< 路加福音 10 >

1 此後,主另外選定了七十二人,派遺他們兩個兩個地在祂在前面,到祂自己將要去的各城地去。
Ngayon, pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghirang ng pitumpung iba pa, at isinugo sila nang dalawahan para mauna sa kaniya sa bawat lungsod at lugar na ninanais niyang puntahan.
2 祂對他們說:「莊稼多而工人少,所以你們應當求莊稼的主人,派遺工人來,收割祂的莊稼。
Sinabi niya sa kanila, “Marami ang aanihin, ngunit ang manggagawa ay kakaunti. Kaya nga madaliing manalangin sa Panginoon ng ani, upang magpadala siya ng manggagawa sa kaniyang ani.
3 你們去吧! 看,我你們猶如羔羊往狼群中。
Humayo kayo sa inyong lakad. Tingnan, Sinusugo ko kayo bilang mga tupa sa gitna ng mga lobo.
4 你們不要帶錢囊,不要帶口袋,也不要帶鞋;路上也不要向人請安。
Huwag kayong magdala ng lalagyan ng pera, lalagyang panglakbay, ni mga sandalyas, at huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.
5 不論進了那一家,先說:「願這一家平安! 」
Anumang mga bahay na inyong tutuluyan, una ninyong sabihin, 'Magkaroon nawa ng kapayapaan sa bahay na ito.'
6 那裡如有和和平之子,你們的平安就要停留在他身上;否則仍歸於你們。
Kung ang isang taong payapa ay naroon, ang inyong kapayapaan ay mapapasakaniya, ngunit kung hindi, ito ay babalik sa iyo.
7 你們要住在那一家,吃喝他們所供給的,因為工人自當有他的工資;你們不可從這一家挪到那一家。
Manatili kayo sa bahay na iyon, kumain at uminom ng anumang ibigay nila, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang sahod. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay.
8 不論進了那座城,人若接納你們,給你們擺上什麼,你們就吃什麼。
Sa lungsod na inyong tutuluyan, at kayo ay tinanggap, kumain kayo ng anumang ihain sa inyong harapan,
9 要醫治城中的病人,並給他們說:天主國已經臨近你們了。
at pagalingin ninyo ang may sakit na naroroon. Sabihin niyo sa kanila, 'Ang kaharian ng Diyos ay malapit na sa inyo.'
10 不論進了那座城,人如不接納你們,你們就出來,到街市上說:
Ngunit sa anumang mga lungsod na inyong pupuntahan, at hindi nila kayo tinanggap, pumunta kayo sa mga lansangan nito at sabihin,
11 連你們城中粘在我們腳上的塵土,我們也要給你們拂下來;但是你們當知道:天主的國已經臨近了。
'Kahit ang alikabok mula sa inyong lungsod na kumapit sa aming mga paa ay aming pinupunasan laban sa inyo! Ngunit alamin ito, ang kaharian ng Diyos ay malapit na.'
12 我告訴你們:在那一日,索多瑪所受的懲罰,要比這座城容易忍受。」
Sinasabi ko sa inyo na sa araw ng paghuhukom, higit na mapagtitiisan ang Sodoma kaysa sa lungsod na iyon.
13 苛辣匝因啊,你是禍的了! 貝特賽達啊,你是禍的了! 因為在你們那裡所行的異能,如果行在提洛和漆冬,她們早已披上苦衣,坐在灰塵中,而改過自新了。
Aba sa inyo, Corazin! Aba sa inyo Betsaida! Kung ang makapangyarihang mga gawa na nagawa sa inyo ay nagawa sa Tiro at Sidon, matagal na sana silang nagsisi, na nakaupo sa telang magaspang at sa mga abo.
14 但是在審判時,提洛和漆冬所受的懲罰,要比你們容易忍受。
Ngunit mapagtitiisan pa ang Tiro at Sidon sa panahon ng paghuhukom kaysa sa inyo.
15 還有你葛法翁啊! 莫非你要被高舉到天上嗎﹖將來你必被推下陰府。 (Hadēs g86)
Ikaw, Capernaum, naiisip mo ba na ikaw ay itataas sa langit? Hindi, kayo ay ibababa sa Hades. (Hadēs g86)
16 聽你們的,就是聽我;拒絕你們的,就是拒絕我;拒絕我的,就是拒絕那派遺我的。」
Ang nakikinig sa inyo ay nakikinig sa akin, at ang tumatanggi sa inyo ay tumatanggi sa akin, at ang tumatanggi sa akin ay tumatanggi sa nagsugo sa akin.”
17 那七十二人歡喜地歸來,說:「主,因著你的名號,連惡魔都屈服於我們。」
Bumalik ang pitumpu na may kagalakan, nagsasabing, “Panginoon, kahit ang mga demonyo ay nagpasakop sa amin sa iyong pangalan.”
18 耶穌向他們說:「我看見撒旦如同閃電一般自天跌下。
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Pinanood ko si Satanas na nahulog mula sa langit gaya ng kidlat.
19 看我已經授於你們權柄,使你們踐踏在蛇蠍上,並能制伏仇敵的一切勢力,沒有什麼能傷害你們。
Tingnan, binigyan ko kayo ng kapangyarihan na tapakan ang mga ahas, at ang mga alakdan, at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway, at walang makapananakit sa inyo sa anumang paraan.
20 但是,你們不要因為魔鬼屈服於你們的這件事而喜歡,你們應當喜歡的,乃是因為你們的名字,已經登記在天上了。
Gayon pa man huwag kayong magalak lamang sa mga ito, na ang mga espiritu ay sumusunod sa inyo, ngunit higit na magalak na ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit.”
21 就在那時刻,耶穌因聖神而歡欣說:「父啊! 天地的主宰,我稱謝你,因為你將這些事瞞往了智慧和明達的人,而啟示了給小孩子。是的,父啊! 你原來喜歡這樣做。
Sa parehong oras na iyon, siya ay nagalak nang lubusan sa Banal na Espiritu, at sinabi, “Pinupuri kita, O Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil itinago mo ang mga bagay na ito mula sa matatalino at nakakaunawa, at ipinahayag ang mga ito sa mga walang muwang, tulad ng mga maliliit na bata. Oo, Ama, sapagkat ito ay nakalulugod sa inyong paningin.”
22 我父將一都交給我,除了父,沒有一個認識子是誰,除了子及子所願啟示的人外,也沒有一個認識父是誰的。
''Ang lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin mula sa aking Ama, at walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama, at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak, at kanino man na naisin ng Anak na ipahayag siya.”
23 耶穌轉過身來私下對們徒說:「見你們所見的眼睛是有福的。
Nang humarap siya sa mga alagad, sinabi niya nang bukod, “Pinagpala ang mga nakakakita sa mga bagay na nakikita ninyo.
24 我告訴你們:曾經有許多先知及君王希望看你們所見的,而沒有看見;聽你們所聽的,而沒有聽到。
Sinasabi ko sa inyo, maraming mga propeta at mga hari na hinangad na makita ang mga bagay na inyong nakikita, at hindi nila ito nakita, at marinig ang mga bagay na inyong naririnig, at hindi nila narinig.”
25 有一個法學士起來,試探耶穌說:「師傅,我應當做什麼,才能獲得永生﹖」 (aiōnios g166)
Masdan ito, may isang guro ng kautusan ng Judio na tumindig at sinubukan siya, sinabi, “Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng walang hanggang buhay?” (aiōnios g166)
26 耶穌對他說:「法律上記載了什麼﹖你是怎樣讀的﹖」
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ano ang nakasulat sa kautusan? Paano mo ito binabasa?”
27 他答說:「你應當全心,全靈,全力,全意愛上上,你的天主;並愛近人如你自己。」
Sumagot na nagsabi siya, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong kaisipan, at ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”
28 耶穌向他說:「你答應的對,你這樣做,必得生活。」
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tama ang iyong sinabi. Gawin mo ito, at mabubuhay ka.”
29 但是,他願意顯示自己理直,又對耶穌說:「畢竟誰是我的近人﹖」
Ngunit ang guro na naghahangad na na bigyang katuwiran ang kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, “At sino ang aking kapwa?”
30 耶穌答說:「有一個人從耶路撒冷下來,到了耶利哥,遭遇了強盜;他們剝去他的衣服,並加以擊傷,將他半死半活地丟下走了。
Sumagot na nagsabi si Jesus, “May isang tao na bumaba sa Jerico mula sa Jerusalem. Nahulog siya sa kamay ng mga magnanakaw, na sumamsam sa kaniyang mga ari-arian, at binugbog siya, at iniwan siyang halos patay na.
31 正巧有一個司祭那條上下來,看了看他,便從旁邊走過去。
Nagkataon na may isang pari ang bumaba sa daang iyon, at nang siya ay nakita nito, siya ay dumaan sa kabila ng daan.
32 又有一個肋未人,也是一樣;他到了那裡,看了看他,也從旁邊走過去。
Gayon din naman sa isang Levita, nang siya ay dumating sa lugar at nakita siya, ay dumaan sa kabila ng daan.
33 但有一個撒馬利亞人,路過他那裏,一看見就動了憐憫的心,
Ngunit isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya. Nang makita siya, siya ay nahabag.
34 遂上前,在他的傷處注上油與酒,包紮好了,又扶他騎上自己的牲口,把他帶客店裏,小心照料他。
Lumapit siya sa kaniya at binendahan ang kaniyang mga sugat, nilagyan ng langis at alak ang mga ito. Sinakay siya sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-panuluyan, at inalagaan siya.
35 第二天,取出兩個銀錢交給店主說:請你小心看護他! 不論餘外花費多少,等我回來時,必要補還你。
Nang sumunod na araw, siya ay kumuha ng dalawang denaryo, at ibinigay sa katiwala ng bahay-panuluyan, at sinabi, 'Alagaan mo siya at anumang magagastos mong labis, sa aking pagbalik, babayaran kita.'
36 你以為這三個人中,誰是那遭遇那強盜的近人呢﹖
Sino sa tatlong ito, sa tingin mo, ang naging isang kapwa sa kaniya na nahulog sa mga magnanakaw?”
37 那人答說:「是憐憫他的那人。」耶穌遂給他說:「你去也照樣做吧! 」
Sinabi ng guro, “Ang nagpakita ng awa sa kaniya.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Humayo ka at gayon din ang gawin mo.”
38 他們走路的時候,耶穌進了一個村莊。一個名叫瑪爾大的女人,把耶穌接到家中。
Ngayon sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, siya ay pumunta sa isang nayon, at isang babaeng nagngangalang Marta ang tumanggap sa kaniya sa loob ng kaniyang bahay.
39 她有一個妹妹,名叫瑪利亞,坐在主的腳前聽祂講話。
Mayroon siyang isang kapatid na nagngangalang Maria, na nakaupo sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kaniyang salita.
40 瑪爾大為伺候耶穌,忙碌不已,便上前來說:「主! 我妹妹丟下我一個人伺候,你不介意嗎﹖請叫她來幫助我吧! 」
Ngunit si Marta ay sobrang abala sa paghahanda ng pagkain. Lumapit siya kay Jesus, at sinabi, “Panginoon, pababayaan mo ba na iniwan ako ng aking kapatid na mag-isang maglingkod? Kaya sabihin mo sa kaniya na tulungan ako.”
41 主回答她說:「瑪爾大,瑪爾大! 妳為了許多事操心忙碌,
Ngunit sumagot ang Panginoon at sinabi sa kaniya, “Marta, Marta, masyado kang abala tungkol sa maraming bagay,
42 其實需要的惟有一件。瑪利亞揀選了更好的份,一是不能從她奪去的。」
ngunit iisang bagay lamang ang kinakailangan. Pinili ni Maria kung ano ang pinakamabuti, na hindi makukuha mula sa kaniya.”

< 路加福音 10 >