< Juan 16 >

1 Sinabi ko ang mga bagay na ito sa inyo upang hindi kayo matisod.
ܗܠܝܢ ܡܠܠܬ ܥܡܟܘܢ ܕܠܐ ܬܬܟܫܠܘܢ
2 Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga; tunay nga na darating ang oras na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang gumagawa siya ng mabuting gawain para sa Diyos.
ܢܦܩܘܢܟܘܢ ܓܝܪ ܡܢ ܟܢܘܫܬܗܘܢ ܘܬܐܬܐ ܫܥܬܐ ܕܟܠ ܕܢܩܛܘܠܟܘܢ ܢܤܒܪ ܕܩܘܪܒܢܐ ܡܩܪܒ ܠܐܠܗܐ
3 Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila nakikilala ang Ama o ako.
ܘܗܠܝܢ ܢܥܒܕܘܢ ܡܛܠ ܕܠܐ ܝܕܥܘ ܘܠܐ ܠܐܒܝ ܘܠܐ ܠܝ
4 Sinabi ko ang mga bagay na ito sa inyo upang kung ang oras ay dumating para ang mga ito ay mangyari, maaari ninyong maalala ang mga ito at kung paano ko sinabi sa inyo ang mga bagay tungkol sa mga ito. Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito noong simula dahil ako ay kasama ninyo.
ܗܠܝܢ ܡܠܠܬ ܥܡܟܘܢ ܕܡܐ ܕܐܬܐ ܥܕܢܗܝܢ ܬܥܗܕܘܢ ܐܢܝܢ ܕܐܢܐ ܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܗܠܝܢ ܕܝܢ ܡܢ ܩܕܝܡ ܠܐ ܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܕܥܡܟܘܢ ܗܘܝܬ
5 Subalit, ngayon ako ay pupunta sa kaniya na nagsugo sa akin, ngunit wala ni isa man sa inyo ang nagtanong sa akin: “Saan ka pupunta?”
ܗܫܐ ܕܝܢ ܐܙܠ ܐܢܐ ܠܘܬ ܡܢ ܕܫܕܪܢܝ ܘܠܐ ܐܢܫ ܡܢܟܘܢ ܡܫܐܠ ܠܝ ܠܐܝܟܐ ܐܙܠ ܐܢܬ
6 Dahil sa sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito, napuno ng kalungkutan ang inyong puso.
ܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܓܝܪ ܗܠܝܢ ܘܐܬܬ ܟܪܝܘܬܐ ܘܡܠܬ ܠܒܘܬܟܘܢ
7 Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: makabubuti sa inyo na ako ay lumisan; dahil kung hindi ako lilisan; hindi darating sa inyo ang Manga-aliw, subalit kung ako ay lilisan, susuguin ko siya sa inyo.
ܐܠܐ ܐܢܐ ܫܪܪܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܦܩܚ ܠܟܘܢ ܕܐܢܐ ܐܙܠ ܐܢ ܓܝܪ ܐܢܐ ܠܐ ܐܙܠ ܐܢܐ ܦܪܩܠܛܐ ܠܐ ܐܬܐ ܠܘܬܟܘܢ ܐܢ ܕܝܢ ܐܙܠ ܐܫܕܪܝܘܗܝ ܠܘܬܟܘܢ
8 Sa kaniyang pagdating, ipahahayag ng Mangaaliw sa mundo tungkol sa kasalanan, tungkol sa katuwiran at tungkol sa paghuhukom—
ܘܡܐ ܕܐܬܐ ܗܘ ܢܟܤܝܘܗܝ ܠܥܠܡܐ ܥܠ ܚܛܝܬܐ ܘܥܠ ܙܕܝܩܘܬܐ ܘܥܠ ܕܝܢܐ
9 tungkol sa kasalanan, dahil hindi sila naniniwala sa akin,
ܥܠ ܚܛܝܬܐ ܕܠܐ ܡܗܝܡܢܝܢ ܒܝ
10 tungkol sa katuwiran, dahil ako ay pupunta sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita,
ܥܠ ܙܕܝܩܘܬܐ ܕܝܢ ܕܠܘܬ ܐܒܝ ܐܙܠ ܐܢܐ ܘܠܐ ܬܘܒ ܚܙܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܝ
11 at tungkol sa paghuhukom, dahil ang prinsipe ng mundong ito ay nahatulan na.
ܥܠ ܕܝܢܐ ܕܝܢ ܕܐܪܟܘܢܐ ܕܥܠܡܐ ܗܢܐ ܕܝܢ ܗܘ
12 Maraming mga bagay akong sasabihin sa inyo, subalit hindi ninyo mauunawaan ang mga ito sa ngayon.
ܬܘܒ ܤܓܝ ܐܝܬ ܠܝ ܠܡܐܡܪ ܠܟܘܢ ܐܠܐ ܠܐ ܡܫܟܚܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܡܐܚܕ ܗܫܐ
13 Subalit, kapag siya na Espiritu ng Katotohanan ay dumating, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan: dahil hindi siya magsasalita mula sa kaniyang sarili, ngunit anumang mga bagay ang naririnig niya, sasabihin niya ang mga ito, at ihahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.
ܡܐ ܕܐܬܐ ܕܝܢ ܪܘܚܐ ܕܫܪܪܐ ܗܘ ܢܕܒܪܟܘܢ ܒܟܠܗ ܫܪܪܐ ܠܐ ܓܝܪ ܢܡܠܠ ܡܢ ܪܥܝܢ ܢܦܫܗ ܐܠܐ ܟܠ ܕܢܫܡܥ ܗܘ ܢܡܠܠ ܘܥܬܝܕܬܐ ܢܘܕܥܟܘܢ
14 Luluwalhatiin niya ako, dahil kukunin niya ang mga bagay na akin, at ihahayag ang mga ito sa inyo.
ܘܗܘ ܢܫܒܚܢܝ ܡܛܠ ܕܡܢ ܕܝܠܝ ܢܤܒ ܘܢܚܘܝܟܘܢ
15 Ang lahat ng anumang bagay na mayroon ang Ama ay akin. Kaya nga sinabi ko na kukunin ng Espritu ang mga bagay na akin at ihahayag ang mga ito sa inyo.
ܟܠ ܡܕܡ ܕܐܝܬ ܠܐܒܝ ܕܝܠܝ ܗܘ ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܕܡܢ ܕܝܠܝ ܢܤܒ ܘܢܚܘܝܟܘܢ
16 Sa kaunting panahon na lamang, ako ay hindi na ninyo makikita, pagkatapos muli ng kaunting panahon makikita ninyo ako.”
ܩܠܝܠ ܘܠܐ ܬܚܙܘܢܢܝ ܘܬܘܒ ܩܠܝܠ ܘܬܚܙܘܢܢܝ ܕܐܙܠ ܐܢܐ ܠܘܬ ܐܒܐ
17 Ang ilan sa mga alagad ay nagsabi sa isa't -isa, “Ano itong sinasabi niya sa atin, 'Sa kaunting panahon at hindi na ninyo ako makikita,' at muli 'Sa kaunting panahon at makikita ninyo ako' at 'Dahil ako ay pupunta sa Ama?'
ܘܐܡܪܘ ܗܘܘ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܚܕ ܠܚܕ ܡܢܐ ܗܝ ܗܕܐ ܕܐܡܪ ܠܢ ܕܩܠܝܠ ܘܠܐ ܬܚܙܘܢܢܝ ܘܬܘܒ ܩܠܝܠ ܘܬܚܙܘܢܢܝ ܘܕܐܙܠ ܐܢܐ ܠܘܬ ܐܒܝ
18 Kaya nga sinabi nila, “Ano nga ito na sinabi niya, 'Sa kaunting panahon?' Hindi natin alam ang sinasabi niya.”
ܘܐܡܪܝܢ ܗܘܘ ܡܢܐ ܗܝ ܗܕܐ ܩܠܝܠ ܕܐܡܪ ܠܐ ܝܕܥܝܢܢ ܡܢܐ ܡܡܠܠ
19 Nakita ni Jesus na sila ay sabik na tanungin siya, at sinabi niya sa kanila, “Tinatanong ba ninyo ang inyong mga sarili tungkol dito, na aking sinabi, 'Sa kaunitng panahon ay hindi na ninyo ako makikita; at matapos ang kaunting panahon, muling makikita ninyo ako?'
ܝܫܘܥ ܕܝܢ ܝܕܥ ܕܒܥܝܢ ܗܘܘ ܠܡܫܐܠܘܬܗ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܥܠ ܗܕܐ ܒܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܥܡ ܚܕܕܐ ܕܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܕܩܠܝܠ ܘܠܐ ܬܚܙܘܢܢܝ ܘܬܘܒ ܩܠܝܠ ܘܬܚܙܘܢܢܝ
20 Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, kayo ay mananangis at mananaghoy, subalit ang mundo ay magagalak; kayo ay magdadalamhati subalit ang inyong dalamhati ay magiging kagalakan.
ܐܡܝܢ ܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܬܒܟܘܢ ܐܢܬܘܢ ܘܬܐܠܘܢ ܘܥܠܡܐ ܢܚܕܐ ܘܠܟܘܢ ܬܟܪܐ ܐܠܐ ܟܪܝܘܬܟܘܢ ܠܚܕܘܬܐ ܬܗܘܐ
21 Ang babae ay may dalamhati kapag siya ay nakararamdam ng pananakit ng tiyan dahil ang oras ng kaniyang panganganak ay malapit na; ngunit kapag naipanganak na niya ang bata, hindi na niya naaalala ang sakit dahil sa kaniyang kagalakan na isang sanggol ay naipanganak na sa mundo.
ܐܢܬܬܐ ܡܐ ܕܝܠܕܐ ܟܪܝܐ ܠܗ ܕܡܛܐ ܝܘܡܐ ܕܡܘܠܕܗ ܡܐ ܕܝܠܕܬ ܕܝܢ ܒܪܐ ܠܐ ܥܗܕܐ ܐܘܠܨܢܗ ܡܛܠ ܚܕܘܬܐ ܕܐܬܝܠܕ ܒܪܢܫܐ ܒܥܠܡܐ
22 Kayo rin, may dalamhati kayo ngayon, ngunit makikita ko kayong muli; at ang inyong puso ay magagalak, at walang sinumang makapag-aalis ng kagalakang ito mula sa inyo.
ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܗܫܐ ܟܪܝܐ ܠܟܘܢ ܬܘܒ ܕܝܢ ܐܚܙܝܟܘܢ ܘܢܚܕܐ ܠܒܟܘܢ ܘܚܕܘܬܟܘܢ ܠܐ ܐܢܫ ܢܤܒ ܡܢܟܘܢ
23 Sa araw na iyon, hindi kayo magtataong ng kahit anong tanong. Tunay nga na sinasabi ko sa inyo, kung anuman ang hingin ninyo sa Ama, ibibigay niya ito sa inyo sa aking pangalan.
ܘܒܗܘ ܝܘܡܐ ܠܝ ܠܐ ܬܫܐܠܘܢ ܡܕܡ ܐܡܝܢ ܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܟܠ ܡܕܡ ܕܬܫܐܠܘܢ ܠܐܒܝ ܒܫܡܝ ܢܬܠ ܠܟܘܢ
24 Hanggang ngayon wala pa kayong hinihinging anuman sa aking pangalan; humingi kayo at kayo ay tatanggap upang ang inyong kagalakan ay maging lubos.
ܥܕܡܐ ܠܗܫܐ ܠܐ ܫܐܠܬܘܢ ܡܕܡ ܒܫܡܝ ܫܐܠܘ ܘܬܤܒܘܢ ܕܬܗܘܐ ܚܕܘܬܟܘܢ ܡܫܡܠܝܐ
25 Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito sa nakakubling wika, ngunit ang oras ay darating, na hindi na ako magsasalita sa inyo sa nakakubling wika, ngunit sa halip sasabihin ko ng malinaw ang tungkol sa Ama.
ܗܠܝܢ ܒܦܠܐܬܐ ܡܠܠܬ ܥܡܟܘܢ ܐܬܝܐ ܕܝܢ ܫܥܬܐ ܐܡܬܝ ܕܠܐ ܐܡܠܠ ܥܡܟܘܢ ܒܦܠܐܬܐ ܐܠܐ ܥܝܢ ܒܓܠܐ ܐܒܕܩ ܠܟܘܢ ܥܠ ܐܒܐ
26 Sa araw na iyon kayo ay hihingi sa aking pangalan, at hindi ko sinasabi na ako ay dadalangin sa Ama para sa inyo;
ܒܗܘ ܝܘܡܐ ܕܬܫܐܠܘܢ ܒܫܡܝ ܘܠܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܐܢܐ ܐܒܥܐ ܡܢ ܐܒܐ ܥܠܝܟܘܢ
27 dahil ang Ama mismo ay nagmamahal sa inyo, dahil minahal ninyo ako at sapagka't kayo ay naniwala na ako ay nagmula sa Ama.
ܗܘ ܓܝܪ ܐܒܐ ܪܚܡ ܠܟܘܢ ܕܐܢܬܘܢ ܪܚܡܬܘܢܢܝ ܘܗܝܡܢܬܘܢ ܕܐܢܐ ܡܢ ܠܘܬ ܐܠܗܐ ܢܦܩܬ
28 Nagmula ako sa Ama, at ako ay dumating sa mundo; muling lilisanin ko ang mundo at ako ay pupunta sa Ama.
ܢܦܩܬ ܡܢ ܠܘܬ ܐܒܐ ܘܐܬܝܬ ܠܥܠܡܐ ܘܬܘܒ ܫܒܩ ܐܢܐ ܠܥܠܡܐ ܘܐܙܠ ܐܢܐ ܠܝ ܠܘܬ ܐܒܐ
29 Sinabi ng kaniyang mga alagad sa kaniya, “Tingnan mo, ngayon ay nagsasalita ka sa amin ng malinaw at hindi gumagamit ng matalinghagang pananalita.
ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܗܐ ܗܫܐ ܓܠܝܐܝܬ ܡܡܠܠ ܐܢܬ ܘܦܠܐܬܐ ܘܠܐ ܚܕܐ ܐܡܪ ܐܢܬ
30 Ngayon alam na namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay at hindi mo kailangan ang sinuman upang ikaw ay tanungin ng mga katanungan. Dahil dito naniniwala kami na ikaw ay nagmula sa Diyos.
ܗܫܐ ܝܕܥܝܢ ܚܢܢ ܕܟܠ ܡܕܡ ܝܕܥ ܐܢܬ ܘܠܐ ܤܢܝܩ ܐܢܬ ܕܐܢܫ ܢܫܐܠܟ ܒܗܕܐ ܡܗܝܡܢܝܢ ܚܢܢ ܕܡܢ ܐܠܗܐ ܢܦܩܬ
31 Sinagot sila ni Jesus, “Naniniwala na ba kayo?”
ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܫܘܥ ܗܝܡܢܘ
32 Tingnan ninyo, ang oras ay paparating, oo at dumating na nga, na kayo ay magkakahiwa-hiwalay, bawa't isa sa kaniyang sariling pag-aari, at iiwanan ninyo akong mag-isa. Subalit ako ay hindi nag-iisa dahil ang Ama ay kasama ko.
ܕܗܐ ܐܬܝܐ ܫܥܬܐ ܘܗܫܐ ܐܬܬ ܕܬܬܒܕܪܘܢ ܐܢܫ ܠܐܬܪܗ ܘܬܫܒܩܘܢܢܝ ܒܠܚܘܕܝ ܘܠܐ ܗܘܝܬ ܒܠܚܘܕܝ ܕܐܒܐ ܥܡܝ ܗܘ
33 Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Sa mundo, kayo ay mayroong mga kabalisahan, subalit lakasan ninyo ang inyong loob; napagtagumpayan ko na ang mundo.
ܗܠܝܢ ܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܕܒܝ ܢܗܘܐ ܠܟܘܢ ܫܠܡܐ ܒܥܠܡܐ ܗܘܐ ܠܟܘܢ ܐܘܠܨܢܐ ܐܠܐ ܐܬܠܒܒܘ ܐܢܐ ܙܟܝܬܗ ܠܥܠܡܐ

< Juan 16 >