< ⲒⲰⲀⲚⲚⲎⲤ Ⲁ ̅ 1 >

1 ⲁ̅ ⲪⲎ ⲈⲦϢⲞⲠ ⲒⲤϪⲈⲚ ϨⲎ ⲪⲎ ⲈⲦⲀⲚⲤⲞⲐⲘⲈϤ ⲪⲎ ⲈⲦⲀⲚⲚⲀⲨ ⲈⲢⲞϤ ⲚⲚⲈⲚⲂⲀⲖ ⲪⲎ ⲈⲦⲀⲚⲤⲞⲘⲤ ⲈⲢⲞϤ ⲞⲨⲞϨ ⲀⲚⲈⲚϪⲒϪ ϪⲈⲘϪⲰⲘϤ ⲈⲐⲂⲈ ⲠⲒⲤⲀϪⲒ ⲚⲦⲈⲠⲰⲚϦ
Na kung alinman mula sa simula- na aming narinig, na nakita ng aming mga mata, na aming natunghayan, at nahawakan ng aming mga kamay-patungkol sa Salita ng buhay.
2 ⲃ̅ ⲞⲨⲞϨ ⲠⲒⲰⲚϦ ⲀϤⲞⲨⲞⲚϨ ⲈⲂⲞⲖ ⲞⲨⲞϨ ⲀⲚⲚⲀⲨ ⲈⲢⲞϤ ⲞⲨⲞϨ ⲦⲈⲚⲈⲢⲘⲈⲐⲢⲈ ⲞⲨⲞϨ ⲦⲈⲚⲦⲀⲘⲞ ⲘⲘⲰⲦⲈⲚ ⲈⲠⲒⲰⲚϦ ⲚⲈⲚⲈϨ ⲪⲎ ⲈⲦϢⲞⲠ ϨⲀ ⲪⲒⲰⲦ ⲞⲨⲞϨ ⲀϤⲞⲨⲞⲚϨ ⲈⲢⲞⲚ (aiōnios g166)
At ang buhay ay nagawang ipaalam, at aming nakita, at nasaksihan, at hinayag sa inyo ang buhay na walang hanggan, na noon ay kasama ng Ama, at nagawang ipaalam sa amin. (aiōnios g166)
3 ⲅ̅ ⲪⲎ ⲈⲦⲀⲚⲚⲀⲨ ⲈⲢⲞϤ ⲞⲨⲞϨ ⲀⲚⲤⲞⲐⲘⲈϤ ⲦⲈⲚϨⲒⲰⲒϢ ⲘⲘⲞ ⲚⲰⲦⲈⲚ ϨⲒⲚⲀ ⲚⲐⲰⲦⲈⲚ ϨⲰⲦⲈⲚ ⲚⲦⲈⲞⲨⲘⲈⲦϢⲪⲎⲢ ϢⲰⲠⲒ ⲚⲰⲦⲈⲚ ⲚⲈⲘⲀⲚ ⲦⲈⲚⲘⲈⲦϢⲪⲎⲢ ⲆⲈ ⲤⲬⲎ ⲚⲈⲘ ⲪⲒⲰⲦ ⲚⲈⲘ ⲠⲈϤϢⲎⲢⲒ ⲒⲎⲤⲞⲨⲤ ⲠⲬⲤ
Iyon na aming nakita at narinig inihayag din namin sa inyo, sa gayon ay magkaroon kayo ng pakikisama sa amin, at ang aming pakikisama ay kasama ang Ama at kasama ang kanyang Anak na si Jesu-Cristo.
4 ⲇ̅ ⲞⲨⲞϨ ⲚⲀⲒ ⲦⲈⲚⲤϦⲀⲒ ⲘⲘⲰⲞⲨ ⲚⲰⲦⲈⲚ ϨⲒⲚⲀ ⲚⲦⲈⲠⲈⲦⲈⲚⲢⲀϢⲒ ϢⲰⲠⲒ ⲈϤϪⲎⲔ ⲈⲂⲞⲖ
At sinulat namin ang mga bagay na ito sa inyo upang ang aming kagalakan ay maging ganap.
5 ⲉ̅ ⲞⲨⲞϨ ⲪⲀⲒ ⲠⲈ ⲠⲒⲰϢ ⲈⲦⲀⲚⲤⲞⲐⲘⲈϤ ⲦⲈⲚϨⲒⲰⲒϢ ⲘⲘⲞϤ ⲚⲰⲦⲈⲚ ϪⲈ ⲪⲚⲞⲨϮ ⲞⲨⲞⲨⲰⲒⲚⲒ ⲠⲈ ⲞⲨⲞϨ ⲘⲘⲞⲚ ϨⲖⲒ ⲚⲬⲀⲔⲒ ⲚϦⲎⲦϤ
Ito ang mensahe na aming narinig mula sa kanya at ipinapahayag sa inyo: Ang Diyos ay liwanag at sa kanya'y walang kadiliman ang lahat.
6 ⲋ̅ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲚϢⲀⲚϪⲞⲤ ϪⲈ ⲞⲨⲞⲚⲦⲀⲚ ⲚⲞⲨⲘⲈⲦϢⲪⲎ ⲢⲚⲈⲘⲀϤ ⲞⲨⲞϨ ⲈⲚⲘⲞϢⲒ ϦⲈⲚⲠⲒⲬⲀⲔⲒ ⲈⲚϪⲈⲘⲈⲐⲚⲞⲨϪ ⲞⲨⲞϨ ⲦⲈⲚⲒⲢⲒ ⲚⲐⲘⲎⲒ ⲀⲚ
Kung sinasabi natin na tayo ay mayroong pakikisama sa Kanya at lumalakad sa kadiliman, tayo ay nagsisinungaling at hindi isinasagawa ang katotohanan.
7 ⲍ̅ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲚϢⲀⲚⲘⲞϢⲒ ϦⲈⲚⲠⲒⲞⲨⲰⲒⲚⲒ ⲘⲪⲢⲎϮ ϨⲰϤ ⲈⲦⲈϤⲘⲞϢⲒ ϦⲈⲚⲠⲒⲞⲨⲰⲒⲚⲒ ⲞⲨⲞⲚⲦⲀⲚ ⲚⲞⲨⲘⲈⲦϢⲪⲎⲢ ⲚⲈⲘ ⲚⲈⲚⲈⲢⲎⲞⲨ ⲞⲨⲞϨ ⲠⲤⲚⲞϤ ⲚⲒⲎⲤⲞⲨⲤ ⲠⲈϤϢⲎⲢⲒ ϤⲚⲀⲦⲞⲨⲂⲞⲚ ⲈⲂⲞⲖ ϨⲀ ⲚⲞⲂⲒ ⲚⲒⲂⲈⲚ
Pero kung tayo'y lumalakad sa liwanag katulad niyang nasa liwanag, meron tayong pakikisama sa isa't isa at ang dugo ni Jesus na kanyang Anak ay naglilinis sa atin mula sa lahat ng kasalanan.
8 ⲏ̅ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲚϢⲀⲚϪⲞⲤ ϪⲈ ⲘⲘⲞⲚⲦⲈⲚ ⲚⲞⲂⲒ ⲘⲘⲀⲨ ⲦⲈⲚⲈⲢϨⲀⲖ ⲘⲘⲞⲚ ⲘⲘⲀⲨⲀⲦⲈⲚ ⲞⲨⲞϨ ⲐⲘⲎⲒ ϢⲞⲠ ⲚϦⲎⲦⲈⲚ ⲀⲚ
Kung sinasabi natin na wala tayong kasalanan, niloloko natin ang ating mga sarili at ang katotohanan ay wala sa atin.
9 ⲑ̅ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲚϢⲀⲚⲞⲨⲰⲚϨ ⲚⲚⲈⲚⲚⲞⲂⲒ ⲈⲂⲞⲖ ϤⲈⲚϨⲞⲦ ⲞⲨⲞϨ ⲞⲨⲐⲘⲎⲒ ⲠⲈ ϨⲒⲚⲀ ⲚⲦⲈϤⲬⲀ ⲚⲈⲚⲚⲞⲂⲒ ⲚⲀⲚ ⲈⲂⲞⲖ ⲞⲨⲞϨ ϤⲚⲀⲦⲞⲨⲂⲞⲚ ⲤⲀⲂⲞⲖ ⲚϬⲒⲚϪⲞⲚⲤ ⲚⲒⲂⲈⲚ
Pero kung tayo ay umamin sa ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo mula sa lahat ng kasamaan.
10 ⲓ̅ ⲈϢⲰⲠ ⲀⲚϢⲀⲚϪⲞⲤ ϪⲈ ⲘⲠⲈⲚⲈⲢⲚⲞⲂⲒ ⲦⲈⲚⲒⲢⲒ ⲘⲘⲞϤ ⲚⲤⲀⲘⲈⲐⲚⲞⲨϪ ⲞⲨⲞϨ ⲠⲈϤⲤⲀϪⲒ ϢⲞⲠ ⲚϦⲎⲦⲈⲚ ⲀⲚ.
Kapag sinabi natin na hindi tayo nagkasala, ginawa natin siyang isang sinungaling, at ang kanyang salita ay wala sa atin.

< ⲒⲰⲀⲚⲚⲎⲤ Ⲁ ̅ 1 >