< Mga Awit 136 >

1 O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
Célébrez Yahweh, car il est bon, car sa miséricorde est éternelle.
2 O, magpasalamat sa Diyos ng mga diyos, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
Célébrez le Dieu des dieux, car sa miséricorde est éternelle.
3 O, magpasalamat sa Panginoon ng mga panginoon, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
Célébrez le Seigneur des seigneurs, car sa miséricorde est éternelle.
4 Sa kaniya na nag-iisang gumagawa ng labis na kamanghaan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
A celui qui seul opère de grands prodiges, car sa miséricorde est éternelle.
5 sa kaniyang karunungan ginawa ang kalangitan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Qui a fait les cieux avec sagesse, car sa miséricorde est éternelle.
6 sa kaniya na nagkalat ng lupa sa ibabaw ng katubigan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Qui a étendu la terre sur les eaux, car sa miséricorde est éternelle.
7 sa kaniya na gumawa ng kahanga-hangang mga liwanag, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Qui a fait les grands luminaires, car sa miséricorde est éternelle.
8 ng araw na naghahari sa umaga, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Le soleil pour dominer sur le jour, car sa miséricorde est éternelle.
9 ng buwan at bituin na naghahari sa gabi, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
La lune et les étoiles pour dominer sur la nuit, car sa miséricorde est éternelle.
10 na siyang pumatay sa mga panganay na anak ng Ehipto, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
A celui qui frappa les Egyptiens dans leurs premiers-nés, car sa miséricorde est éternelle.
11 at naglabas sa Israel mula sa kanila, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Il fit sortir Israël du milieu d'eux, car sa miséricorde est éternelle.
12 na may malakas na kamay at nakataas na braso, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
D'une main forte et d'un bras étendu, car sa miséricorde est éternelle.
13 na siyang naghati sa dagat na Pula dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
A celui qui divisa en deux la mer Rouge, car sa miséricorde est éternelle.
14 at nagawang padaanin ang Israelita sa kalagitnaan nito, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Qui fit passer Israël au travers, car sa miséricorde est éternelle.
15 pero ipinatapon ang Paraon at ang kaniyang hukbo sa dagat na Pula, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Et précipita Pharaon et son armée dans la mer Rouge, car sa miséricorde est éternelle.
16 siya na nagdala sa kaniyang bayan sa ilang, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
A celui qui conduisit son peuple dans le désert, car sa miséricorde est éternelle.
17 siya na nagpapatay sa mga dakilang hari, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Qui frappa de grands rois, car sa miséricorde est éternelle.
18 at pinatay ang tanyag na mga hari, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Et fit périr des rois puissants, car sa miséricorde est éternelle.
19 sina Sihon hari ng mga Amoreo, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Séhon, roi des Amorrhéens, car sa miséricorde est éternelle.
20 at Og hari ng Bashan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Et Og, roi de Basan, car sa miséricorde est éternelle.
21 at binigay ang kanilang lupain bilang pamana, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
Qui donna leur pays en héritage, car sa miséricorde est éternelle.
22 isang pamana sa Israel na kaniyang lingkod, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—
En héritage à Israël, son serviteur, car sa miséricorde est éternelle.
23 siyang umalala sa atin at tumulong sa ating kahihiyan, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay nananatili magpakailanman—
A celui qui se souvint de nous quand nous étions humiliés, car sa miséricorde est éternelle.
24 at siyang nagbigay sa atin ng katagumpayan sa ating mga kaaway, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay nananatili magpakailanman—
Et nous délivra de nos oppresseurs, car sa miséricorde est éternelle.
25 siyang nagbibigay ng pagkain sa lahat ng nabubuhay, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay nananatili magpakailanman.
A celui qui donne à tout ce qui vit la nourriture, car sa miséricorde est éternelle.
26 O, magpasalamat sa Diyos sa langit, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay nananatili magpakailanman.
Célébrez le Dieu des cieux, car sa miséricorde est éternelle.

< Mga Awit 136 >