< Mga Awit 145 >

1 Ipagbubunyi kita, aking Diyos na Hari; pupurihin ko ang iyong pangalan magpakailanman.
A psalm of praise. Of David. I will extol you, my God, King; I will bless your name forever and ever.
2 Araw-araw pupurihin kita, pupurihin ko ang ngalan mo magpakailanman.
Every day will I bless you; I will praise your name forever and ever.
3 Dakila si Yahweh at karapat-dapat na papurihan; ang kaniyang kadakilaan ay hindi matatagpuan.
Great is Yahweh and greatly to be praised; his greatness is unsearchable.
4 Ang isang henerasyon ay papupurihan ang iyong mga gawa hanggang sa mga susunod at ipahahayag ang iyong makapangyarihang mga gawa.
One generation will praise your deeds to the next and will proclaim your mighty actions.
5 Magninilay ako sa katanyagan ng iyong kaluwalhatian at sa iyong kahanga-hangang mga gawa.
I will meditate on the majesty of your glory and on your marvelous deeds.
6 (Sila) ay magsasalita tungkol sa iyong makapangyarihang mga gawa; ipahahayag ko ang iyong kaluwalhatian.
They will speak of the power of your awesome works, and I will declare your greatness.
7 Ihahayag nila ang iyong masaganang kabutihan, at (sila) ay aawit tungkol sa iyong katuwiran.
They will declare your abounding goodness, and they will sing about your righteousness.
8 Mapagbigay-loob at maawain si Yahweh, hindi mabilis magalit at sagana sa katapatan sa tipan.
Yahweh is gracious and merciful, slow to anger and abounding in covenant faithfulness.
9 Si Yahweh ay mabuti sa lahat, ang kaniyang mapagmahal na awa ay nasa kaniyang mga gawa.
Yahweh is good to all; his tender mercies are over all his works.
10 Yahweh, ang lahat ng iyong nilikha ay magpapasalamat sa iyo; silang matatapat sa iyo ay pagpapalain ka.
All you have made will give thanks to you, Yahweh; your faithful ones will bless you.
11 Silang matatapat sa iyo ay magsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at (sila) ay magsasabi ng iyong kapangyarihan.
Your faithful ones will speak of the glory of your kingdom, and they will tell of your power.
12 Kanilang ipapakilala ang makapangyarihang mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan at ang maluwalhating kadakilaan ng kaniyang kaharian.
They will make known to mankind God's mighty deeds and the glorious splendor of his kingdom.
13 Ang iyong kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang iyong kapangyarihan ay mananatili sa lahat ng henerasyon.
Your kingdom is an everlasting kingdom, and your dominion endures throughout all generations.
14 Itinataguyod ni Yahweh ang lahat ng bumabagsak at ibinabangon silang mga nanghihinang loob.
Yahweh supports all who are falling and raises up all those who are bent over.
15 Ang mga mata ng lahat ay naghihintay para sa iyo; ibinigay mo sa tamang oras ang kanilang pagkain.
The eyes of all wait for you; you give them their food at the right time.
16 Binuksan mo ang iyong kamay at pinupunan ang nais ng bawat may buhay.
You open your hand and satisfy the desire of every living thing.
17 Si Yahweh ay matuwid sa lahat ng kaniyang kaparaanan at mapagbigay-loob sa lahat ng kaniyang ginagawa.
Yahweh is righteous in all his ways and gracious in all he does.
18 Si Yahweh ay malapit sa lahat ng mga tumatawag sa kaniya, ang lahat ng tumatawag sa kaniya ng may pagtitiwala.
Yahweh is near to all those who call to him, to all who call to him in trustworthiness.
19 Tinutupad niya ang nais na mga nagpaparangal sa kaniya; dinidinig niya ang kanilang iyak at inililigtas (sila)
He fulfills the desire of those who honor him; he hears their cry and saves them.
20 Pinagmamasdan ni Yahweh ang lahat ng nagmamahal sa kaniya, pero siya ang wawasak sa lahat ng masasama.
Yahweh watches over all those who love him, but he will destroy all the wicked.
21 Sasabihin ng aking bibig ang papuri kay Yahweh; hayaang pagpalain ng sanlibutan ang kaniyang banal na pangalan magpakailanman.
My mouth will speak out the praise of Yahweh; let all mankind bless his holy name forever and ever.

< Mga Awit 145 >