< Mga Awit 43 >

1 Hatulan mo ako, O Diyos, at ipagtanggol ang aking kapakanan laban sa makasalanang bansa;
Bring me justice, God, and plead my cause against an ungodly nation.
2 Dahil ikaw ang Diyos ng aking kalakasan; bakit mo ako itinapon palayo? Bakit ako nagluluksa dahil sa pang-aapi ng kaaway?
For you are the God of my strength. Why have you rejected me? Why do I go about in mourning because of the oppression of the enemy?
3 O, ipadala mo ang iyong liwanag at katotohanan; hayaan mong pangunahan nila ako; hayaan mong dalhin ako sa banal mong burol at sa iyong tabernakulo.
Oh, send out your light and your truth, let them lead me. Let them bring me to your holy hill and to your dwelling.
4 Pagkatapos, pupunta ako sa altar ng Diyos, sa Diyos na aking lubos na kaligayahan; at sa aking alpa pupurihin kita, O Diyos, aking Diyos.
Then I will go to the altar of God, to God my exceeding joy. I will praise you with the harp, God, my God.
5 Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa? Bakit ka nababalisa sa aking kalooban? Umasa ka sa Diyos; dahil magpupuri pa ako sa kaniya, siya na aking saklolo at aking Diyos.
Why are you bowed down, my soul? Why are you upset within me? Hope in God, for again I will praise him who is my salvation and my God.

< Mga Awit 43 >