< Mga Awit 14 >

1 Sinasabi ng mangmang sa kaniyang puso, “Walang Diyos.” (Sila) ay masama at nakagawa ng kasuklam-suklam na kasalanan; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti. 2 Si Yahweh ay tumingin sa baba mula sa langit sa mga anak ng sangkatauhan para makita kung mayroong sinuman ang nakauunawa, kung sino ang naghahanap sa kaniya. 3 Ang lahat ay tumalikod; ang lahat ay naging marumi; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti, wala, kahit isa. 4 Hindi ba nila alam ang kahit na ano, (sila) na nakagawa ng kasalanan, (sila) na nilalamon ang aking mga tao gaya ng pagkain ng tinapay, pero hindi tumatawag kay Yahweh? 5 (Sila) ay nanginginig ng may pangamba, dahil kasama ng Diyos ang matuwid na kapulungan! 6 Gusto mong hiyain ang taong mahirap kahit na si Yahweh ang kaniyang kanlungan. 7 Oh, ang kaligtasan ng Israel ay manggagaling mula sa Sion! Kapag binalik ni Yahweh ang kaniyang bayan mula sa pagkakabihag, magagalak si Jacob at matutuwa ang Israel!

< Mga Awit 14 >