< Mga Kawikaan 23 >

1 Kapag ikaw ay umupo para kumain kasama ang isang pinuno, magmasid ng mabuti kung ano ang nasa harap mo,
Kad tu sēdies, maizi ēst ar valdnieku, tad ņem labi vērā, kas tavā priekšā.
2 at maglagay ng isang kutsilyo sa iyong lalamunan kung ikaw ay isang tao na gustong kumain ng maraming mga pagkain.
Tu nazi lieci pie savas rīkles, ja esi negausis cilvēks.
3 Huwag naisin ang kaniyang napakasarap na pagkain, dahil ito ay pagkain nang kasinungalingan.
Neiegribies viņa gardumu; jo tā ir viltus maize.
4 Huwag magtrabaho ng sobrang hirap para lang ikaw ay maging mayaman; maging marunong para malaman kung kailan titigil.
Nedzenies bagāts tapt, atmet tādu savu padomu.
5 Kapag ang iyong mga mata ay nagliliwanag sa pera, nawala na ito, at bigla itong nagkakaroon ng mga pakpak at lumilipad sa himpapawid tulad ng isang agila.
Vai tu savām acīm ļausi laisties, kur nav nekā? Jo tas tiešām ņemsies spārnus, kā ērglis, kas pret debesi skrien.
6 Huwag kakainin ang pagkain ng isang masamang tao- isang tao na nakatingin nang napakatagal sa iyong pagkain- at huwag naisin ang kaniyang masarap na mga pagkain,
Neēd tā maizi, kam skaudīga acs, un nekāro viņa gardumus;
7 sapagkat siya ang uri ng tao na inaalam ang halaga ng pagkain. “Kumain at uminom!” sabi niya sa iyo, pero ang kaniyang puso ay wala sa iyo.
Jo kādas viņa sirds domas, tāds viņš ir. „Ēd un dzer!“tā viņš tev saka, bet viņa sirds nav ar tevi.
8 Iyong isusuka ang kakaunting kinain mo, at sasayangin mo ang iyong mga mabubuting sasabihin.
Tavi kumosi, ko tu ieēdis, tev būs jāaizvemj, un tavi mīlīgie vārdi būs bijuši veltīgi.
9 Huwag magsasalita na naririnig ng isang mangmang, sapagkat kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
Nerunā priekš ģeķa ausīm; jo viņš tik nievās tavus prātīgos vārdus.
10 Huwag mong aalisin ang sinaunang hangganang bato o angkinin ang mga bukirin ng mga ulila,
Neatcel vecās robežas un nenāc uz bāreņu tīrumiem;
11 sapagkat ang kanilang Tagapagligtas ay malakas, at ipangangatuwiran niya ang kanilang kapakanan laban sa iyo.
Jo viņu atriebējs ir varens; tas iztiesās viņu tiesu pret tevi.
12 Ilagay ang iyong puso sa pagtuturo at buksan ang iyong mga tainga sa mga salita ng karunungan.
Loki savu sirdi pie pamācīšanas un savas ausis pie prātīgas valodas.
13 Huwag pigilin ang disiplina sa isang bata,
Neatrauj bērnam pārmācību; ja tu viņu ar rīkstēm šaustīsi, tad tādēļ jau nemirs.
14 dahil kung siya ay iyong papaluin, siya ay hindi mamamatay. Kung siya ay iyong papaluin, iyong ililigtas ang kaniyang kaluluwa mula sa sheol. (Sheol h7585)
Tu viņu šaustīsi ar rīkstēm un izglābsi viņa dvēseli no elles. (Sheol h7585)
15 Aking anak, kung ang iyong puso ay marunong, sa gayon ang aking puso ay magiging masaya rin;
Mans dēls, ja tava sirds gudra, tad mana sirds priecāsies, tiešām tā priecāsies;
16 ang aking kaloob-looban ay magagalak kapag ang iyong labi ay magsasalita ng nang matuwid.
Un manas īkstis no prieka lēks, ja tavas lūpas runās skaidrību.
17 Huwag mong hayaang mainggit ang iyong puso sa mga makasalanan, pero magpatuloy sa takot kay Yahweh sa buong araw.
Lai tava sirds nedeg uz grēciniekiem; bet turies vienmēr Tā Kunga bijāšanā.
18 Siguradong may kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
Jo tiešām nāks pastara diena, un tava gaidīšana nebūs veltīga.
19 Makinig, aking anak, at maging matalino at patnubayan ang iyong puso sa daan.
Klausies tu, mans bērns, un esi gudrs un turi savu sirdi taisnā ceļā.
20 Huwag makikisama sa mga lasenggero, o sa mga matatakaw na kumakain ng karne,
Neesi ar vīna dzērājiem, kas rijot savu pašu miesu rij;
21 dahil ang lasenggero at ang matakaw ay nagiging mahirap, at ang naiidlip ay madadamitan ng mga basahan.
Jo dzērājs un rijējs panīks, un paģiras vilks skrandas mugurā.
22 Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya.
Klausi savam tēvam, kas tevi dzemdinājis, un nenicini savu māti, kad tā būs veca.
23 Bilhin ang katotohanan, ngunit huwag itong ipagbili; bilhin ang karunungan, disiplina at pang-unawa.
Pērc patiesību, un nepārdod gudrību, pamācīšanu un atzīšanu.
24 Ang ama ng isang gumagawa ng matuwid ay labis na magagalak at siya na nag-alaga sa isang matalinong bata ay matutuwa sa kaniya.
Ar lielu prieku priecāsies taisnā tēvs, un kas gudru dzemdina, tas līksmosies par viņu.
25 Hayaang matuwa ang iyong ama at ang iyong ina at hayaang magsaya ang siyang nagsilang sa iyo.
Lai tavs tēvs un tava māte priecājās, un lai līksmojās, kas tevi dzemdējusi.
26 Aking anak, ituon mo sa akin ang iyong puso, at hayaan mong mamasdan ng iyong mga mata ang aking mga paraan.
Dod man savu sirdi, mans dēls, un lai mans ceļš tavām acīm labi patīk.
27 Dahil ang isang bayarang babae ay isang malalim na hukay at ang asawa ng ibang lalaki ay isang makitid na hukay.
Jo mauka ir dziļa bedre, un sveša sieva šaura aka.
28 Siya ay nag-aabang katulad ng isang magnanakaw at siya ay nagdadagdag ng bilang ng mga traydor sa sangkatauhan.
Tiešām tā glūn kā laupītājs, un vairo atkāpējus pasaulē.
29 Sino ang may kasawian? Sino ang may kalungkutan? Sino ang may mga laban? Sino ang nagrereklamo? Sino ang may mga sugat na walang dahilan? Sino ang may matang namumula?
Kam gaudas? Kam vaidi? Kam bāršanās? Kam žēlabas? Kam skrambas par velti? Kam neskaidras acis?
30 Silang sugapa sa alak, sila na sinusubukan ang pinaghalong alak.
Tiem, kas pie vīna kavējās, tiem, kas nāk salda dzēriena meklēt.
31 Huwag tumingin sa alak kung ito ay mapula, kung ito ay kumikinang sa tasa at bumaba nang tuloy-tuloy.
Neskaties pēc vīna, ka viņš tāds sarkans, ka biķerī tas zvīļo, ka tik vēlīgi nostaigā lejā.
32 Sa bandang huli ito ay tumutuklaw katulad ng isang ulupong at ito ay kumakagat tulad ng isang ahas.
Pēc viņš dzeļ kā čūska un dur kā odze.
33 Ang iyong mga mata ay makakakita ng kakaibang mga bagay at ang iyong puso ay magsasabi ng napakasamang mga bagay.
Tavas acis skatās pēc svešām sievām, un tava sirds runā netiklību,
34 Ikaw ay magiging gaya ng isang natutulog sa mataas na karagatan o humihiga sa ibabaw ng isang duyan.
Un tu esi, kā kas jūras vidū guļ, un kā kas masta virsgalā guļ.
35 “Tinamaan nila ako!” iyong sasabihin, “pero ako ay hindi nasaktan. Binugbog nila ako, pero hindi ko ito naramdaman. Kailan ako magigising? Maghahanap ako ng isa pang maiinom.”
„Mani sit, bet man nesāp; mani grūsta, bet es nejūtu. Kad jel uzmodīšos? Tad sākšu atkal no gala!“

< Mga Kawikaan 23 >