< Panaghoy 4 >

1 Ganap na nawalan ng kinang ang ginto; nagbago ang pinakadalisay na ginto. Naibuhos ang mga banal na bato sa dulo ng bawat lansangan.
Wie ist das Gold verdunkelt, das gute, lautere Gold verändert, wie sind die Steine des Heiligtums an aller Gassen Anfang hingeschüttet!
2 Mahalaga ang mga anak na lalaki ng Zion, higit na mahalaga kaysa sa dalisay na ginto. Ngunit ngayon itinuturing silang walang halaga kundi gaya ng mga tapayan na gawa sa pamamagitan ng mga kamay ng magpapalayok.
Die köstlichen Söhne Zijons, mit feinem Golde aufgewogen, wie werden sie wie irdene Krüge, das Werk der Hände des Töpfers, geachtet.
3 Maging ang mga asong gubat ay nagpakita ng suso upang pasusuhin ang kanilang mga anak, ngunit ang anak na babae ng aking mga tao ay gaya ng mabagsik na ostrits sa ilang.
Selbst die Walfische reichen ihre Brust, sie säugen ihre Jungen; meines Volkes Tochter ist grausam geworden, wie Käuzlein in der Wüste.
4 Nakadikit sa ngalangala ng kaniyang bibig ang dila ng sumususong sanggol dahil sa uhaw; humihingi ng tinapay ang mga bata, ngunit wala ng para sa kanila
Die Zunge des Säuglings klebt vor Durst an seinem Gaumen. Die Kindlein fragen nach Brot, doch niemand reicht es ihnen dar.
5 Napabayaan ngayon ang mga taong kumakain dati ng mamahaling pagkain, na nagugutom sa mga lansangan; silang mga nagsuot ng matingkad na pulang kasuotan ay nasa ibabaw na ngayon ng tambak ng basura.
Die Leckerbissen aßen, werden auf den Gassen verwüstet, und die in Scharlach auferzogen wurden, umarmen Kothaufen.
6 Ang mabigat na pagkakasala ng anak na babae ng aking mga tao ay higit na malaki kaysa sa kasalanan ng Sodoma, na itinapon sa isang iglap, bagaman walang mga kamay na sumunggab sa kaniya.
Die Missetat der Tochter meines Volkes ist größer geworden denn die Sünde Sodoms, das wie im Augenblick ward umgekehrt, und keine Hände gestalteten es.
7 Makinang tulad ng niyebe at maputi gaya ng gatas ang kaniyang mga pinuno. Ang kanilang katawan ay mas mapula kaysa sa koral; tulad ng safiro ang kanilang anyo.
Lauterer waren ihre Nasiräer denn Schnee, hellglänzender denn Milch, röter an Gebein denn Edelsteine, ihre Glätte wie Saphir.
8 Pinaitim ng kadiliman ang kanilang itsura ngayon, hindi sila makilala sa mga lansangan, sapagkat kumapit ang kanilang balat sa kanilang tuyong mga buto. Naging gaya ito ng tuyong kahoy!
Finsterer denn Schwärze ist jetzt ihre Gestalt. Man erkennt sie auf den Gassen nicht, ihre Haut hängt fest an ihrem Gebein, verdorrt war es wie Holz.
9 Mas mabuti ang mga napatay sa gutom kaysa sa mga namatay sa pamamagitan ng espada; mas mabuti sila kaysa sa mga nanghihina, tinuhog sa gutom sa kakulangan ng anumang mga ani mula sa mga bukirin.
Besser daran waren die durch das Schwert Erschlagenen, denn die vom Hunger erschlagen, die dahinsinken durchbohrt wegen dem Ertrag des Feldes.
10 Pinakuluan ng mga kamay ng mga mahabaging kababaihan ang kanilang sariling mga anak; ang mga batang ito ang naging pagkain nila sa panahon ng pagkawasak ng anak na babae ng aking mga tao.
Die Hände erbarmungsvoller Weiber kochen ihre Kinder, zur Nahrung sind sie ihnen bei dem Bruch der Tochter meines Volkes.
11 Nasisiyahan si Yahweh sa kaniyang pagkapoot. Ibinuhos niya ang kaniyang nag-aapoy na galit; nagpaningas siya ng apoy sa Zion, at nilamon nito ang kaniyang mga pundasyon.
Vollendet hat Jehovah Seinen Grimm, und die Entbrennung Seines Zorns ausgeschüttet und in Zijon entzündet ein Feuer, das ihre Grundfesten auffraß.
12 Maging ang mga hari sa lupa o sinumang naninirahan sa mundo ay hindi maniniwalang makakapasok sa mga tarangkahan ng Jerusalem ang kalaban at kaaway.
Die Könige der Erde und alle, so in der Welt wohnen, glaubten nicht, daß ein Dränger und Feind werde eingehen in die Tore Jerusalems.
13 Ngunit nagawa nila, dahil sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta, at sa mga mabibigat na pagkakasala ng kaniyang mga pari na nagdanak ng dugo ng matuwid sa kaniyang kalagitnaan.
Ob der Sünden ihrer Propheten, der Missetaten ihrer Priester, die in ihrer Mitte der Gerechten Blut vergossen.
14 Gumagala ngayon ang mga propeta at mga paring iyon sa mga lansangan tulad ng mga bulag na lalaki. Nadungisan sila ng dugong iyon kaya walang sinuman ang maaaring makahawak sa kanilang mga damit.
Blind wanderten in den Gassen sie umher, waren mit Blut befleckt, daß man ihren Anzug nicht zu berühren vermochte.
15 “Magsilayo kayo! Marurumi,” isinisigaw ng mga propeta at mga paring ito. “Magsilayo kayo, magsilayo kayo! Huwag ninyo kaming hawakan!” Kaya nagpagala-gala sila sa ibang mga lupain, ngunit sinasabi maging ng mga Gentil, “Hindi na sila maaaring manirahan dito bilang mga dayuhan.”
Weichet! Ein Unreiner! riefen sie vor ihnen. Weichet, weichet! Rühret nicht an! Wenn sie davongeflohen und fortgewandert sind, sagt man unter den Völkerschaften: Sie sollen nicht länger da sich aufhalten.
16 Ikinalat sila ni Yahweh mula sa kaniyang harapan; hindi na niya sila tinitingnan pa nang may pagpanig. Kailanman walang anumang paggalang ang tumanggap sa mga pari, at hindi na sila nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga nakatatanda.
Jehovahs Angesicht hat sie zerteilt. Nicht länger blickt Er sie an. Das Angesicht der Priester erhoben sie nicht und zeigten keine Gnade den Ältesten.
17 Patuloy na nabigo ang aming mga mata sa paghahanap ng kahit na walang kabuluhang tulong, bagaman sabik silang nagbantay sa isang bansang hindi makapagliligtas sa amin.
Noch waren wir - unsere Augen vergingen wegen unserer nichtigen Hilfe. Wir spähten auf unserer Warte nach einer Völkerschaft, die nicht rettete.
18 Inaabangan nila ang aming mga hakbang patungo sa aming mga lansangan. Malapit na ang aming wakas at natapos na ang aming mga kaarawan, sapagkat dumating na ang aming wakas.
Sie machten Jagd auf unsere Schritte, daß wir nicht in unseren Straßen gingen. Unser Ende war genaht, unsere Tage voll; denn unser Ende war gekommen.
19 Mas matulin pa sa mga agilang nasa alapaap ang aming mga manunugis. Hinahabol nila kami sa mga kabundukan at nag-aabang sila sa amin sa ilang.
Schneller waren unsere Verfolger als des Himmels Adler. Auf den Bergen jagten sie uns nach, lagen im Hinterhalt auf uns in der Wüste.
20 Ang hininga sa mga butas ng aming ilong, ang pinahiran ni Yahweh—na aming hari, ay nahuli sa kanilang mga hukay; siya ang aming hari na aming sinasabi, “'Mabubuhay kami sa ilalim ng kaniyang pangangalaga kasama ng mga bansa.”'
Der Hauch unsrer Nase, der Gesalbte des Jehovah, ist in ihren Gruben gefangen, von Dem wir sagten: In Seinem Schatten wollen wir unter den Völkerschaften leben.
21 Magalak at matuwa, anak na babae ng Edom na naninirahan sa lupain ng Uz, sapagkat dadaan din ang kopa sa iyo. Malalasing ka at huhubaran ang iyong sarili.
Freue dich und sei fröhlich, du Tochter Edoms, die du wohnst im Lande Uz. An dich auch kommt der Becher herüber. Du wirst dich berauschen und entblößen.
22 Natapos na ang iyong kasamaan, anak na babae ng Zion. Hindi ka na niya bibihagin. Ngunit kaniyang parurusahan ang iyong kasamaan, anak na babae ng Edom. Kaniyang ilalantad ang iyong mga kasalanan.
Deine Missetat, Tochter Zijon, ist vollendet. Er läßt dich nicht mehr wegführen. Deine Missetat, Tochter Edoms, sucht Er heim, hat deine Sünden aufgedeckt.

< Panaghoy 4 >