< 耶利米书 39 >

1 犹大王西底家第九年十月,巴比伦王尼布甲尼撒率领全军来围困耶路撒冷。
Sa ikasiyam na taon at ikasampung buwan ni Zedekias na hari ng Juda, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia kasama ang lahat ng kaniyang hukbo laban sa Jerusalem at sinakop ito.
2 西底家十一年四月初九日,城被攻破。
Sa ikalabing isang taon at ika-apat na buwan ni Zedekias, sa ikasiyam na araw ng buwan, nawasak ang lungsod.
3 耶路撒冷被攻取的时候,巴比伦王的首领尼甲·沙利薛、三甲·尼波、撒西金—拉撒力、尼甲·沙利薛—拉墨,并巴比伦王其余的一切首领都来坐在中门。
At dumating ang lahat ng opisyal ng hari ng Babilonia at umupo sa gitnang tarangkahan: Ang mga ito ay sina Nergal-salezer, Samgar-nebo, at Sarsequim, isang mahalagang opisyal. Isang mataas na opisyal si Nergal-salezer, at ang iba pa ay mga opisyal ng hari ng Babilonia.
4 犹大王西底家和一切兵丁看见他们,就在夜间从靠近王园两城中间的门出城逃跑,往亚拉巴逃去。
Nangyari nang makita sila ni Zedekias, na hari ng Juda, at ng lahat ng kaniyang mga mandirigmang kalalakihan, tumakas sila. Lumabas sila sa gabi mula sa lungsod sa pamamagitan ng daanan sa hardin ng hari, sa tarangkahan sa pagitan ng dalawang mga pader. Umalis ang hari patungo sa Araba.
5 迦勒底的军队追赶他们,在耶利哥的平原追上西底家,将他拿住,带到哈马地的利比拉、巴比伦王尼布甲尼撒那里;尼布甲尼撒就审判他。
Ngunit hinabol sila ng hukbo ng mga Caldeo at naabutan si Zedekias sa mga kapatagan sa lambak ng Ilog Jordan malapit sa Jerico. Pagkatapos, binihag nila siya at dinala kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, sa Ribla sa lupain ng Hamat, kung saan binigyan siya ng hatol ni Nebucadnezar.
6 巴比伦王在利比拉、西底家眼前杀了他的众子,又杀了犹大的一切贵胄,
Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa kaniyang harapan sa Ribla. Pinatay din niya ang lahat ng mga maharlikang tao ng Juda.
7 并且剜西底家的眼睛,用铜链锁着他,要带到巴比伦去。
At tinanggal niya ang mga mata ni Zedekias at iginapos sa kadenang tanso upang dalhin siya sa Babilonia.
8 迦勒底人用火焚烧王宫和百姓的房屋,又拆毁耶路撒冷的城墙。
At sinunog ng mga Caldeo ang tahanan ng hari at ang mga tahanan ng mga tao. Ibinagsak din nila ang mga pader ng Jerusalem.
9 那时,护卫长尼布撒拉旦将城里所剩下的百姓和投降他的逃民,以及其余的民都掳到巴比伦去了。
Si Nebuzaradan, ang kapitan ng mga tagapagbantay ng hari ay dinalang bihag ang natirang mga tao sa lungsod. Kabilang dito ang mga taong tumakas upang kumampi sa mga Caldeo at ang mga taong naiwan sa lungsod.
10 护卫长尼布撒拉旦却将民中毫无所有的穷人留在犹大地,当时给他们葡萄园和田地。
Ngunit pinayagan ni Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari ang pinakamahihirap na mga taong walang wala para sa kanilang mga sarili upang manatili sa lupain ng Juda. Binigyan niya sila ng mga ubasan at mga bukid sa araw ding iyon.
11 巴比伦王尼布甲尼撒提到耶利米,嘱咐护卫长尼布撒拉旦说:
Nagbigay si Nebucadnezar na hari ng Babilonia ng isang utos tungkol kay Jeremias kay Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari. Sinabi niya,
12 “你领他去,好好地看待他,切不可害他;他对你怎么说,你就向他怎么行。”
“Kunin at alagaan mo siya. Huwag mo siyang saktan. Gawin mo ang anumang sasabihin niya sa iyo.”
13 护卫长尼布撒拉旦和尼布沙斯班—拉撒力、尼甲·沙利薛—拉墨,并巴比伦王的一切官长,
Kaya nagpadala ng mga kalalakihan si Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari, si Nebuzazban ang mataas na eunuko, si Nergal Sarezer ang punong opisyal, at lahat ng pinakamahalagang opisyal ng hari ng Babilonia.
14 打发人去,将耶利米从护卫兵院中提出来,交与沙番的孙子亚希甘的儿子基大利,带回家去。于是耶利米住在民中。
Kinuha ng kanilang mga kalalakihan si Jeremias mula sa patyo ng mga bantay at ipinagkatiwala siya kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan, upang iuwi siya, kaya nanatili si Jeremias kasama ng mga tao.
15 耶利米还囚在护卫兵院中的时候,耶和华的话临到他说:
Ngayon dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias habang siya ay nakakulong sa patyo ng mga bantay, at sinabi niya,
16 “你去告诉古实人以伯·米勒说,万军之耶和华—以色列的 神如此说:我说降祸不降福的话必临到这城,到那时必在你面前成就了。
“Magsalita ka kay Ebed-Melec na taga-Cush, 'Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Tingnan mo, gagawin ko na ang aking mga salita laban sa bayang ito para sa kapahamakan at hindi sa kabutihan. Sapagkat magkakatotoo ang lahat ng mga ito sa iyong harapan sa araw na iyon.
17 耶和华说:到那日我必拯救你,你必不致交在你所怕的人手中。
Ngunit ililigtas kita sa araw na iyon—ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi ka na ibibigay sa mga kalalakihan na iyong kinatatakutan.
18 我定要搭救你,你不致倒在刀下,却要以自己的命为掠物,因你倚靠我。这是耶和华说的。”
Sapagkat tiyak ililigtas kita. Hindi ka babagsak sa pamamagitan ng espada. Makakatakas ka dahil nagtitiwala ka sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh.”'

< 耶利米书 39 >