< Mga Awit 124 >

1 “Kung wala si Yahweh sa ating panig,” hayaang sabihin ng Israel ngayon, 2 “kung hindi si Yahweh ang nasa ating panig nang lumusob ang mga tao laban sa atin, 3 tiyak lalamunin nila tayo ng buhay nang sumiklab ang kanilang matinding galit laban sa atin. 4 Tatangayin tayo ng tubig; lalamunin tayo ng malakas na agos ng tubig. 5 Pagkatapos lulunurin tayo ng rumaragasang tubig.” 6 Purihin si Yahweh, siyang hindi nagpahintulot na magutay-gutay tayo sa pamamagitan ng kanilang mga ngipin. 7 Nakatakas tayo tulad ng isang ibon mula sa patibong ng mga manghuhuli; ang patibong ay nasira at tayo ay nakatakas. 8 Ang ating saklolo ay na kay Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa.

< Mga Awit 124 >