< Markos 6 >

1 Yisa nuzu kikane ada kipin me, nono katwa me dofinghe.
Umalis siya doon at pumunta siya sa kaniyang sariling bayan at sumunod ang kaniyang mga alagad.
2 Na liri na Sabbath nda, adursuzo nani nan nya kutin nlira. Indya nanit ale na iwa lanzaghe fiu kifo nani. Iworo, ''Nweri ana se ule udursuze ku?'' Uyapin uyirari ulele na Kutellẹ na nighe? ''Kayapin katwa fiu wari kane adin su nin nachara me?''
Nang dumating ang Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Maraming tao ang nakarinig sa kaniya at namangha sila. Sinabi nila, “Saan niya nakuha ang mga katuruang ito?” “Ano itong karunungan na naibigay sa kaniya?” “Ano itong mga himala na nagagawa niya sa pamamagitan ng kaniyang mga kamay?”.
3 Na unan kisẹ kanere ulele, usaun Maremu, gwanan Yakubu nin Joses, a Yahuda nin Simon ba?''
“Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi ba't kasama natin ang kaniyang mga kapatid na babae dito?” At sumama ang kanilang loob kay Jesus.
4 Yisa woro nani, ''Na unan liru nin nu Kutellẹ din diru ngogong ba, se nan nya kagbiri me nin likura me, a nan nya gamẹ,''
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta ay hindi nawawalan ng parangal, maliban sa kaniyang sariling bayan at sa kaniyang mga kamag-anak at sa kaniyang sariling sambahayan.”
5 Na awa yinin usu kang katwa kadya nan nya kipinme ba, ma anan tikonu batari awa tarda nani achara ishino chas.
Hindi siya makagawa ng kahit na anong makapangyarihang gawain, maliban lamang sa pagpatong ng kaniyang mga kamay sa ilang may sakit at pagalingin sila.
6 Usalin yinnu sa uyenu minere na Yisa ku umamaki. A pira nan nya nigbiri mine adursuzo nani.
Ikinamangha niya ang kanilang kawalan ng pananampalataya. At naglibot siyang nagtuturo sa mga nayon.
7 A yichila nono katwa me likure nin nan waba, a tonani inung nababa, a nani likara kitene tiruhohi tinanzang,
Tinawag niya ang Labindalawa at sinimulan silang isugo ng dalawahan at binigyan niya sila ng kapangyarihan laban sa maruruming espiritu,
8 a ta nani ligan na iwa yiru imomon ba se ucan ncin. Na iwa yiru imonli sa nka likura, sa ikurfung najip mine ba,
at ipinagbilin niya sa kanila na huwag magdala ng kahit ano sa kanilang paglalakbay maliban lamang sa tungkod, walang tinapay, walang sisidlan at wala ring pera nailalagay sa kanilang sinturon,
9 ima shonu akpatak nabunu mine, ba nin nalutuk aba.
kundi magsuot ng sandalyas at huwag magsuot ng dalawang tunika.
10 A woro nani ''Asa ipira kilari, iso ku udu lirin gyu mine.
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Sa tuwing papasok kayo sa isang bahay, manatili kayo doon hanggang makaalis kayo sa lugar na iyon.
11 Andi nkan kiti nnari useru munu, sa inari ulanzu munu, asa iba gyu kitẹ, ikotino lidau nabunu mine kitẹ, unan so imon bellu nati mine,'' Ndin belu minu kidegen, Usodom nin Gomora ma katunu nin lanzu nmang liri nshara nin kagbiri kane.
At kung mayroong bayan na hindi tatanggap o makikinig sa inyo, umalis kayo sa lugar na iyon, pagpagin ninyo ang alikabok mula sa inyong mga paa bilang patotoo sa kanila.
12 Inuzu idin bellu anit icin alapi mine.
Humayo sila at inihayag na dapat talikuran ng mga tao ang kanilang mga kasalanan.
13 Inutuzuno agbergenu gbardang, itinto anan tikonu, ishizuno nin ghinu gbardang.
Pinalayas nila ang maraming demonyo at pinahiran nila ng langis ang mga taong may sakit at pinagaling sila.
14 Ugoh Hirdus lanza nani, bara na lisan Yisa wa nuzu kanang. Among yitang du au Yuhana unan sun Mbaptismari ina fyaghe nan nya kisek, bara nanere nta wang adin suzu matiza likara.''
Nabalitaan ito ni Haring Herodes sapagkat kilalang-kilala na ang pangalan ni Jesus. Sinasabi ng iba, “Si Juan na Tagapagbautismo ay binuhay mula sa mga patay at dahil dito, ang mga kamangha-manghang kapangyarihang ito ang kumikilos sa kaniya.”
15 Among mine woro, ''Iliyari di'.'' Among tutung woro au ''Unang kadura Nnu Kutellẹ ari, nafo umong nan nya kaduran nnu Kutellẹ na awadi nanan burnu.''
Sinasabi ng iba, “Siya si Elias.” Sinabi pa ng iba, “Siya ay isang propeta, tulad ng isa sa mga propeta noong sinaunang panahon.”
16 Na Hiridus nlanza nani aworo ''Yuhana na nwan kalaghe liti inan fyaghe.''
Ngunit nang marinig ito ni Herodes, sinabi niya, “Si Juan na pinugutan ko ng ulo ay binuhay.”
17 Ame Hiriduse litime, wa ti ikifo Yuhana ku a tereghe nan nya kilari lichin, bara Hiriduya uwanni gwaname Filibus na awa nutu asu ilugma mun.
Sapagkat mismong si Herodes ang nagpadakip kay Juan at ipinagapos siya sa bilangguan dahil kay Herodias, (asawa ng kapatid niyang si Felipe) dahil naging asawa niya ito.
18 Bara na Yuhane wa bellin Hiridus ku, ''Na uchau nan nya duka uyaun uwannin gwanafine usu ilugma mun ba.''
Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes, “Hindi naaayon sa batas na mapasaiyo ang asawa ng iyong kapatid.”
19 Ame Hiriduya ta tinanayi kitenen lirun Yuhana, atunna a pizira umolughe. Ama na ase libau ba,
Ngunit nagkimkim ng galit si Herodias laban sa kaniya at gusto niya itong patayin, ngunit hindi niya magawa,
20 bara na Hiridus wa din lanzu fiun Yuhanẹ, bara ayiru Yuhana unan lanzun fiu Kutellẹri nin chin ukanang, unere ta Hiriduse gyesheghe bara imoi imon wa seghe. Kube na awa lanza uwazin Yuhana, asa fyaghe kibinayi, vat nanẹ, ata ayi abọ nin lanzun nlirun Yuhana.
sapagkat natatakot si Herodes kay Juan, alam niyang matuwid at banal na tao si Juan, at pinanatili niya itong ligtas. At sa pakikinig nito sa kaniya ay labis siyang nabagabag, subalit siya ay nakinig sa kaniya na may galak.
21 Na lirin nda na Hiriduya nsẹ kubi kongo na aba su imon kibinayi me, abata gai lirin kulu nayiri kumantin, Hiridus asu likanju limang bara Agoh nyi, Agoh likum nan nadidyan Galili, bara liburi libọ lirin maru me.
At dumating ang araw ng pagkakataon nang ipagdiwang ni Herodes ang kaniyang kaarawan at naghanda siya ng hapunan para sa kaniyang mga opisyal, mga pinuno ng mga kawal at mga pinuno ng Galilea.
22 Ushonon Hiriduya da ada su avu nbun mine, ata Hiridus ku nin namara me lanza nmang. Ugoh tunna aworo kuburẹ, ''vat nimon ilenge na udinin suwẹ, tirini nma nifi ining''
Dumating ang mismong anak na babae ni Herodias at sumayaw para sa kanila at naaliw niya si Herodes at kaniyang mga panauhin. At sinabi ng hari sa babae, “Humingi ka ng kahit na anong gusto mo at ibibigay ko ito sa iyo.”
23 A siloghe aworo, vat nimon ile na utirini, nba nifi, adi ma yitu udu kiyitik nayi tigo ning.''
Sumumpa siya sa kaniya at sinabi, “Kahit na anong hingin mo sa akin, ibibigay ko sa iyo, hanggang sa kalahati ng aking kaharian.”
24 A nuzu udas adi woro nname, ''Iyaghari imba tiringhe?'' Unẹ woroghe ''Litin Yuhana unan sun baptisma.''
Lumabas siya at sinabi sa kaniyang ina, “Ano ang dapat kong hingin sa kaniya?” Sinabi niya, “Ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo.”
25 A kpila mass udu nan nya kudarẹ kitin gohwe a woroghe, Ndinin su uni nene litin Yuhana unan sun baptisma nan nya kishik.''
At kaagad siyang pumasok nang nagmamadali papunta sa hari at humingi, sinabi, “Gusto kong ibigay mo sa akin ngayon din ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo na nakalagay sa bandehado.”
26 Imone tunna ita Ugohwẹ yototo, ama bara isilingme nin namara a didyawe, na ayinno unari nimone na kuburen tirino ba.
Lubhang nalungkot ang hari, ngunit dahil sa pangako at sa mga panauhin, hindi niya matanggihan ang kaniyang hinihingi.
27 Ugohwẹ tunna a tọ nkong kusoja nan nya nanan cha nin liru likara a dọ adi kala litin Yuhana a dak mun. Unan chawẹ do adi werin litin Yuhana nan nya kilari lichine.
Kaya pinapunta ng hari ang isang kawal mula sa kaniyang mga bantay at inutusan niyang dalhin sa kaniya ang ulo ni Juan. Pumunta ang kawal at pinugutan siya sa bilangguan.
28 A da nin litẹ na kishik ada na kubure, ame kubure na unamẹ.
Dinala niya ang ulo na nasa bandehado at ibinigay ito sa dalaga at ibinigay ito ng dalaga sa kaniyang ina.
29 Nin lanzu nani, anan katwa me da ida yauna libẹ idi kasu.
At nang marinig ito ng kaniyang mga alagad, pumunta sila at kinuha ang kaniyang katawan at inilagay sa isang libingan.
30 Anan kadurẹ pitiruno atimine kitin Yisa, ibelinghe vat nimon ile na isu nin nilẹ.
Nagtipun-tipon ang mga apostol sa palibot ni Jesus at sinabi sa kaniya ang lahat ng kanilang nagawa at naituro.
31 Aworo ani dan vat min tido likot kiti ka na anit diku ba ida shin baat. ''Bara na among wadi idasu igyiza, na ise kubin shinu sa kun linimonli ba.
At sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo punta tayo sa ilang na lugar at sandaling magpahinga.” Sapagkat maraming dumarating at umaalis, at wala man lamang silang oras para kumain.
32 Itunna igya nan nya zirgin nmyen udu kan kiti tik ussanminu.
Kaya sumakay sila sa bangka papunta sa ilang na lugar.
33 Ama anite yene nani kubin gyiwẹ iyinno. Itunna iwufuani ligowe nin nabunu unuzu nigbiri-nigbiri, idi yarin nani udi durẹ.
Ngunit nakita silang umaalis at maraming nakakilala sa kanila, at nagsitakbo ang mga tao mula sa mga bayan at naunahan nila sina Jesus na dumating doon.
34 Kube na iduru ugauwe, Yisa yene ligozin, alanza inkune kune mine, bara na iwa masin fo ligọ nakam sa unan dortu nighinu. A tunna dursuzu nani nimon gbardang.
Nang makarating na sila sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming tao at nahabag siya sa kanila dahil para silang mga tupa na walang pastol. At sinimulan niyang magturo sa kanila ng maraming bagay.
35 Kiti tunna kita yilili, nono katwa me woroghe, ''kikane kiti kikoneri, tutung kitin mal cizunu usiru.
Nang dapit-hapon na, nagpunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at sinabi, “Ilang ang lugar na ito at gumagabi na.
36 Turno nani idọ na kipin nin nigin gbiri inan disesu umonli usammin.''
Paalisin mo nalang sila upang makapunta sila sa karatig-pook at sa mga nayon upang bumili ng makakain para sa kanilang sarili.”
37 Yisa kpana a woroani, ''Anung na nani imonlẹ ili.''I woroghe, ''Ti wasa tidi seru imonli nakalt aba ibatina naniẹ?''
Ngunit sumagot siya at sinabi sa kanila, “Bigyan ninyo sila ng anumang makakain.” Sinabi nila sa kaniya, “Maaari ba kaming pumunta at bumili ng tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario at ibigay sa kanila upang kainin?”
38 Aworo nani, ''Idin nin nimalak imashina? Chan idi gbin.”''Kube na igbinọ, iworo, imalak itaun nin nibọ iba.''
Sinabi niya sa kanila, “Ilang pirasong tinapay ang mayroon kayo? Pumunta kayo at tingnan ninyo.” Nang napag-alaman nila, sinabi nila, “Limang pirasong tinapay at dalawang isda.”
39 A ta anitẹ vat iso abut-abut kitenen kpi ushifi.
Inutusan niya ang lahat ng tao na umupo ng pangkat-pangkat sa may damuhan.
40 Na isọ abute; among akalt akalt, among akut a taun-taun.
Umupo silang pangkat-pangkat, mga pangkat ng tig-iisang daan at tig-lilimampu.
41 A yauna imalak itaune nin ninbo ibẹ a ghatina kitene kani, a ta nmari ku, anin na nono katwa me ikoso ligozin nanitẹ.
Nang kinuha niya ng limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpasalamatan at pinagpira-piraso niya ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad upang ibigay sa mga tao. At pinaghinati-hati niya ang dalawang isda para sa kanilang lahat.
42 I leo imonli ine vat mine kogha shitu gbem icinọ kagisighe.
Kumain silang lahat hanggang sila ay nabusog.
43 I pitiro kagisighe ita nakuzung likure nin naba.
Tinipun nila ang pinagpira-pirasong tinapay, labindalawang basket ang napuno, kasama na rin ang pinaghati-hating isda.
44 A rika na iwa li imonlẹ, nalililme amui ataunari wadi.
At may limanlibong mga kalalakihan ang kumain ng mga tinapay.
45 A tunna ata anan katwa ipira uzirgi igya nbunme udu uleli uwule, udun Betaseda, ame na lawa kidung nfizu ligonzi nanite igya.
Agad niyang pinasakay ang kaniyang mga alagad sa bangka at pinauna sila sa kabilang dako, sa Betsaida, habang pinaaalis niya ang mga tao.
46 Na iwa malu kiti, a tunna a ghana likup nwo adi ti nlira.
Nang wala na sila, umakyat siya sa bundok upang manalangin.
47 kulele da uzirge nin diyita kitik kulẹ, ame nin di yita usame ndase.
Sumapit ang gabi, nasa kalagitnaan na ng dagat ang bangka, at siya ay nag-iisa sa lupa.
48 Ayene ani idin notuzu kiyitik kulẹ, bara na ufunu wadin yauzunu nani. Kitike wa di kimal fulu kiti kube wa di nafo ikoro inas, awa din chinu kitenen nmgyene uchin du kiti mine, ata nafo aba katuani.
At nakita niyang nahihirapan ang mga alagad habang nagsasagwan dahil ang hangin ay salungat sa kanila. Nang madaling-araw na pumunta siya sa kanila na naglalakad sa dagat at gusto niyang lagpasan sila.
49 Na iyene nchin kitenen kurawe, itunnan su au nmọleri i ta ntẹt,
Ngunit nang makita nilang naglalakad siya sa dagat, naisip nila na isa siyang multo at nagsigawan sila,
50 bara na iwa iyeneghe, fiu kifo nani kang. Ame tunna ata deidei alirina nan ghinu aworo, ''Tan ayi akone! Mẹri di! Na iwa lanza fiu ba.''
dahil nakita at natakot sila sa kaniya. Agad niya silang kinausap at sinabi sa kanila, “Lakasan ninyo ang inyong loob! Ako ito! Huwag kayong matakot!”
51 A pira nan nya zirge ligowe nan ghinu, ufune tunna uyisina dang, vat mine umamaki kifo nani ninghe.
Sumakay siya sa bangka at tumigil ang pag-ihip ng hangin at lubos silang namangha sa kaniya.
52 Bara na iwa yinin ubeleng nakalang nimonli ine ba, nibinayi wa di deidei nyinne ba.
Sapagkat hindi nila naintindihan kung ano ang kahulugan ng tinapay, ngunit mabagal umintindi ang kanilang mga kaisipan.
53 Kube nawa kafin kurawe, ida tolo kagbirin Janisarata inin tere uzurge nmyene kikane.
Nang makatawid na sila, nakarating sila sa lupain ng Genesaret at idinaong nila ang bangka.
54 Na itolo nan nya zirgi nmyene, anite tunna iba yinnọ Yisa ku deidei.
Nang makababa sila sa bangka, agad nilang nakilala siya.
55 A nite tunna ipira udu nan nya kipinẹ vat idin nuchu nin nanan tikonu kitene nawaga mine, idasa mung kitime, ligan kiti ka na iwa lanza anuzu cin due.
At nagtakbuhan sila sa buong rehiyon at nagsimulang dalhin sa kaniya ang mga may sakit na nasa higaan, saan man nila mabalitaan na siya ay pupunta.
56 Vat kiti ka na awa piru ku nin gin gbiri, sa kagbiri, sa kipin, asa ida chiso anan tikonu nan nya niti tikasau, inin sughe kuchu kusu ayinin nani idi dudo (kubaga) kulutuk chass. Vat ligan nalenge na iwa dudo, iwa se ushinu.
Sa tuwing pumapasok siya sa mga nayon, o sa mga lungsod, o sa mga bayan, inilalagay nila ang mga may sakit sa mga pamilihan at nagmamakaawa sila sa kaniya na payagan man lamang silang hawakan ang laylayan ng kaniyang damit. At lahat ng humawak sa kaniya ay gumaling.

< Markos 6 >