< Mga Awit 113 >

1 Purihin si Yahweh. Purihin siya, kayong mga lingkod ni Yahweh; purihin ang pangalan ni Yahweh.
Hallelujah. Praise the Lord, you his servants, praise the name of the Lord.
2 Pagpalain ang pangalan ni Yahweh, ngayon at magpakailanman.
The name of the Lord be blessed from now and for evermore.
3 Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito, ang pangalan ni Yahweh ay dapat papurihan.
From sunrise to sunset is the name of the Lord to be praised.
4 Itataas sa lahat ng mga bansa si Yahweh, at umaabot hanggang kalangitan ang kaniyang kaluwalhatian.
High is the Lord above all nations, above the heavens is his glory.
5 Sino ang katulad ni Yahweh ang ating Diyos, na nakaupo sa kataas-taasan,
Who is like the Lord our God, seated on high?
6 na nakatingin sa langit at sa lupa?
He bends down to look at the heavens and earth.
7 Ibinabangon niya ang mahihirap mula sa alabok at itinataas ang nangangailangan mula sa bunton ng abo,
He raises the weak from the dust, he lifts the poor from the dunghill,
8 para siya ay makaupo kasama ng mga prinsipe, mga prinsepe ng kaniyang bayan.
and sets them beside the princes, even the princes of his people.
9 Binibigyan niya ng upuan ang babaeng baog na nasa bahay tulad ng isang masayahing ina ng mga anak. Purihin si Yahweh.
He gives the childless woman a home, and makes her the happy mother of children. Hallelujah.

< Mga Awit 113 >