu kad je samo jedan sagriješio!”
Nagpatirapa sila Moises at Aaron at sinabi, “Diyos, ang Diyos ng mga espiritu ng buong sangkatauhan, kung nagkakasala ang isang tao, dapat kabang magalit sa buong sambayanan?”
23 Onda Jahve reče Mojsiju:
Sumagot si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
24 “Reci toj zajednici: 'Uklonite se iz okolice prebivališta Koraha, Datana i Abirama!'”
“Magsalita ka sa buong sambayanan. Sabihin mo, 'Umalis kayo mula sa mga tolda nila Korah, Datan, at Abiram.'”
25 Mojsije ustade i pođe k Datanu i Abiramu. Za njim krenuše izraelske starješine.
Pagkatapos, bumangon si Moises at pumunta kina Datan at Abiram; sinundan siya ng mga nakakatanda ng Israel.
26 Zatim ovako progovori zajednici: “Odstupite od šatora tih opakih ljudi! Ne dotičite se ničega što je njihovo, da ne budete uništeni zbog svih njihovih grijeha.”
Nagsalita siya sa sambayanan at sinabi, “Ngayon iwanan ang mga tolda ng mga masamang lalaking ito at huwag humawak ng anumang bagay na nabibilang sa kanila, o malilipol kayo sa pamamagitan ng lahat ng kanilang kasalanan.”
27 Tako se oni udalje iz okolice prebivališta Korahova, Datanova i Abiramova. Uto izađu Datan i Abiram te stanu na ulazu svojih šatora sa svojim ženama, svojim sinovima i svojom nejačadi.
Kaya ang sambayanan sa magkabilaan ay iniwan ang mga tolda nina Korah, Datan, at Abiram. Lumabas sila Datan at Abiram at tumayo sa pasukan ng kanilang mga tolda, kasama ng kanilang mga asawa, mga anak, at kanilang mga maliliit.
28 “Po ovom ćete vidjeti”, reče Mojsije, “da me Jahve poslao da vršim sva ova djela, a da ih ne činim sam od sebe:
At sinabi ni Moises, “Sa pamamagitan nito malalaman ninyong isinugo ako ni Yahweh upang gawin ang lahat ng mga gawaing ito, sapagkat hindi ko ginawa ang mga ito sa aking sariling pagsang-ayon.
29 ako ovi ljudi umru kao što umru i svi ljudi; ako ih pohodi sudbina kakva pohodi sve ljude, onda me Jahve nije poslao.
Kung mamamatay ang mga lalaking ito nang karaniwang kamatayan gaya ng karaniwang nangyayari, kung gayon hindi ako isinugo ni Yahweh.
30 Ali ako Jahve učini nečuveno: ako zemlja rastvori svoje ralje i proguta ih sa svim što je njihovo te živi siđu u Šeol, onda znajte da su ovi ljudi prezreli Jahvu.” (Sheol h7585)
Ngunit kung gagawa si Yahweh ng isang butas sa lupa na lalamon sa kanila tulad ng isang malaking bibig, kasama ng kanilang mga pamilya, at kapag bababa sila ng buhay sa lugar ng mga patay ay dapat ninyong unawain na kinamuhian ng mga lalaking ito si Yahweh. (Sheol h7585)
31 A kad on završi sve te riječi, tlo se pod njima raspukne;
Pagkatapos sabihin ni Moises ang lahat ng salitang ito, bumukas ang lupang sa ilalim ng mga lalaking ito.
32 zemlja rastvori svoje ralje i proguta ih s njihovim domovima, sa svim Korahovim ljudima i svim njihovim imanjem.
Ibinukas ng lupa ang bibig nito at nilamon sila, ang kanilang mga pamilya, at lahat ng mga taong nabibilang kay Korah, pati na rin ang kanilang mga ari-arian.
33 Živi siđu u Šeol, oni i sve njihovo. Onda se nad njima zemlja zatvori i oni iščeznu iz zbora. (Sheol h7585)
Sila at ang lahat sa kanilang mga pamilya ay pumunta ng buhay sa lugar ng mga patay. Nagsara ang lupa sa ibabaw nila, at sa pamamagitan nito nalipol sila sa kalagitnaan ng sambayanan. (Sheol h7585)
34 Na njihov vrisak svi Izraelci što su stajali oko njih pobjegoše govoreći: “Da i nas zemlja ne proguta!”
Ang buong Israel na nakapalibot sa kanila ay tumakas mula sa kanilang hiyaw. Sinigaw nila, “Baka lamunin din tayo ng lupa!”
35 Ali sukne oganj od Jahve te proždre dvjesta i pedeset ljudi koji su prinosili tamjan.
Pagkatapos kumislap ang apoy mula kay Yahweh at nilamon ang 250 kalalakihan na naghandog ng insenso.
36 Jahve reče Mojsiju:
Muling nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
37 “Kaži Eleazaru, sinu svećenika Arona, da ukloni kadionike - jer su posvećeni - iz toga zgarišta, a neposvećenu vatru iz njih neka razaspe podalje.
“Magsalita ka kay Eleazar na anak na lalaki ni Aaron na pari at sabihan siya na kunin ang mga insensaryo mula sa mga nagbabagang tira, sapagkat ang mga insensaryo ay idinulog sa akin. Pagkatapos, kailangan nilang ikalat ang mga baga.
38 Kadionici onih koji su sagriješili i grijehom život pokopali neka se prekuju u pločice za oblaganje žrtvenika. Doneseni su, naime, pred Jahvu, pa su posvećeni. Neka budu opomenom Izraelcima!”
Kunin ang mga insensaryo sa mga namatay dahil sa kanilang mga kasalanan. Gawing minartilyong pingngan ang mga ito bilang isang takip sa ibabaw ng altar. Ang mga lalaking iyon ang naghandog ng mga ito sa harap ko, kaya naihandog sa akin ang mga ito. Magiging isang tanda ang mga ito ng aking presensya sa mga tao ng Israel.”
39 Tako svećenik Eleazar uze kadionike od tuča što su ih prinosili oni koji izgorješe; prekovaše ih u pločice za oblaganje žrtvenika.
Kinuha ni Eleazar na pari ang mga tansong insensaryo na ginamit ng mga lalaking nasunog, at ang mga ito ay minartilyo na maging isang takip para sa altar,
40 One su opomena Izraelcima da se nitko nepozvan - nitko tko nije od Aronova potomstva - ne smije približiti da pali tamjan pred Jahvom, kako mu se ne bi dogodilo kao Korahu i njegovoj družini, prema onom što je kazao Jahve po Mojsiju.
upang maging isang paalala sa mga tao ng Israel, na ang mga nagmula lamang kay Aaron ang maaaring pumuntang magsunog ng insenso sa harap ni Yahweh, para hindi sila magiging katulad ni Korah at ng kaniyang pangkat—gaya ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
41 Sutradan je sva zajednica rogoborila protiv Mojsija i Arona. “Pobili ste Jahvin narod!” - govorili su.
Ngunit sa sumunod na umaga ang lahat ng sambayanan ng mga tao ng Israel ay nagreklamo laban kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Pinatay ninyo ang mga tao ni Yahweh.”
42 Dok se zajednica skupljala protiv Mojsija i Arona, oni se okrenuše prema Šatoru sastanka, i gle! oblak ga prekri i slava se Jahvina pokaza.
At nangyari, nang nagkatipon ang sambayanan laban kina Moises at Aaron, na tumingin sila sa tolda ng pagpupulong at, tingnan mo, tinatakpan ito ng ulap. Nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh,
43 Tada Mojsije i Aron odoše pred Šator sastanka.
at pumunta sina Moises at Aaron sa harapan ng tolda ng pagpupulong.
44 I Jahve reče Mojsiju:
Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
45 “Udaljite se od te zajednice; u tili ću je čas uništiti!” Oni padoše ničice.
“Lumayo ka mula sa harapan ng sambayanang ito upang malipol ko sila agad-agad.” Pagkatapos nagpatirapa sina Moises at Aaron.
46 Zatim Mojsije reče Aronu: “Uzmi kadionik, stavi u nj vatre sa žrtvenika, metni tamjana, a onda se žuri do zajednice da obaviš nad njom obred pomirenja. Gnjev je Jahvin već izbio i zlo je počelo!”
Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kunin ninyo ang insensaryo, lagyan ito ng apoy mula sa altar, lagyan ito ng insenso, dalhin agad ito sa sambayanan, at gumawa ng pambayad ng kasalanan para sa kanila, dahil ang galit ay paparating mula kay Yahweh. Nagsimula na ang salot.”
47 Aron uze što mu je Mojsije rekao te otrča usred zbora, a kad tamo: pomor među narodom već počeo. Stavi tamjana te obavi obred pomirenja nad narodom.
Kaya ginawa ni Aaron ang gaya ng sinabi ni Moises. Tumakbo siya papunta sa gitna ng sambayanan. Mabilis na nagsimulang kumalat ang salot sa mga tao, kaya inilagay niya ang insenso at gumawa ng pambayad ng kasalanan para sa mga tao.
48 Zatim stade između mrtvih i živih i zlo se ustavi.
Tumayo si Aaron sa pagitan ng mga patay at mga nabubuhay; sa pamamagitan nito natigil ang salot.
49 Bilo ih je mrtvih od toga zla četrnaest tisuća i sedam stotina, osim onih koji su poginuli zbog Koraha.
Yaong mga namatay sa pamamagitan ng salot ay 14, 700 ang bilang, bukod sa mga namatay dahil sa ginawa ni Korah.
50 Aron se vrati k Mojsiju na ulaz u Šator sastanka: pomor se ustavi.
Bumalik si Aaron kay Moises sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong, at ang salot ay nagwakas.

< Brojevi 16 >