< Ezekiel 11 >

1 Tada se duh podiže i ponese me do istočnih vrata Doma Jahvina, što su okrenuta k istoku. I gle: na ulazu vrata dvadeset i pet ljudi, među kojima vidjeh i Jaazaniju, sina Azurova, i Pelatju, sina Benajina, knezove narodne.
Pagkatapos itinaas ako ng Espiritu at dinala sa silanganang tarangkahan ng tahanan ni Yahweh na nakaharap sa silangan; at masdan ninyo! Sa pintuang-daanan ng tarangkahan ay may dalawampu't limang kalalakihan. Nakita ko si Jaazanias na anak na lalaki ni Azur, at Pelatia na anak na lalaki ni Benaias, mga pinuno ng mga tao ang nasa gitna nila.
2 I reče mi: “Sine čovječji, evo ljudi koji smišljaju opačine i koji u ovom gradu daju zle savjete:
Sinabi ng Diyos sa akin, “Anak ng tao, ito ang mga lalaking nag-iisip ng kasamaan, at ang nagpapasiya ng mga masasamang plano sa lungsod na ito.
3 'Nije li čas da gradimo domove? Ovaj je grad kotao, a mi smo meso.'
Sinasabi nila, 'Ang panahon ng pagtatayo ng mga bahay ay hindi rito; ang lungsod na ito ang palayok, at tayo ang karne.'
4 Zato prorokuj protiv njih, prorokuj, sine čovječji!”
Kaya magpropesiya ka laban sa kanila. Magpropesiya ka, anak ng tao!”
5 I duh Jahvin siđe nada me i kaza mi: “Reci: Ovako veli Jahve Gospod: 'Ne govoriš li tako, dome Izraelov? Ali ja poznajem misli vašega srca!
Pagkatapos, bumaba ang Espiritu ni Yahweh sa akin at sinabi niya sa akin, “Sabihin mo: Ito ang sinasabi ni Yahweh: gaya ng iyong sinasabi, Sambahayan ng Israel; sapagkat alam ko ang mga bagay na naiisip ninyo.
6 Množite ubojstva u ovome gradu i njegove ulice punite truplima.'
Pinarami ninyo ang mga taong inyong pinatay sa lungsod na ito at pinuno ninyo ang mga lansangan sa pamamagitan nila.
7 Zato ovako govori Jahve Gospod: 'Oni koje vi probodoste i razbacaste po gradu - oni su meso, a grad je kotao. Zato ću vas ja izvesti sada iz njega.
Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ang mga taong pinatay ninyo, na inyong inalatag ang mga katawan sa gitna ng Jerusalem, ay ang mga karne, at ang lungsod na ito ay ang palayok. Ngunit palalayasin kayo mula sa gitna ng lungsod na ito.
8 Od mača strahujete, i mač ću na vas dovesti - riječ je Jahve Gospoda!
Kinatakutan ninyo ang espada, kaya dadalhin ko ang espada sa inyo—Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
9 Izvest ću vas iz grada i predati vas u ruke tuđincima, i sud ću svoj izvršiti nad vama:
Dadalhin ko kayo palabas sa gitna ng lungsod, at ibibigay sa mga kamay ng mga dayuhan, sapagkat magdadala ako ng hatol laban sa inyo.
10 od mača ćete pasti! Na međi Izraelovoj sudit ću vam, i tada ćete znati da sam ja Jahve!
Babagsak kayo sa pamamagitan ng espada. Hahatulan ko kayo sa loob ng mga hangganan ng Israel kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh!
11 A ovaj grad više vam neće biti kotao i vi nećete biti meso njegovo. Na međi Izraelovoj sudit ću vam,
Ang lungsod na ito ay hindi ninyo magiging lutuang palayok, ni magiging karne kayo sa kaniyang kalagitnaan. Hahatulan ko kayo sa loob ng mga hangganan ng Israel.
12 i tada ćete znati da sam ja Jahve po čijim uredbama ne živjeste i čijih zakona ne izvršavaste, nego živjeste po zakonima okolnih naroda!'”
At malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang kautusan na hindi ninyo nilakaran at ang mga utos na hindi ninyo tinupad. Sa halip, tinupad ninyo ang mga utos ng mga bansang nakapalibot sa inyo.”
13 Dok ja tako prorokovah, umrije Pelatja, sin Benajin. I ja padoh ničice te zavapih iz svega glasa: “Jao, Jahve Gospode, zar ćeš doista uništiti sav Ostatak doma Izraelova?”
At nangyari ito habang ako ay nagpapahayag, namatay si Pelatia na anak na lalaki ni Benaias. Kaya nagpatirapa ako at umiyak ng may isang malakas na tinig at sinabi, “O, Panginoong Yahweh! Ganap mo bang lilipulin ang nalalabi sa Israel?”
14 I dođe mi riječ Jahvina:
Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
15 “Sine čovječji, tvojoj braći, i tvojim rođacima, i svem domu Izraelovu Jeruzalemci govore: 'Daleko ste od Jahve! Nama je ova zemlja dana u posjed!'
“Anak ng tao, ang iyong mga kapatid! Ang iyong mga kapatid! Ang mga kalalakihan sa inyong angkan at ang lahat ng sambahayan ng Israel! Silang lahat na nagsabing mga naninirahan sa Jerusalem, 'Malayo na sila kay Yahweh! Ibinigay ang lupaing ito sa atin bilang ating pag-aari!'
16 Zato im reci: Ovako govori Jahve Gospod: 'Ako ih i odagnah među daleke narode, ako ih i rasprših po zemljama, ja ću im sam uskoro biti Svetište u zemljama u kojima se nalaze.'
Kaya sabihin mong, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: bagaman inalis ko sila palayo sa mga bansa, at bagaman ikinalat ko sila sa mga lupain, gayunpaman ako ang naging isang santuwaryo para sa kanila sa isang sandali sa mga lupain kung saan sila pumunta.'
17 Stoga im reci: Ovako govori Jahve Gospod: 'Sabrat ću vas iz narodÄa, vratit ću vas iz zemalja u kojima ste bili raspršeni i dat ću vam opet zemlju Izraelovu!
Kaya sabihin mong, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Titipunin ko kayo mula sa mga tao, at iipunin mula sa mga lupain kung saan kayo ikinalat, at ibibigay ko sa inyo ang lupain ng Israel!'
18 I kad se u nju vrate, istrijebit će iz nje sve grozote i gadosti.
Pagkatapos, pupunta sila doon at tatanggalin ang bawat kamuhi-muhing bagay at pagkasuklam mula sa lugar na iyon.
19 I ja ću im dati novo srce i nov ću duh udahnuti u njih: iščupat ću iz njih njihovo kameno srce i stavit ću u njih srce od mesa,
At bibigyan ko sila ng isang puso, at lalagyan ng bagong espiritu kapag lumapit sila sa akin; tatanggalin ko ang pusong bato mula sa kanilang laman at bibigyan ko sila ng isang pusong laman,
20 da hode po mojim naredbama i da čuvaju i vrše sve moje zakone. I bit će oni moj narod, a ja Bog njihov!
upang lumakad sila sa aking mga kautusan, tutuparin nila ang aking utos at gawin ang mga ito. At magiging mga tao ko sila, at ako ang magiging Diyos nila.
21 A onima kojima srce hodi za grozotama i gadostima oborit ću na glavu njihov put' - riječ je Jahve Gospoda.”
Ngunit sa mga lumalakad ng may pagkabighani tungo sa kanilang kamuhi-muhing mga bagay at kanilang mga pagkasuklam, dadalhin ko ang kanilang gawa sa sarili nilang mga ulo. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
22 Kerubini podigoše krila i točkovi se digoše za njima, a Slava Boga Izraelova lebdijaše nad njima.
At itinaas ng kerubin ang kanilang mga pakpak at ang mga gulong na nasa tabi nila, at ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel ay pumaitaas sa ibabaw nila.
23 Slava se Jahvina vinu iz grada i zaustavi se na gori, istočno od grada.
At umakyat ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa loob sa gitna ng lungsod at tumayo sa bundok sa silangan ng lungsod.
24 A mene duh podiže i ponese duhom Božjim k izgnanicima u zemlju kaldejsku. I iščeznu viđenje koje gledah.
At itinaas ako ng Espiritu at dinala sa Caldea, sa mga binihag, sa pangitain mula sa Espiritu ng Diyos. At ang pangitaing aking nakita ay umakyat mula sa akin.
25 I pripovjedih izgnanicima sve što mi Jahve bijaše objavio.
Pagkatapos, ihinayag ko sa mga bihag ang lahat ng mga bagay na ipinakita sa akin ni Yahweh.

< Ezekiel 11 >