< ՅՈՎՀԱՆՆՈԻ 11 >

1 Մարիամի եւ անոր քրոջ՝ Մարթայի գիւղէն, Բեթանիայէն, Ղազարոս անունով մէկը հիւանդ էր:
Ngayon, may isang lalaki na nagngangalang Lazaro na may karamdaman. Siya ay mula sa Bethania na ang nayon ni Maria at ng kaniyang babaeng kapatid na si Martha.
2 (Ասիկա այն Մարիամն էր՝ որ օծեց Տէրը օծանելիքով ու սրբեց անոր ոտքերը իր մազերով. անոր եղբայրը՝ Ղազարոս հիւանդ էր: )
Siya rin ang Maria na magpapahid ng mira sa Panginoon at magpupunas gamit ang kaniyang buhok sa mga paa ng Panginoo, siya ang kapatid ni Lazaro na siyang may karamdaman.
3 Ուրեմն իր քոյրերը մարդ ղրկեցին անոր եւ ըսին. «Տէ՛ր, ահա՛ ան՝ որ դուն կը սիրես՝ հիւանդ է»:
At nagpasabi ng mensahe ang magkapatid na babae kay Jesus at sinabi, “Panginoon, tingnan mo, ang iyong minamahal ay may karamdaman.”
4 Երբ Յիսուս լսեց՝ ըսաւ. «Այս հիւանդութիւնը մահուան համար չէ՝ հապա Աստուծոյ փառքին համար, որպէսզի Աստուծոյ Որդին փառաւորուի անով»:
Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya, “Ang karamdamang ito ay hindi magtatapos sa kamatayan, sa halip ito ay para sa kaluwalhatian ng Diyos upang ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito.”
5 Արդարեւ Յիսուս կը սիրէր Մարթան եւ անոր քոյրն ու Ղազարոսը:
Ngayon mahal ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at si Lazaro.
6 Ուրեմն երբ լսեց թէ հիւանդ է, եղած տեղը երկու օր ալ մնաց.
Nang marinig ito ni Jesus, nanatili pa siya ng dalawang araw sa lugar kung nasaan siya.
7 յետոյ ըսաւ աշակերտներուն. «Եկէ՛ք, դարձեալ Հրէաստան երթանք»:
Pagkatapos nito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Tayo nang muli sa Judea.”
8 Աշակերտները ըսին իրեն. «Ռաբբի՛, Հրեաները հի՛մա կը փնտռէին քեզ՝ քարկոծելու համար, ու դա՞րձեալ հոն կ՚երթաս»:
Sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Rabi, ngayon palang ay sinusubukan kang batuhin ng mga Judio, at babalik ka ba muli roon?
9 Յիսուս պատասխանեց. «Օրը տասներկու ժամ չէ՞: Եթէ մէկը ցերեկը քալէ՝ չի սայթաքիր, որովհետեւ այս աշխարհի լոյսը կը տեսնէ.
Sumagot si Jesus, “Hindi ba sa isang araw ay may labingdalawang oras na liwanag? Kapag ang isang tao ay lumalakad samantalang araw, hindi siya matitisod sapagkat nakakakita siya sa pamamagitan ng liwanag ng araw.
10 բայց եթէ մէկը գիշերուան մէջ քալէ՝ կը սայթաքի, որովհետեւ իրեն հետ լոյս չկայ»:
Gayon pa man, kung siya ay lumalakad sa gabi, siya ay matitisod dahil wala sa kaniya ang liwanag.
11 Այս բաները խօսելէ ետք՝ ըսաւ անոնց. «Ղազարոս՝ մեր բարեկամը՝ քնացած է. բայց կ՚երթա՛մ՝ որպէսզի արթնցնեմ զայն»:
Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito, at pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabi niya sa kanila, “Ang ating kaibigan na si Lazaro ay nakatulog, subalit pupunta ako doon upang gisingin siya mula sa kaniyang pagkakatulog.”
12 Իր աշակերտները ըսին. «Տէ՛ր, եթէ քնացած է՝ պիտի առողջանայ»:
Kaya sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Kung si Lazaro ay nakatulog, siya ay gagaling.
13 Յիսուս կը խօսէր անոր մահուան մասին, բայց անոնք կը կարծէին թէ քունո՛վ հանգստանալուն մասին կը խօսէր:
Ngayon, sinabi sa kanila ni Jesus ang tungkol sa kamatayan ni Lazaro, ngunit inakala nilang lahat na ito ay tungkol lamang sa pagpapahinga sa pagtulog.
14 Այն ատեն Յիսուս բացորոշապէս ըսաւ անոնց. «Ղազարոս մեռաւ.
Pagkatapos, sinabi sa kanila ni Jesus nang malinaw, “Si Lazaro ay patay na.”
15 ու ես ուրախ եմ ձեզի համար՝ որ հոն չէի, որպէսզի դուք հաւատաք. բայց եկէ՛ք՝ երթանք անոր»:
Para sa inyong kapakanan, masaya ako na wala ako roon upang kayo ay maniwala. Pumunta tayo sa kaniya.
16 Թովմաս, որ Երկուորեակ կը կոչուէր, ըսաւ աշակերտակիցներուն. «Մե՛նք ալ երթանք՝ որպէսզի մեռնինք անոր հետ»:
Si Tomas na dating tinatawag na Didimo, sinabi niya sa kapwa niya alagad, “Pumunta rin tayo, upang mamatay din tayo kasama ni Jesus.”
17 Երբ Յիսուս եկաւ, գտաւ որ ան արդէն չորս օրէ ի վեր գերեզմանը դրուած էր:
Nang dumating si Jesus, nalaman niya na apat na araw ng nasa libingan si Lazaro.
18 Բեթանիա Երուսաղէմի մօտ էր՝ տասնհինգ ասպարէզի չափ.
Ngayon, malapit ang Bethania sa Jerusalem, mga labinglimang estadio ang layo.
19 եւ Հրեաներէն շատեր եկած էին Մարթայի ու Մարիամի, որպէսզի սփոփեն զանոնք իրենց եղբօր համար:
Maraming mga Judio ang pumunta kina Marta at Maria, upang aliwin sila tungkol sa kanilang kapatid na si Lazaro.
20 Ուստի՝ երբ Մարթա լսեց թէ Յիսուս կու գայ՝ գնաց դիմաւորելու զայն. բայց Մարիամ նստած էր տան մէջ:
At nang marinig ni Marta na paparating si Jesus, pumunta siya at sinalubong siya, ngunit si Maria ay nanatiling nakaupo pa rin sa kanilang bahay.
21 Մարթա ըսաւ Յիսուսի. «Տէ՛ր, եթէ հոս ըլլայիր, եղբայրս չէր մեռներ.
Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung nandito ka lang sana, hindi mamamatay ang kapatid ko.
22 Բայց գիտեմ թէ հիմա ալ՝ դուն ի՛նչ որ խնդրես Աստուծմէ, Աստուած պիտի տայ քեզի»:
Kahit ngayon, alam ko na kahit ano ang iyong hingiin sa Diyos ay ibibigay niya sa iyo.”
23 Յիսուս ըսաւ անոր. «Եղբայրդ յարութիւն պիտի առնէ»:
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang kapatid mo ay babangong muli.”
24 Մարթա ըսաւ անոր. «Գիտեմ թէ յարութեան ժամանակը՝ վերջին օրը՝ յարութիւն պիտի առնէ»:
Sinabi ni Marta sa kaniya, “Alam ko na muli siyang babangon sa muling pagkabuhay sa huling araw.”
25 Յիսուս ըսաւ անոր. «Ե՛ս եմ յարութիւնն ու կեանքը: Ա՛ն որ կը հաւատայ ինծի, թէեւ մեռնի՝ պիտի ապրի.
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay; ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya ay mamamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;
26 Եւ ո՛վ որ կ՚ապրի եւ կը հաւատայ ինծի, յաւիտեա՛ն պիտի չմեռնի: Դուն կը հաւատա՞ս ասոր»: (aiōn g165)
at sinuman ang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamatay. Naniniwala ka ba dito?” (aiōn g165)
27 Ըսաւ անոր. «Այո՛, Տէ՛ր, ես կը հաւատամ թէ դո՛ւն ես Քրիստոսը՝ Աստուծոյ Որդին, որ աշխարհ պիտի գար»:
Sinabi niya sa kaniya, “Oo Panginoon, naniniwala ako na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na siyang paparito sa mundo.”
28 Երբ ըսաւ ասիկա՝ գնաց, ու ծածկաբար կանչեց իր քոյրը՝ Մարիամը, ըսելով. «Վարդապետը եկած է, եւ կը կանչէ քեզ»:
Matapos niyang sabihin ito, umalis siya at tinawag si Maria na kaniyang kapatid, nang sarilinlan. Sinabi niya, “Narito ang Guro at ipinatatawag ka.”
29 Երբ ան լսեց՝ շուտով ոտքի ելաւ ու եկաւ անոր քով:
Nang marinig ito ni Maria, mabilis siyang tumayo at pumunta kay Jesus.
30 Յիսուս դեռ եկած չէր գիւղը, հապա այն տեղն էր՝ ուր Մարթա դիմաւորեց զինք:
Ngayon, hindi pa nakakarating sa nayon si Jesus, kundi nandoon pa rin siya sa lugar kung saan siya kinatagpo ni Marta.
31 Բայց Հրեաները, որ տան մէջ էին անոր հետ եւ կը սփոփէին զայն, երբ տեսան թէ Մարիամ շուտով կանգնեցաւ ու գնաց, իրենք ալ հետեւեցան անոր՝ ըսելով. «Գերեզմանը կ՚երթայ՝ որպէսզի հոն լայ»:
At ang mga Judio na kasama ni Maria sa kanilang bahay, na umaaliw sa kaniya, nang makita nilang nagmamadali siyang tumayo at umalis, sinundan nila siya, inakala nila na pupunta siya sa libingan upang doon umiyak.
32 Իսկ Մարիամ, երբ հասաւ Յիսուսի եղած տեղը ու տեսաւ զինք, անոր ոտքը իյնալով՝ ըսաւ անոր. «Տէ՛ր, եթէ հոս ըլլայիր՝ եղբայրս չէր մեռներ»:
Nang makarating si Maria kung saan naroroon si Jesus, at siya ay nakita niya, nagpatirapa siya sa kaniyang mga paa at sinabi sa kaniya, “Panginoon, kung nandito lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.”
33 Ուրեմն երբ Յիսուս տեսաւ զայն՝ որ կու լար, եւ անոր հետ եկող Հրեաները՝ որոնք կու լային, սրդողեցաւ իր հոգիին մէջ ու վրդովեցաւ,
Nang makita ni Jesus na siya ay umiiyak at ang mga Judio na kasama niya ay umiiyak din, naghinagpis ang kaniyang espirtu at nabagabag;
34 եւ ըսաւ. «Ո՞ւր դրած էք զայն»: Ըսին իրեն. «Տէ՛ր, եկո՛ւր ու տե՛ս»:
sinabi niya, “Saan niyo sya inilibing?” Sinabi nila sa kaniya, “Panginoon, pumarito kayo at tingnan.”
35 Յիսուս լացաւ:
Si Jesus ay tumangis.
36 Ուստի Հրեաները կ՚ըսէին. «Նայեցէ՛ք, ո՜րչափ կը սիրէր զայն»:
Pagkatapos, sinabi ng mga Judio, “Tignan ninyo kung gaano niya kamahal si Lazaro!”
37 Անոնցմէ ոմանք ալ կ՚ըսէին. «Ասիկա՝ որ կոյրին աչքերը բացաւ, չէ՞ր կրնար այնպէս ընել՝ որ ա՛յս ալ չմեռնէր»:
Pero sinabi ng ilan, “Hindi ba kaya ng taong ito na siyang nagmulat ng mga mata ng dati ay bulag, na gawin ring hindi mamatay ang lalaking ito?”
38 Ուրեմն Յիսուս՝ դարձեալ սրդողելով ինքնիր մէջ՝ գնաց գերեզման. ան քարայր մըն էր, որուն վրայ քար մը դրուած էր:
Pagkatapos, habang si Jesus ay muling naghihinagpis, pumunta siya sa libingan. Ngayon ito ay isang kuweba at may isang batong nakatakip dito.
39 Յիսուս ըսաւ. «Վերցուցէ՛ք այդ քարը»: Մեռելին քոյրը՝ Մարթա՝ ըսաւ անոր. «Տէ՛ր, արդէն նեխած պիտի ըլլայ, որովհետեւ չորս օրուան է»:
Sinabi ni Jesus, “Alisin ang bato.” Si Martha, na kapatid ni Lazaro na namatay, ay nagsabi kay Jesus, “Panginoon, sa mga oras na ito ang kaniyang katawan ay naaagnas na, sapagkat apat na araw na ang nakalipas mula nang siya ay mamatay.”
40 Յիսուս ըսաւ անոր. «Քեզի չըսի՞ թէ պիտի տեսնես Աստուծոյ փառքը՝ եթէ հաւատաս»:
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Hindi ko ba sinabi sa iyo na kung ikaw ay maniwala makita mo ang kaluwalhatian ng Diyos?”
41 Ուստի վերցուցին քարը: Յիսուս բարձրացուց իր աչքերը եւ ըսաւ. «Հա՛յր, շնորհակալ եմ քեզմէ՝ որ լսեցիր զիս:
Kaya inalis nila ang bato. Tumingala si Jesus at sinabi, “Ama, nagpapasalamat ako sa iyo dahil pinakinggan mo ako.
42 Ու ես գիտէի թէ ամէն ատեն կը լսես զիս. բայց ըսի շուրջս կայնող բազմութեան համար, որպէսզի հաւատան թէ դո՛ւն ղրկեցիր զիս»:
Alam ko na lagi mo akong pinakikinggan, pero ito ay dahil sa mga taong nakatayong palibot sa akin kaya sinabi ko ito, upang maniwala sila na isinugo mo ako.”
43 Ասիկա ըսելէն ետք՝ բարձրաձայն պոռաց. «Ղազարո՛ս, դո՛ւրս եկուր»:
Matapos niyang sabihin ito, sumigaw siya nang may malakas na boses, “Lazaro, lumabas ka!”
44 Մեռելն ալ ելաւ՝ ոտքերն ու ձեռքերը պատանքով կապուած, եւ դէմքը՝ վարշամակով պատուած: Յիսուս ըսաւ անոնց. «Արձակեցէ՛ք զինք, ու թո՛յլ տուէք որ երթայ»:
Lumabas ang patay na lalaki, na nakabalot ang mga kamay at mga paa ng damit panglibing at ang kaniyang mukha ay nababalot din ng tela. Sinabi ni Jesus sa kanila, kalagan ninyo siya at pakawalan.”
45 Հրեաներէն շատեր՝ որ եկած էին Մարիամի քով, երբ տեսան Յիսուսի ըրածը՝ հաւատացին իրեն:
At ang maraming Judio na pumunta kay Maria at nakita kung ano ang ginawa ni Jesus, ay sumampalataya sa kaniya;
46 Բայց անոնցմէ ոմանք գացին Փարիսեցիներուն ու պատմեցին անոնց Յիսուսի ըրածը:
ngunit may ilan sa kanila ang umalis papunta sa mga Pariseo at sinabi ang mga ginawa ni Jesus.
47 Ուստի քահանայապետներն ու Փարիսեցիները ժողով գումարեցին՝՝ եւ ըսին. «Ի՞նչ ընենք, քանի որ այս մարդը բազմաթիւ նշաններ կ՚ընէ:
At tinipon ng mga pinunong pari at ng mga Pariseo ang konseho at sinabi, “Ano ang ating gagawin? Ang taong ito ay maraming ginagawang mga tanda.
48 Եթէ թոյլ տանք անոր՝ որ այսպէս շարունակէ, բոլորն ալ պիտի հաւատան անոր, ու Հռոմայեցիները պիտի գան եւ կործանեն մեր տեղն ու ազգը»:
Kung hahayaan natin siyang mag-isa katulad ng ganito, lahat ay maniniwala sa kaniya; ang mga Romano ay paparito at kukunin ang ating lugar at gayon din ang ating bansa.
49 Անոնցմէ մէկը՝ Կայիափա անունով, որ այդ տարուան քահանայապետն էր, ըսաւ անոնց.
Gayon pa man, may isang lalaki sa kanila, si Caifas na ang pinakapunong pari nang taong iyon ay nagsabi sa kanila, “Wala kayong nalalaman.
50 «Դուք ոչինչ գիտէք, ու չէք ալ մտածեր թէ աւելի օգտակար է մեզի՝ որ մէ՛կ մարդ մեռնի ժողովուրդին համար, եւ ամբողջ ազգը չկորսուի»:
Hindi ba ninyo iniisip na ito ay naaangkop na may isang taong dapat mamatay para sa mga tao kaysa ang buong bansa ang mamatay.”
51 Բայց այս բանը ո՛չ թէ ինքնիրմէ ըսաւ, հապա այդ տարուան քահանայապետը ըլլալով՝ մարգարէացաւ թէ Յիսուս պիտի մեռնէր ազգին համար.
Ngayon, sinabi niya ito hindi sa kaniyang sariling pagkukusa; sa halip, dahil siya ang pinakapunong pari ng taong iyon, nagpropesiya siya na si Jesus ay dapat mamatay para sa bansa,
52 եւ ո՛չ միայն ազգին համար, այլ նաեւ հաւաքելով միացնելու համար Աստուծոյ ցրուած որդիները:
at hindi para sa bansa lamang, kundi upang tipunin din ni Jesus ang mga anak ng Diyos na nakakalat sa iba't ibang lugar.
53 Ուրեմն այդ օրէն ետք խորհրդակցեցան՝ որ սպաննեն զայն:
Kaya mula ng araw na iyon ay pinagplanuhan na nila kung paano papatayin si Jesus.
54 Ուստի ա՛լ Յիսուս բացորոշապէս չէր շրջեր Հրեաներուն մէջ, հապա անկէ գնաց անապատին մօտ երկրամաս մը, քաղաք մը՝ որ Եփրայիմ կը կոչուէր, եւ հոն կեցաւ իր աշակերտներուն հետ:
Hindi na naglalakad ng hayag si Jesus sa gitna ng mga Judio, ngunit umalis siya doon at pumunta sa isang bansa na malapit sa ilang sa isang bayan na tinatawag na Efraim. Doon ay nanatili siya kasama ang mga alagad.
55 Երբ Հրեաներուն Զատիկը մօտեցաւ, այդ երկրամասէն շատեր Երուսաղէմ բարձրացան Զատիկէն առաջ՝ որպէսզի մաքրագործեն իրենք զիրենք:
Ngayon ang Paskwa ng mga Judio ay nalalapit na, marami ang pumunta sa Jerusalem mula sa mga bansa upang linisin ang kanilang mga sarili.
56 Ուստի կը փնտռէին Յիսուսը, ու տաճարին մէջ կեցած ատեն՝ կ՚ըսէին իրարու. «Ի՞նչ է ձեր կարծիքը. արդեօք բնա՛ւ պիտի չգա՞յ այս տօնին»:
Hinahanap nila si Jesus, at pinag-uusapan nila sa isa't isa habang sila ay nakatayo sa templo, “Ano sa inyong palagay? Hindi kaya siya darating sa kapistahan?”
57 Իսկ քահանայապետներն ու Փարիսեցիները պատուիրեր էին, որ եթէ մէկը գիտնայ անոր ո՛ւր ըլլալը՝ ցոյց տայ, որպէսզի ձերբակալեն զայն:
Ngayon, ipinag-utos ng mga punong pari at mga Pariseo na kung sinuman ang nakakaalam kung nasaan si Jesus ay ipagbigay-alam nila ito upang sa gayon maaari nila siyang dakipin.

< ՅՈՎՀԱՆՆՈԻ 11 >