< ԳՈՐԾՔ ԱՌԱՔԵԼՈՑ 10 >

1 Մարդ մը կար Կեսարիայի մէջ՝ Կոռնելիոս անունով, հարիւրապետ՝ Իտալական կոչուած գունդին մէջ,
Ngayon may isang tao sa lungsod ng Cesarea, na nagngangalang Cornelio, isang senturiong tinawag na hukbong Italyano.
2 բարեպաշտ, եւ աստուածավախ՝ իր ամբողջ տունով. ան շատ ողորմութիւններ կու տար ժողովուրդին ու ամէն ատեն կ՚աղերսէր Աստուծոյ:
Siya ay isang maka-diyos, na sumasamba sa Diyos kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan; siya ay nagbigay ng malaking halaga ng salapi sa mga Judio at palaging nananalangin sa Diyos.
3 Գրեթէ օրուան իններորդ ժամուն՝՝ տեսիլքի մէջ ան բացայայտօրէն տեսաւ Աստուծոյ հրեշտակը, որ մտաւ իր քով եւ ըսաւ իրեն. «Կոռնելիո՛ս»:
Bandang alas tres ng hapon, malinaw niyang nakita sa pangitain ang isang anghel ng Diyos na papalapit sa kaniya. Ang sabi ng anghel sa kaniya, “Cornelio!”
4 Երբ ակնապիշ նայեցաւ անոր՝ վախցած ըսաւ. «Ի՞նչ է, Տէ՛ր»: Իսկ ան ըսաւ անոր. «Քու աղօթքներդ ու ողորմութիւններդ բարձրացան Աստուծոյ առջեւ՝ յիշատակի համար:
Tumitig si Cornelio sa anghel at takot na takot na sinabi, “Ano po iyon, ginoo?” Sinabi ng anghel sa kaniya, “Ang iyong mga panalangin at mga kaloob sa mga mahihirap ay pumaitaas bilang alaala na alay sa harapan ng Diyos.
5 Հիմա մարդի՛կ ղրկէ Յոպպէ, եւ կանչէ՛ Սիմոն անունով մէկը՝ որ Պետրոս մականուանեալ է:
Ngayon magpadala ka ng mga lalaki sa lungsod ng Joppa upang sunduin ang lalaking nagngangalang Simon, na pinangalanan ding Pedro.
6 Ան հիւրընկալուած է Սիմոն անունով կաշեգործի մը քով, որուն տունը ծովուն մօտ է»:
Siya ay naninirahan sa bahay ng mambibilad ng balat ng hayop na si Simon, na ang bahay ay nasa tabing dagat.”
7 Երբ իրեն հետ խօսող հրեշտակը մեկնեցաւ, կանչեց իր տան ծառաներէն երկուքը, նաեւ իրեն տրամադրուած զինուորներէն բարեպաշտ մէկը՝՝,
Nang makaalis ang anghel na kumausap sa kaniya, tinawag ni Cornelio ang dalawa sa kaniyang mga tagapaglingkod sa bahay, at isang sundalo na sumasamba sa Diyos na kabilang sa mga sundalong naglilingkod rin sa kaniya.
8 եւ ամէն բան պատմելով՝ ղրկեց զանոնք Յոպպէ:
Sinabi ni Cornelio sa kanila ang lahat nang nangyari at sila ay pinapunta sa Joppa.
9 Հետեւեալ օրը, մինչ անոնք կը ճամբորդէին ու կը մօտենային քաղաքին, Պետրոս՝ վեցերորդ ժամու՝՝ ատենները՝ տանիքը բարձրացաւ աղօթելու:
Bandang tanghali kinabukasan, sa kanilang paglalakbay papalapit sa lungsod, si Pedro ay pumunta sa bubungan upang manalangin.
10 Շատ անօթեցած ըլլալով՝ կ՚ուզէր ճաշակել. մինչ ճաշը կը պատրաստուէր, վերացում ունեցաւ:
Nagutom siya at gusto niya ng kumain, ngunit habang nagluluto ang mga tao ng pagkain, nabigyan siya ng isang pangitain,
11 Տեսաւ երկինքը բացուած, ու չորս ծայրերէն կապուած անօթ մը՝ մեծ լաթի մը պէս՝ որ իջաւ երկրի վրայ.
at nakita niyang bumukas ang langit at may isang sisidlan na bumababa mula sa langit, katulad ng isang malaking kumot na ipinababa sa lupa sa pamamagitan ng apat na mga sulok nito.
12 անոր մէջ կային երկրի ամէն տեսակ չորքոտանիները, գազաններն ու սողունները, նաեւ երկինքի թռչունները:
Naroon ang lahat na uri ng hayop na may apat na paa, at mga bagay na gumagapang sa lupa, at mga ibon sa himpapawid.
13 Եւ ձայն մը եկաւ իրեն. «Կանգնէ՛, Պետրո՛ս, մորթէ՛ ու կե՛ր»:
At may tinig na kumausap sa kaniya: “Bumangon ka Pedro, magkatay ka at kumain.”
14 Բայց Պետրոս ըսաւ. «Ամե՛նեւին, Տէ՛ր. որովհետեւ ես բնա՛ւ չեմ կերեր պիղծ կամ անմաքուր բան»:
Ngunit sinabi ni Pedro, “Hindi maaari Panginoon, dahil ni minsan hindi ako kumain ng anumang marumi at hindi malinis.”
15 Դարձեալ ձայնը կրկին եկաւ իրեն. «Ի՛նչ որ Աստուած մաքրեց, դուն պիղծ մի՛ սեպեր»:
Ngunit muli niyang narinig ang tinig sa ikalawang pagkakataon: “Huwag mong ituring na marumi ano man ang nilinis na ng Diyos.”
16 Ասիկա պատահեցաւ երեք անգամ, յետոյ անօթը դարձեալ վերացաւ երկինք:
Nangyari ito nang tatlong beses; at agad na ibinalik sa langit ang sisidlan.
17 Մինչ Պետրոս ինքնիրեն կը տարակուսէր թէ ի՛նչ կրնար ըլլալ իր տեսած այս տեսիլքը, ահա՛ Կոռնելիոսէ ղրկուած մարդիկը՝ հարցնելով Սիմոնի տան մասին՝ կայնեցան դրան առջեւ,
Ngayon habang naguguluhan pa si Pedro tungkol sa kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga lalaki na ipinadala ni Cornelio na nakatayo sa harapan ng tarangkahan, pagkatapos nilang tanungin ang daan patungo sa tahanan.
18 եւ կանչելով հարցափորձեցին. «Սիմոնը, որ Պետրոս մականուանեալ է, հո՞ս հիւրընկալուած է»:
At sila ay tumawag at nagtanong kung naninirahan doon si Simon na tinatawag ding Pedro.
19 Մինչ Պետրոս կը մտածէր տեսիլքին մասին, Սուրբ Հոգին ըսաւ անոր. «Ահա՛ երեք մարդիկ քեզ կը փնտռեն:
Habang iniisip pa rin ni Pedro ang tungkol sa pangitain, sinabi ng Espiritu sa kaniya, “Tingnan mo, may tatlong lalaking naghahanap sa iyo.
20 Հետեւաբար կանգնէ՛, իջի՛ր, ու գնա՛ անոնց հետ՝ առանց տատամսելու, որովհետեւ ե՛ս ղրկեցի զանոնք»:
Bumangon ka at bumaba at sumama sa kanila. Huwag kang matakot na sumama sa kanila, dahil ipinadala ko sila.”
21 Պետրոս ալ իջաւ այդ մարդոց քով՝ եւ ըսաւ. «Ահա՛ ես եմ ա՛ն՝ որ կը փնտռէք. ինչո՞ւ եկած էք»:
Kaya bumaba si Pedro at sinabi sa mga lalaki, “Ako ang hinahanap ninyo. Bakit kayo naparito?”
22 Անոնք ալ ըսին. «Կոռնելիոս հարիւրապետը, արդար ու աստուածավախ մարդ մը՝ բարի վկայուած ամբողջ Հրեաներու ազգէն, պատգամ ստացաւ սուրբ հրեշտակէ մը՝ որ կանչէ քեզ իր տունը եւ լսէ քու խօսքերդ»:
Sinabi nila, “Ang senturion na nagngangalang Cornelio, isang matuwid na tao at sumasamba sa Diyos, at mabuti ang sinasabi tungkol sa kaniya ng lahat ng mga Judio sa bansa, ay sinabihan ng isang banal na anghel ng Diyos na papuntahan ka para isama ka sa kaniyang bahay, upang siya ay makinig ng mensahe mula sa iyo.”
23 Ուստի ներս կանչեց զանոնք ու հիւրընկալեց: Հետեւեալ օրը՝ Պետրոս ելաւ եւ մեկնեցաւ անոնց հետ. իրեն հետ գացին նաեւ Յոպպէէն եղող քանի մը եղբայրներ:
Kaya inanyayahan sila ni Pedro na pumasok at manatili na kasama niya. Kinabukasan bumangon siya at sumama sa kanila, at sinamahan siya ng ilang mga kapatid na taga-Joppa.
24 Յաջորդ օրը մտան Կեսարիա. Կոռնելիոս ալ կը սպասէր անոնց՝ հրաւիրած ըլլալով իր ազգականներն ու մտերիմ բարեկամները:
Noong sumunod na araw, dumating sila sa Cesarea. Hinihintay sila ni Cornelio; tinipon niya ang kaniyang mga kamag-anak at kaniyang mga malalapit na kaibigan.
25 Երբ Պետրոս ներս մտաւ, Կոռնելիոս դիմաւորեց զայն, եւ անոր ոտքը իյնալով կ՚երկրպագէր:
Nangyari nga na nang papasok na si Pedro, sinalubong siya ni Cornelio at lumuhod sa kaniyang paanan para parangalan siya.
26 Բայց Պետրոս ոտքի հանեց զայն՝ ըսելով. «Կանգնէ՛, ես ինքս ալ մարդ եմ»:
Ngunit pinatayo siya ni Pedro at sinabi na, “Tumayo ka; ako rin ay isang tao lamang.
27 Ու անոր հետ խօսակցելով՝ ներս մտաւ, շատեր գտաւ՝ համախմբուած,
Habang nakikipag-usap si Pedro sa kaniya, pumasok siya at natagpuan niya ang napakaraming tao na nagtipon-tipon doon.
28 եւ ըսաւ անոնց. «Դուք գիտէ՛ք թէ օրինաւոր չէ հրեայ մարդու մը՝ հաղորդակցիլ օտարազգիի մը հետ կամ մօտենալ անոր. բայց Աստուած ցոյց տուաւ ինծի որ մարդոցմէ ո՛չ մէկը պիղծ կամ անմաքուր կոչեմ:
Sinabi niya sa kanila, “Batid ninyo mismo na hindi naaayon sa batas para sa isang Judio na makihalubilo o bumisita sa kaninuman galing sa ibang bansa. Ngunit ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat tawagin ang sinuman na marumi o hindi malinis.
29 Ուստի երբ կանչուեցայ՝ եկայ առանց հակաճառութեան. ուրեմն կը հարցնեմ, ի՞նչ բանի համար կանչեցիք զիս»:
Kaya pumunta ako na hindi na nakipagtalo nang ako ay papuntahin dito. Kaya tinatanong ko kayo kung bakit ninyo ako pinapunta.”
30 Կոռնելիոս ալ ըսաւ. «Չորս օր առաջ՝ մինչեւ այս ժամը ծոմ կը պահէի, ու իններորդ ժամուն տանս մէջ կ՚աղօթէի. եւ ահա՛ փայլուն տարազով մարդ մը կայնեցաւ առջեւս ու ըսաւ.
Sinabi ni Cornelio, “May apat na araw na ngayon ang nakakalipas sa ganito ring oras, bandang alas-tres nananalangin ako sa aking bahay; at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa aking harapan na may maliwanag na kasuotan.
31 “Կոռնելիո՛ս, քու աղօթքդ ընդունուեցաւ, եւ ողորմութիւններդ Աստուծոյ առջեւ յիշուեցան:
At sinabi niya, “Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at ang ibinibigay mo sa mga mahihirap ay nagpaalala sa Diyos tungkol sa iyo.
32 Ուրեմն մա՛րդ ղրկէ Յոպպէ ու կանչէ՛ Սիմոնը, որ Պետրոս մականուանեալ է. ան ծովուն մօտ՝ Սիմոն անունով կաշեգործի մը տան մէջ հիւրընկալուած է. երբ գայ՝ պիտի խօսի քեզի”:
Kaya magpadala ka ng tao sa Jopa, at ipatawag ang taong nagngangalang Simon, na tinatawag ding Pedro. Nakikitira siya sa bahay ng isang taong mambibilad ng balat ng hayop na nangngangalang Simon, sa tabing-dagat. (Pagdating niya, kakausapin ka niya.)
33 Ուստի անյապաղ մարդ ղրկեցի քեզի, եւ գոհ եմ՝՝ որ եկար: Ուրեմն հիմա մենք բոլորս ներկայ ենք Աստուծոյ առջեւ՝ լսելու ամէն ինչ որ Աստուծմէ հրամայուած է քեզի»:
kaya agad kitang ipinatawag, mabuti at dumating ka. At ngayon nandito kaming lahat sa harapan ng Diyos upang makinig sa lahat ng mga itinuro sa iyo ng Diyos na sasabihin mo.”
34 Պետրոս բացաւ իր բերանը ու ըսաւ. «Ճշմարտապէս կ՚ըմբռնեմ թէ Աստուծոյ քով աչառութիւն չկայ,
At binuksan ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi, “Sa katotohanan, naunawaan ko ng lubusan na walang tinatangi ang Diyos.
35 հապա ամէն ազգի մէջ իրեն ընդունելի է ա՛ն՝ որ իրմէ կը վախնայ եւ արդարութիւն կը գործէ:
Sa halip, sa bawat bansa ang sinumang sumasamba at gumagawa ng mga matuwid na gawain ay katanggap-tanggap sa kaniya.
36 Այն խօսքը՝ որ Աստուած ղրկեց Իսրայէլի որդիներուն, աւետելու խաղաղութիւնը՝ Յիսուս Քրիստոսի միջոցով, (ա՛ն է բոլորին Տէրը, )
Alam ninyo ang mensahe na ipinadala niya sa mga taga-Israel, nang ipahayag niya ang magandang balita tungkol sa kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na Panginoon ng lahat—
37 դուք լաւ գիտէք այդ խօսքը, որ եղաւ ամբողջ Հրէաստանի մէջ՝ Գալիլեայէն սկսելով, այն մկրտութենէն ետք՝ որ Յովհաննէս քարոզեց:
Alam ninyo mismo ang mga kaganapan na nangyari, na naganap sa buong Judea, na nagsimula sa Galilea, pagkatapos nang pagbautismo na ipinahayag ni Juan;
38 Նազարէթէն եղող Յիսուսը, որ Աստուած օծեց Սուրբ Հոգիով եւ զօրութեամբ, շրջեցաւ բարիք գործելով ու բժշկելով բոլոր Չարախօսէն ճնշուածները, քանի որ Աստուած իրեն հետ էր.
ang mga kaganapan na ukol kay Jesus ng Nazaret, kung paano siya pinuspus ng Diyos ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan. Naglibot siya na gumagawa ng kabutihan at nagpapagaling ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos.
39 եւ մենք վկայ ենք այն բոլոր բաներուն՝ որ ըրաւ Հրէաստանի ու Երուսաղէմի մէջ: Զայն սպաննեցին՝ փայտէն կախելով:
Saksi kami sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa bansa ng mga Judio at sa Jerusalem —itong si Jesus na kanilang pinatay, na binitay sa isang kahoy.
40 Աստուած յարուցանեց զայն երրորդ օրը, եւ բացայայտեց զայն
Itong taong ito ay muling binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at ibinigay siya upang makilala,
41 ո՛չ թէ ամբողջ ժողովուրդին, հապա՝ մեզի - նախապէս Աստուծմէ ընտրուածներուս՝ վկայ ըլլալու -, որ կերանք ու խմեցինք իրեն հետ՝ իր մեռելներէն յարութիւն առնելէն ետք:
hindi sa lahat ng mga tao, kundi sa mga saksi na noon pa man ay pinili na ng Diyos- kami mismo, na kumain at uminom kasama niya pagkatapos niyang muling mabuhay mula sa mga patay.
42 Եւ ինք պատուիրեց մեզի, որ քարոզենք ու վկայենք ժողովուրդին թէ ի՛նք է Աստուծմէ սահմանուած Դատաւորը ողջերուն եւ մեռելներուն:
Inutusan niya kami upang mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang pinili ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay.
43 Բոլոր մարգարէները կը վկայեն անոր մասին թէ ո՛վ որ հաւատայ անոր՝ պիտի ստանայ մեղքերու ներում անոր անունով»:
Ito ay para sa kaniya kaya nagpapatotoo ang mgapropeta, upang ang lahat ng sumasampalataya sa kaniya ay makatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.”
44 Մինչ Պետրոս կ՚ըսէր այս խօսքերը, Սուրբ Հոգին իջաւ բոլոր անոնց վրայ՝ որ կը լսէին խօսքը:
Habang sinasabi pa lamang ni Pedro ang mga bagay na ito, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa lahat ng mga nakikinig sa kaniyang mensahe.
45 Թլփատուածներէն եղող բոլոր հաւատացեալները, որ եկած էին Պետրոսի հետ, զմայլեցան որ հեթանոսներուն վրայ ալ թափուեցաւ Սուրբ Հոգիին պարգեւը.
Ang mga taong napabilang sa mga mananampalatayang tuli—lahat ng mga sumama kay Pedro— ay namangha, dahil ang kaloob ng Banal na Espiritu ay naibuhos din sa mga Gentil.
46 որովհետեւ կը լսէին թէ անոնք կը խօսէին ուրիշ լեզուներով եւ կը մեծարէին Աստուած:
Dahil narinig nila ang mga Gentil na nagsasalita ng iba't-ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Pagkatapos sinabi ni Pedro,
47 Այն ատեն Պետրոս ըսաւ. «Կրնա՞յ մէկը արգիլել, որ ջուրով մկրտուին ասոնք՝ որոնք ստացան Սուրբ Հոգին մեզի պէս»:
“Mayroon bang hahadlang sa mga taong ito upang hindi mabautismuhan sa tubig, ang mga taong ito na nakatanggap ng Banal na Espiritu na katulad natin?”
48 Ու հրամայեց որ մկրտուին Տէրոջ անունով: Այն ատեն խնդրեցին իրմէ՝ որ հոն մնայ քանի մը օր:
At sila ay inutusan niya na magpabautismo sa ngalan ni Jesu-Cristo. At hiniling nila na manatili siya sa kanila ng ilang araw.

< ԳՈՐԾՔ ԱՌԱՔԵԼՈՑ 10 >