< 耶利米书 36 >

1 犹大王约西亚的儿子约雅敬第四年,耶和华的话临到耶利米说:
Nangyari ito sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, na dumating ang salitang ito kay Jeremias mula kay Yahweh, at sinabi niya,
2 “你取一书卷,将我对你说攻击以色列和犹大,并各国的一切话,从我对你说话的那日,就是从约西亚的日子起直到今日,都写在其上。
“Kumuha ka nang isang kasulatang balumbon para sa iyong sarili at isulat dito ang lahat ng mga salitang sinabi ko sa iyo tungkol sa Israel at Juda, at bawat bansa. Gawin ito para sa lahat ng sinabi ko mula sa mga araw ni Josias hanggang sa araw na ito.
3 或者犹大家听见我想要降与他们的一切灾祸,各人就回头,离开恶道,我好赦免他们的罪孽和罪恶。”
Marahil, pakikinggan ng mga tao ng Juda ang lahat ng mga sakuna na nais kong dalhin sa kanila. Marahil, tatalikod ang bawat isa mula sa kaniyang masamang landas, kaya patatawarin ko ang kanilang kasamaan at kanilang kasalanan.”
4 所以,耶利米召了尼利亚的儿子巴录来;巴录就从耶利米口中,将耶和华对耶利米所说的一切话写在书卷上。
At ipinatawag ni Jeremias si Baruc na anak ni Nerias at isinulat ni Baruc sa isang kasulatang balumbon, sa pagsasalaysay ni Jeremias, ang lahat ng mga salita ni Yahweh na sinabi sa kaniya.
5 耶利米吩咐巴录说:“我被拘管,不能进耶和华的殿。
Kasunod nito, nagbigay ng utos si Jeremias kay Baruc. Sinabi niya, “Nasa kulungan ako at hindi makakapunta sa tahanan ni Yahweh.
6 所以你要去趁禁食的日子,在耶和华殿中将耶和华的话,就是你从我口中所写在书卷上的话,念给百姓和一切从犹大城邑出来的人听。
Kaya kailangan mong pumunta at basahin mula sa kasulatang balumbon na iyong isinulat mula sa aking pagsasalaysay. Sa araw ng pag-aayuno, kailangan mong basahin sa kaniyang tahanan ang mga salita ni Yahweh sa pakikinig ng mga tao, at sa pakikinig ng buong Juda na dumating mula sa kanilang mga lungsod. Ipahayag mo ang mga salitang ito sa kanila.
7 或者他们在耶和华面前恳求各人回头,离开恶道,因为耶和华向这百姓所说要发的怒气和忿怒是大的。”
Marahil, ang kanilang pagsamo ng habag ay makakarating sa harapan ni Yahweh. Marahil, ang bawat tao ay tatalikod mula sa kanilang masasamang gawa, dahil matindi ang poot at galit na ipinahayag ni Yahweh laban sa mga taong ito.”
8 尼利亚的儿子巴录就照先知耶利米一切所吩咐的去行,在耶和华的殿中从书上念耶和华的话。
Kaya ginawa ni Baruc na anak ni Nerias ang lahat ng iniutos ni propeta Jeremias na kaniyang gagawin. Binasa niya ng malakas ang mga salita ni Yahweh sa tahanan ni Yahweh.
9 犹大王约西亚的儿子约雅敬第五年九月,耶路撒冷的众民和那从犹大城邑来到耶路撒冷的众民,在耶和华面前宣告禁食的日子,
Nangyari ito sa ika-limang taon at ika-siyam na buwan ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, na ang lahat ng mga tao sa Jerusalem at ang mga tao na dumating sa Jerusalem sa mga lungsod ng Juda na nagpahayag ng pag-aayuno sa pagpaparangal kay Yahweh.
10 巴录就在耶和华殿的上院,耶和华殿的新门口,沙番的儿子文士基玛利雅的屋内,念书上耶利米的话给众民听。
Binasa ni Baruc ng malakas ang mga salita ni Jeremias sa tahanan ni Yahweh, mula sa silid ni Gemarias na anak ni Safan na eskriba, sa itaas ng patyo, malapit sa tarangkahan patungo sa tahanan ni Yahweh. Ginawa niya ito sa pakikinig ng lahat ng mga tao.
11 沙番的孙子、基玛利雅的儿子米该亚听见书上耶和华的一切话,
Ngayon, si Micaias na anak ni Gemarias na anak ni Safan ay narinig ang lahat ng mga salita ni Yahweh sa kasulatang balumbon.
12 他就下到王宫,进入文士的屋子。众首领,就是文士以利沙玛、示玛雅的儿子第莱雅、亚革波的儿子以利拿单、沙番的儿子基玛利雅、哈拿尼雅的儿子西底家,和其余的首领都坐在那里。
Bumaba siya sa tahanan ng hari, sa silid ng kalihim. Tingnan ninyo, lahat ng mga opisyal ay nakaupo roon, si Elisama na eskriba, si Delaias na anak ni Semias, si Elnatan na anak ni Acbor, si Gemarias na anak ni Safan at Zedekias na anak ni Hananias at ang lahat ng mga opisyal.
13 于是米该亚对他们述说他所听见的一切话,就是巴录向百姓念那书的时候所听见的。
At ibinalita ni Micaias sa kanila ang lahat ng mga salita na kaniyang narinig na binasa ng malakas ni Baruc sa pakikinig ng mga tao.
14 众首领就打发古示的曾孙、示利米雅的孙子、尼探雅的儿子犹底到巴录那里,对他说:“你将所念给百姓听的书卷拿在手中到我们这里来。”尼利亚的儿子巴录就手拿书卷来到他们那里。
Kaya ipinadala ng lahat ng mga opsiyal si Jehudi na anak ni Netanias na anak ni Selemias na anak ni Cusi kay Baruc. Sinabi ni Jehudi kay Baruc, “Kunin mo ang kasulatang balumbon na iyong binasa sa pakikinig ng mga tao at ikaw ay lumapit.” Kaya kinuha ni Baruc na anak ni Nerias ang kasulatang binalumbon at pumunta sa mga opisyal.
15 他们对他说:“请你坐下,念给我们听。”巴录就念给他们听。
At sinabi nila sa kaniya, “Maupo ka at basahin mo ito sa aming pakikinig. “Kaya binasa ni Baruc ang kasulatang balumbon.
16 他们听见这一切话就害怕,面面相观,对巴录说:“我们必须将这一切话告诉王。”
At nangyari nang kanilang narinig ang lahat ng mga salitang ito, natakot ang bawat tao at sinabi kay Baruc, “Nararapat nating ibalita ang lahat ng mga salitang ito sa hari.”
17 他们问巴录说:“请你告诉我们,你怎样从他口中写这一切话呢?”
Pagkatapos, tinanong nila si Baruc, “Sabihin mo sa amin, paano mo nagawang isulat ang lahat ng mga salitang ito, sa pagsasalaysay ni Jeremias?”
18 巴录回答说:“他用口向我说这一切话,我就用笔墨写在书上。”
Sinabi ni Baruc sa kanila, “Isinalaysay niya sa akin ang lahat ng mga salitang ito at isinulat ko ang mga ito sa tinta sa balumbon na ito.”
19 众首领对巴录说:“你和耶利米要去藏起来,不可叫人知道你们在哪里。”
At sinabi ng mga opisyal kay Baruc, “Umalis ka at magtago, at ganoon din si Jeremias. Huwag ninyong ipaalam kahit kanino ang kinaroroonan ninyo.”
20 众首领进院见王,却先把书卷存在文士以利沙玛的屋内,以后将这一切话说给王听。
Pagkatapos, pumunta sila sa bulwagan ng hari at ibinalita ang mga salitang ito sa kaniya. Ngunit una nilang inilagay ang kasulatang balumbon sa silid ng kalihim na si Elisama.
21 王就打发犹底去拿这书卷来,他便从文士以利沙玛的屋内取来,念给王和王左右侍立的众首领听。
At isinugo ng hari si Jehudi upang kunin ang kasulatang balumbon. Kinuha iyon ni Jehudi sa silid ng kalihim na si Elisama. At binasa niya ito nang malakas sa hari at sa lahat ng mga opisyal na nakatayo sa kaniyang tabi.
22 那时正是九月,王坐在过冬的房屋里,王的前面火盆中有烧着的火。
Ngayon, nanatili ang hari sa tahanang pang-taglamig sa ika-siyam na buwan, at isang apuyan na nagniningas sa kaniyang harapan.
23 犹底念了三四篇,王就用文士的刀将书卷割破,扔在火盆中,直到全卷在火中烧尽了。
Nangyari ito nang mabasa ni Jehudi ang tatlo o apat na mga hanay, nais itong tanggalin nang hari gamit ang isang kutsilyo at itapon ito sa apuyan hanggang masira ang lahat ng kasulatang balumbon.
24 王和听见这一切话的臣仆都不惧怕,也不撕裂衣服。
Ngunit wala sa hari ni ang sinuman sa kaniyang mga lingkod ang nakarinig sa lahat ng mga salitang ito ang natakot, ni punitin ang kanilang mga kasuotan.
25 以利拿单和第莱雅,并基玛利雅恳求王不要烧这书卷,他却不听。
Maging sina Elnatan, Delaias at Gemarias ay hinimok ang hari upang hindi sunugin ang kasulatang balumbon, ngunit hindi siya nakinig sa kanila.
26 王就吩咐哈米勒的儿子耶拉篾和亚斯列的儿子西莱雅,并亚伯叠的儿子示利米雅,去捉拿文士巴录和先知耶利米。耶和华却将他们隐藏。
At inutusan ng hari si Jerameel, isang kamag-anak, si Seraias na anak ni Azriel at Selenias na anak ni Abdeel upang hulihin si Baruc na eskriba at ang propetang si Jeremias, ngunit itinago sila ni Yahweh.
27 王烧了书卷(其上有巴录从耶利米口中所写的话)以后,耶和华的话临到耶利米说:
At dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias pagkatapos sunugin ng hari ang kasulatang balumbon at ang mga salita na isinulat ni Baruc sa pagsasalaysay ni Jeremias, at sinabi niya.
28 “你再取一卷,将犹大王约雅敬所烧第一卷上的一切话写在其上。
“Bumalik ka, kumuha ka ng ibang balumbon para sa iyong sarili at isulat doon ang lahat ng mga salitang naroon sa naunang kasulatang balumbon, na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda.
29 论到犹大王约雅敬你要说,耶和华如此说:你烧了书卷,说:‘你为什么在其上写着,说巴比伦王必要来毁灭这地,使这地上绝了人民牲畜呢?’
At kailangan mo itong sabihin kay Jehoiakim na hari ng Juda: 'Sinunog mo ang kasulatang balumbon na iyon! At sinabi mo: Bakit mo isinulat iyon, “Tiyak na darating ang hari ng Babilonia at wawasakin ang lupaing ito, sapagkat wawasakin niya ang tao at mga hayop dito"?”'
30 所以耶和华论到犹大王约雅敬说:他后裔中必没有人坐在大卫的宝座上;他的尸首必被抛弃,白日受炎热,黑夜受寒霜。
Samakatuwid, sinabi ito ni Yahweh tungkol sa iyo, Jehoiakim na hari ng Juda, “Wala sa mga kaapu-apuhan mo ang makakaupo kahit kailan sa trono ni David. Para sa iyo, ang iyong bangkay ay itatapon sa init ng araw at sa lamig ng gabi.
31 我必因他和他后裔,并他臣仆的罪孽刑罚他们。我要使我所说的一切灾祸临到他们和耶路撒冷的居民,并犹大人;只是他们不听。”
Sapagkat parurusahan kita, ang iyong mga kaapu-apuhan, at iyong mga lingkod para sa mga kasamaan ninyong lahat. Dadalhin ko sa iyo, sa lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, at bawat tao sa Juda, ang lahat ng mga sakuna na aking ibinanta sa iyo, ngunit hindi mo ito binigyang pansin.”
32 于是,耶利米又取一书卷交给尼利亚的儿子文士巴录,他就从耶利米的口中写了犹大王约雅敬所烧前卷上的一切话,另外又添了许多相仿的话。
Kaya kumuha pa ng ibang balumbon si Jeremias at ibinigay ito kay Baruc na anak ng eskribang si Nerias. Isinulat iyon ni Baruc sa pagsasalaysay ni Jeremias sa lahat ng mga salitang nasa kasulatang balumbon na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda. At saka, maraming ibang magkatulad na mga salita ang idinagdag sa balumbon na ito.

< 耶利米书 36 >