< Efesianëve 6 >

1 Fëmijë, binduni prindërve tuaj në Zotin, sepse kjo është e drejtë.
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang tama.
2 “Ndero babanë tënd dhe nënën tënde”, ky është urdhërimi i parë me premtim,
“Igalang mo ang inyong ama at ina” (na siyang unang kautusan na may pangako),
3 “që ti të jesh mirë dhe të jetosh gjatë mbi dhe”.
“upang maaari itong maging mabuti sa inyo at maaaring mabuhay kayo ng mahaba dito sa mundo.”
4 Dhe ju, etër, mos provokoni për zemërim fëmijtë tuaj, por i edukoni në disiplinë dhe në këshillë të Zotit.
At kayo mga ama, huwag ninyong sulsulan ang inyong mga anak sa galit. Sa halip, palakihin sila na may disiplina at katuruan ng Panginoon.
5 Ju, shërbëtorë, bindjuni zotërinjve tuaj sipas mishit me druajtje dhe dridhje, në thjeshtësinë e zemrës suaj, porsi Krishtit,
Mga alipin, maging masunurin kayo sa inyong mga panginoon sa lupa na may kasamang malalim na paggalang at pagkatakot, sa katapatan ng inyong mga puso. Maging masunurin sa kanila katulad ng pagsunod ninyo kay Cristo.
6 duke mos shërbyer për sy e faqe, si ata që duan t’u pëlqejnë njerëzve, por si shërbëtorë të Krishtit, duke bërë vullnetin e Perëndisë me zemër,
Maging masunurin hindi lamang tuwing nakatingin ang inyong mga panginoon para lang malugod sila. Sa halip, maging masunurin kayo gaya ng alipin ni Cristo. Gawin ninyo ang kalooban ng Diyos mula sa inyong puso.
7 duke shërbyer me dashuri si për Krishtin dhe jo si për njerëzit,
Maglingkod kayo ng buong puso, na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao.
8 duke ditur se gjithsecili, qoftë skllav apo i lirë, po të bëjë të mirën, do të marrë shpërblimin nga Zoti.
Dapat ninyong malaman na anumang mabuting gawa ang ginagawa ng bawat tao, makakatanggap siya ng gantimpala mula sa Panginoon, alipin man siya o malaya.
9 Dhe ju, zotërinj, bëni po kështu ndaj tyre, duke i lënë kërcënimet, duke ditur që i tyre dhe juaji Zot është në qiell dhe se tek ai nuk ka asnjë anësi.
At kayo mga amo, gawin ninyo rin ang ganoong bagay sa inyong mga alipin. Huwag ninyo silang pagbantaan. Alam ninyo na ang Amo nila at ninyo ay parehong nasa langit. Alam ninyo na wala siyang tinatangi.
10 Për çfarë mbetet, vëllezërit e mi, forcohuni në Zotin dhe në forcën e fuqisë së tij.
Sa wakas, magpakatatag kayo sa Panginoon at sa kalakasan ng kaniyang kapangyarihan.
11 Vishni gjithë armatimin e Perëndisë që të mund të qëndroni kundër kurtheve të djallit,
Isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos, upang sa ganoon maaari ninyong malabanan ang mga mapanlinlang na mga balak ng diablo.
12 sepse beteja jonë nuk është kundër gjakut dhe mishit, por kundër principatave, kundër pushteteve, kundër sunduesve të botës së errësirës të kësaj epoke, kundër frymërave të mbrapshta në vendet qiellore. (aiōn g165)
Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo. Sa halip, ito ay laban sa pamahalaan at kapangyarihang espiritwal at mga tagapamahala ng kaharian ng masamang kadiliman, laban sa mga masasamang espiritu sa kalangitan. (aiōn g165)
13 Prandaj merreni të gjithë armatimin e Perëndisë, që të mund të rezistoni në ditën e mbrapshtë dhe të mbeteni më këmbë pasi t’i keni kryer çdo gjë.
Kaya isuot ninyo ang buong baluti ng Diyos upang manatili kayong matatag laban sa masama sa panahong ito ng kasamaan. Pagkatapos ninyong gawin ang lahat ng bagay, magiging matatag kayo.
14 Qëndroni, pra, të fortë, duke patur në ijë brezin e së vërtetës, të veshur me parzmoren e drejtësisë,
Kaya nga magpakatatag kayo. Gawin ninyo ito pagkatapos ninyong maisuot ang sinturon ng katotohanan at maisuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran.
15 dhe duke mbathur këmbët me gatishmërinë e ungjillit të paqes,
Gawin ninyo ito pagkatapos ninyong mailagay sa inyong mga paa ang kahandaan sa pagpapahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan.
16 mbi të gjitha, duke marrë mburojën e besimit, me të cilën mund të shuani të gjitha shigjetat e zjarrta të të ligut.
Sa lahat ng kalagayan kunin ang kalasag ng pananampalataya, kung saan tutupukin ang lahat ng naglalagablab na pana ng masama.
17 Merrni edhe përkrenaren e shpëtimit dhe shpatën e Frymës, që është fjala e Perëndisë,
At kunin ninyo ang helmet ng kaligtasan at ang espada ng Espiritu, ang salita ng Diyos.
18 duke u lutur në çdo kohë dhe me çdo lloj lutjeje dhe përgjërimi në Frymën, duke ndenjur zgjuar për këtë qëllim me çdo ngulmim dhe lutje për të gjithë shenjtorët,
Manalangin kayo sa lahat ng oras ng may panalangin at paghingi. Magbantay kayong lagi ng may buong pagtitiyaga at panalangin para sa lahat ng mga mananampalataya.
19 dhe edhe për mua, që kur të hap gojën time, të më jepet të flas lirësisht për ta bërë të njohur misterin e ungjillit,
At ipanalangin ninyo ako na maibigay sa akin ang mensahe kapag binukas ko ang aking bibig. Ipanalangin ninyo na maipaalam ko nang may katapangan ang nakatagong katotohanan tungkol sa ebanghelyo.
20 për të cilin jam i dërguari në pranga, që të mund të shpall lirësisht, siç e kam për detyrë.
Para ito sa ebanghelyo kaya ako kinatawan na naka-tanikala, upang sa ganito makapagsalita ako nang may katapangan kung ano ang nararapat kong sabihin.
21 Por, që ta dini edhe ju si jam dhe çfarë bëj, Tikiku, vëllai i dashur dhe shërbenjësi besnik në Zotin, do t’ju informojë për të gjitha;
Ngunit upang inyo ding malaman ang aking mga ginagawa at kung ano ang kalagayan ko, si Tiquico, ang minamahal na kapatid at tapat na alipin sa Panginoon ang magpapaunawa sa inyo ng lahat.
22 të cilin pikërisht për këtë qëllim po ju kam dërguar, që të jeni në dijeni të gjendjes sonë dhe të ngushëllojë zemrat tuaja.
Pinadala ko siya sa inyo para sa layuning ito, upang malaman ninyo ang mga bagay tungkol sa amin, at upang maaliw niya ang inyong mga puso.
23 Paqe vëllezërve dhe dashuri me besim nga Perëndia Ati dhe nga Zoti Jezu Krisht.
Mapasainyo nawa mga kapatid ang kapayapaan, at pag-ibig na may kasamang pananampalataya mula sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
24 Hiri qoftë me të gjithë ata që duan Zotin tonë Jezu Krisht me sinqeritet.
Mapasainyo nawa ang biyaya sa mga nagmamahal sa ating Panginoong Jesu-Cristo na may pag-ibig na hindi kumukupas.

< Efesianëve 6 >