< 出埃及记 6 >

1 耶和华对摩西说:“现在你必看见我向法老所行的事,使他因我大能的手容以色列人去,且把他们赶出他的地。”
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ngayon makikita mo kung ano ang gagawin ko kay Paraon. Makikita mo ito, dahil hahayaan niya na sila ay umalis dahil sa aking malakas na kamay. Dahil sa kamay kong makapangyarihan, sila ay kaniyang palalayasin sa kaniyang lupain.”
2 神晓谕摩西说:“我是耶和华。
Kinausap ng Diyos si Moises at sinabi sa kaniya, “Ako si Yahweh.
3 我从前向亚伯拉罕、以撒、雅各显现为全能的 神;至于我名耶和华,他们未曾知道。
Nagpakita ako kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob bilang Diyos na Makapangyarihan; pero sa pamamagitan ng aking pangalang Yahweh, ay hindi ako nahayag sa kanila.
4 我与他们坚定所立的约,要把他们寄居的迦南地赐给他们。
Itinatag ko rin sa kanila ang aking tipan, para ibigay sa kanila ang lupain ng Canaan, ang lupain na kung saan sila ay nanirahan bilang hindi mamamayan, ang lupain kung saan sila ay lumibot.
5 我也听见以色列人被埃及人苦待的哀声,我也记念我的约。
Dagdag pa doon, narinig ko ang mga daing ng mga Israelita na siyang inalipin ng mga taga-Ehipto, at inalala ko ang aking tipan sa kanila.
6 所以你要对以色列人说:‘我是耶和华;我要用伸出来的膀臂重重地刑罚埃及人,救赎你们脱离他们的重担,不做他们的苦工。
Kaya, sabihin sa mga Israelita, 'Ako si Yahweh. Dadalhin ko kayo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto, at palalayain ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan. Kayo ay aking ililigtas sa pagpapakita ng aking kapangyarihan, at makapangyarihang mga gawa ng paghatol.
7 我要以你们为我的百姓,我也要作你们的 神。你们要知道我是耶和华—你们的 神,是救你们脱离埃及人之重担的。
Dadalhin ko kayo sa aking sarili bilang aking bayan, at ako ay inyong magiging Diyos. Malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto.
8 我起誓应许给亚伯拉罕、以撒、雅各的那地,我要把你们领进去,将那地赐给你们为业。我是耶和华。’”
Dadalhin ko kayo sa lupain na aking sinumpaan para ibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob. Ibibigay ko ito sa inyo bilang isang pag-aari. Ako si Yahweh.'”
9 摩西将这话告诉以色列人,只是他们因苦工愁烦,不肯听他的话。
Nang sinabi ito ni Moises sa mga Israelita, ayaw nilang makinig sa kaniya dahil sa pagkasira ng kanilang loob dahil sa lupit ng kanilang pagkaalipin.
10 耶和华晓谕摩西说:
Kaya nakipag-usap si Yahweh kay Moises at sinabing,
11 “你进去对埃及王法老说,要容以色列人出他的地。”
“Pumunta ka at sabihan si Paraon, ang hari ng Ehipto, na hayaang umalis ang bayan ng Israel mula sa kaniyang lupain.”
12 摩西在耶和华面前说:“以色列人尚且不听我的话,法老怎肯听我这拙口笨舌的人呢?”
Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Kung ang mga Israelita ay hindi nakinig sa akin, bakit makikinig si Paraon sa akin, gayong hindi ako magaling sa pagsasalita?”
13 耶和华吩咐摩西、亚伦往以色列人和埃及王法老那里去,把以色列人从埃及地领出来。
Nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron. Nagbigay siya ng kautusan para sa mga Israelita at para kay Paraon, ang hari ng Ehipto, na dalahin ang mga Israelita palabas sa lupain ng Ehipto.
14 以色列人家长的名字记在下面。以色列长子吕便的儿子是哈诺、法路、希斯伦、迦米;这是吕便的各家。
Ito ay ang mga pinuno sa mga bahay ng kanilang mga ama. Mga anak na lalaki ni Ruben, ang panganay ni Israel, sina Hanoch, si Phallu, si Hezron, at si Carmi. Ang mga ito ay ang angkan ng mga ninuno ni Ruben.
15 西缅的儿子是耶母利、雅悯、阿辖、雅斤、琐辖,和迦南女子的儿子扫罗;这是西缅的各家。
Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Jemuel, si Jamin, si Ohad, si Jachin, si Zohar, at si Shaul—ang anak na lalaki sa isang babaeng Cananeo. Ang mga ito ay ang angkan ng mga ninuno ni Simeon.
16 利未众子的名字按着他们的后代记在下面:就是革顺、哥辖、米拉利。利未一生的岁数是一百三十七岁。
Narito ang naitalang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Levi, kasama ng kanilang mga kaapu-apuhan. Sila ay sina Gerson, Kohath, at Merari. Nabuhay si Levi hanggang siya ay 137 taong gulang.
17 革顺的儿子按着家室是立尼、示每。
Ang mga anak na lalaki ni Gerson ay sina Libni at Shimi.
18 哥辖的儿子是暗兰、以斯哈、希伯伦、乌薛。哥辖一生的岁数是一百三十三岁。
Ang mga anak na lalaki ni Kohath ay sina Amram, Izhar, Hebron at Uzziel. Si Kohath ay nabuhay hanggang siya ay 133 taong gulang.
19 米拉利的儿子是抹利和母示;这是利未的家,都按着他们的后代。
Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahali at Musi. Ang mga ito ang naging mga ninunong angkan ng mga Levita, kasama ng kanilang mga kaapu-apuhan.
20 暗兰娶了他父亲的妹妹约基别为妻,她给他生了亚伦和摩西。暗兰一生的岁数是一百三十七岁。
Napangasawa ni Amram si Jochebed, ang kapatid na bababe ng kaniyang ama. Ipinanganak niya sina Aaron at Moises. Si Amram ay nabuhay ng 137 taon at pagkatapos ay namatay.
21 以斯哈的儿子是可拉、尼斐、细基利。
Ang mga anak na lalaki ni Izhar ay sina Korah, Nepheg, at Zithri.
22 乌薛的儿子是米沙利、以利撒反、西提利。
Ang mga anak na lalaki ni Uzziel ay sina Misael, si Elzaphan, at si Zithri.
23 亚伦娶了亚米拿达的女儿,拿顺的妹妹,以利沙巴为妻,她给他生了拿答、亚比户、以利亚撒、以他玛。
Napangasawa ni Aaron si Elisheba, anak na babae ni Aminadab, na kapatid na babae ni Naashon. Ipinanganak niya sina Nadab at Abiu, si Eleazar at Ithamar.
24 可拉的儿子是亚惜、以利加拿、亚比亚撒;这是可拉的各家。
Ang mga anak na lalaki ni Cora ay sina, Assir, Elcana, at Abiasaph. Ito ang mga ninunong angkan ng mga Corita.
25 亚伦的儿子以利亚撒娶了普铁的一个女儿为妻,她给他生了非尼哈。这是利未人的家长,都按着他们的家。
Si Eleazar, na anak na lalaki ni Aaron, ay napangasawa ang isa sa mga anak na babae ni Putiel. Ipinanganak niya si Finehas. Ito ang mga pinuno sa bahay ng mga ama sa gitna ng mga Levita, kabilang ng kanilang mga kaapu-apuhan.
26 耶和华说:“将以色列人按着他们的军队从埃及地领出来。”这是对那亚伦、摩西说的。
Ang dalawang lalaking ito ay sina Aaron at Moises kung kanino sinabi ni Yahweh, “Dalhin palabas ang mga Israelita mula sa lupain ng Ehipto, sa pamamagitan ng kanilang mga pangkat ng mga lalaking mandirigma.”
27 对埃及王法老说要将以色列人从埃及领出来的,就是这摩西、亚伦。
Nakipag-usap si Aaron at si Moises kay Paraon, ang hari ng Ehipto, para pahintulutan silang mailabas ang mga Israelita mula sa Ehipto. Ang mga ito pa rin ay sina Moises at Aaron.
28 当耶和华在埃及地对摩西说话的日子,
Nang nagsalita si Yahweh kay Moises sa lupain ng Ehipto,
29 他向摩西说:“我是耶和华;我对你说的一切话,你都要告诉埃及王法老。”
sinabi niya sa kaniya, “Ako si Yahweh. Sabihin mo kay Paraon, ang hari ng Ehipto, lahat ng sasabihin ko sa iyo.”
30 摩西在耶和华面前说:“看哪,我是拙口笨舌的人,法老怎肯听我呢?”
Pero sinabi ni Moises kay Yahweh, “Hindi ako magaling sa pagsasalita, kaya bakit makikinig si Paraon sa akin?”

< 出埃及记 6 >