< Joel 2 >

1 Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion, at magpatunog ng hudyat sa aking banal na bundok! Manginig sa takot ang lahat ng nakatira sa lupain sapagkat dumarating ang araw ni Yahweh, tunay nga na ito ay malapit na.
در صهیون کرنا بنوازید و در کوه مقدس من صدا بلند کنید! تمامی ساکنان زمین بلرزندزیرا روز خداوند می‌آید و نزدیک است.۱
2 Ito ay araw ng kadiliman at kapanglawan, araw ng mga ulap at makapal na kadiliman. Katulad ng bukang liwayway na lumalaganap sa mga bundok, paparating ang napakarami at malakas na hukbo. Hindi pa nagkaroon ng hukbong ganito at hindi na muling magkakaroon ng katulad nito, lumipas man ang maraming henerasyon.
روزتاریکی و ظلمت، روز ابرها و ظلمت غلیظ مثل فجر منبسط بر کوهها! امتی عظیم و قوی که مانندآن از ازل نبوده و بعد از این تا سالها و دهرهای بسیار نخواهد بود.۲
3 Nilalamon ng apoy ang lahat ng nasa harapan nito at lumiliyab ang apoy sa likuran nito. Katulad ng hardin ng Eden ang lupain na nasa harapan nito ngunit sa likuran nito ay wasak na ilang. Tunay nga na walang makatatakas mula rito.
پیش روی ایشان آتش می‌سوزاند و در عقب ایشان شعله ملتهب می‌گردد. پیش روی ایشان، زمین مثل باغ عدن ودر عقب ایشان، بیابان بایر است و نیز از ایشان احدی رهایی نمی یابد.۳
4 Ang anyo ng hukbo ay tulad ng mga kabayo, at tumatakbo sila na gaya ng mga mangangabayo.
منظر ایشان مثل منظراسبان است و مانند اسب‌سواران می‌تازند.۴
5 Tumatalon sila nang may ingay na gaya ng mga karwahe sa ibabaw ng mga bundok, gaya ng ingay ng naglalagablab na apoy na tumutupok sa pinaggapasan, gaya ng napakaraming hukbo na handa para sa labanan.
مثل صدای ارابه‌ها بر قله کوهها جست و خیزمی کنند؛ مثل صدای شعله آتش که کاه رامی سوزاند؛ مانند امت عظیمی که برای جنگ صف بسته باشند.۵
6 Sa kanilang pagdating, nagdadalamhati ang mga tao at namumutla ang kanilang mga mukha.
از حضور ایشان قوم هامی لرزند. تمامی رویها رنگ پریده می‌شود.۶
7 Tumatakbo sila na gaya ng malalakas na mandirigma at inaakyat nila ang mga pader na gaya ng mga kawal; nagmamartsa sila, ang bawat isa sa kani-kaniyang hakbang at hindi sila humihiwalay sa kanilang mga hanay.
مثل جباران می‌دوند، مثل مردان جنگی بر حصارهابرمی آیند و هر کدام به راه خود می‌آیند وطریقهای خود را تبدیل نمی کنند.۷
8 Hindi sila nagtutulakan, nagmamartsa sila, bawat isa sa kaniyang daanan, pinapasok nila ang pananggalang at hindi sila nawawala sa kanilang hanay.
بر یکدیگرازدحام نمی کنند، زیرا هرکس به راه خودمی خرامد. از میان حربه‌ها هجوم می‌آورند وصف های خود را نمی شکنند.۸
9 Sumusugod sila nang mabilis sa lungsod, tumatakbo sila sa pader, umaakyat sila sa mga bahay at pumapasok sila sa mga bintana na gaya ng mga magnanakaw.
بر شهرمی جهند، به روی حصارها می‌دوند، به خانه هابرمی آیند. مثل دزدان از پنجره‌ها داخل می شوند.۹
10 Nayayanig ang lupa sa harapan nila, nayayanig ang kalangitan, dumilim ang araw at buwan at tumigil sa pagningning ang mga bituin.
از حضور ایشان زمین متزلزل وآسمانها مرتعش می‌شود؛ آفتاب و ماه سیاه می‌شوند و ستارگان نور خویش را باز می‌دارند.۱۰
11 Pinalakas ni Yahweh ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo sapagkat napakarami ng kaniyang mandirigma, sapagkat sila ay malakas, ang mga gumagawa ng kaniyang mga utos. Sapagkat ang araw ni Yahweh ay dakila at nakatatakot. Sino ang makaliligtas dito?
و خداوند آواز خود را پیش لشکر خویش بلند می‌کند، زیرا اردوی او بسیار عظیم است و آنکه سخن خود را بجا می‌آورد، قدیراست. زیرا روز خداوند عظیم و بی‌نهایت مهیب است و کیست که طاقت آن را داشته باشد.۱۱
12 “Gayon pa man,” sinabi ni Yahweh, “Manumbalik kayo sa akin nang buong puso. Mag-ayuno kayo, tumangis at magdalamhati.”
و لکن الان خداوند می‌گوید با تمامی دل وبا روزه و گریه و ماتم بسوی من بازگشت نمایید.۱۲
13 Punitin ninyo ang inyong puso at hindi lamang ang inyong mga kasuotan, at manumbalik kay Yahweh na inyong Diyos. Sapagkat siya ay mapagbigay-loob at maawain, hindi madaling magalit, sagana sa pagmamahal at nais niyang tumigil sa pagbibigay ng parusa.
و دل خود را چاک کنید نه رخت خویش را وبه یهوه خدای خود بازگشت نمایید زیرا که اورئوف و رحیم است و دیرخشم و کثیراحسان و ازبلا پشیمان می‌شود.۱۳
14 Sinong nakakaalam? Marahil ay manumbalik siya at mahabag, at mag-iwan ng biyaya sa likuran niya, butil na handog at inuming handog para kay Yahweh na inyong Diyos.
که می‌داند که شایدبرگردد و پشیمان شود و در عقب خود برکتی واگذارد، یعنی هدیه آردی و هدیه ریختنی برای یهوه خدای شما.۱۴
15 Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion, magpatawag kayo para sa isang banal na pag-aayuno at magpatawag kayo para sa isang banal na pagtitipon.
در صهیون کرنا بنوازید وروزه را تعیین کرده، محفل مقدس را ندا کنید.۱۵
16 Tipunin ninyo ang mga tao, magpatawag kayo para sa banal na pagtitipon. Tipunin ninyo ang mga nakatatanda, ang mga bata at ang mga sanggol. Lumabas ang mga ikakasal na lalaki sa kanilang silid at ang mga babaeng ikakasal sa kanilang silid.
قوم را جمع کنید، جماعت را تقدیس نمایید، پیران و کودکان و شیرخوارگان را فراهم آورید. داماد از حجره خود و عروس از حجله خویش بیرون آیند.۱۶
17 Manangis ang mga paring lingkod ni Yahweh sa pagitan ng balkonahe at altar. Sabihin nilang, “Maaawa ka sa iyong mga tao, Yahweh, at huwag mong dalhin sa kahihiyan ang iyong pamana upang pamahalaan sila ng mga bansa. Bakit sasabihin ng mga bansa, nasaan ang kanilang Diyos?”
کاهنانی که خدام خداوند هستنددر میان رواق و مذبح گریه کنند و بگویند: «ای خداوند بر قوم خویش شفقت فرما و میراث خویش را به عار مسپار، مبادا امت‌ها بر ایشان حکمرانی نمایند. چرا در میان قومها بگویند که خدای ایشان کجا است؟»۱۷
18 At si Yahweh ay masikap para sa kaniyang lupain at naawa sa kaniyang mga tao.
پس خداوند برای زمین خود به غیرت خواهد آمد و بر قوم خویش شفقت خواهد نمود.۱۸
19 Sumagot si Yahweh sa kaniyang mga tao, “Tingnan ninyo, magpapadala ako sa inyo ng butil, bagong alak at langis. Masisiyahan kayo sa mga ito at hindi ko na kayo gagawing kahiya-hiya sa mga bansa.
و خداوند قوم خود را اجابت نموده، خواهدگفت: «اینک من گندم و شیره و روغن را برای شمامی فرستم تا از آنها سیر شوید و شما را بار دیگردر میان امت‌ها عار نخواهم ساخت.۱۹
20 Aalisin ko ang hilagang mananalakay mula sa inyo at itataboy sila sa tuyo at pinabayaang lupain. Ang unahan ng kanilang hukbo ay pupunta sa silangang dagat at ang kanilang hulihan ay sa kanlurang dagat. Aalingasaw ang baho at masamang amoy nito. Gagawa ako ng mga dakilang bagay.”
و لشکرشمالی را از شما دور کرده، به زمین خشک ویران خواهم راند که مقدمه آن بر دریای شرقی وساقه‌اش بر دریای غربی خواهد بود و بوی بدش بلند خواهد شد و عفونتش برخواهد آمد زیراکارهای عظیم کرده است.»۲۰
21 Huwag matakot, lupain, matuwa at magalak sapagkat gumawa si Yahweh ng mga dakilang bagay.
‌ای زمین مترس! وجد و شادی بنما زیرایهوه کارهای عظیم کرده است.۲۱
22 Huwag kayong matakot, mga hayop sa parang, sapagkat tutubo ang mga pastulan sa ilang, mamumunga ang mga puno at mamumunga ng maraming ani ang mga puno ng igos at ubas.
‌ای بهایم صحرا مترسید زیرا که مرتع های بیابان سبز شد ودرختان میوه خود را آورد و انجیر و مو قوت خویش را دادند.۲۲
23 Matuwa kayo, mga tao ng Zion at magalak kay Yahweh na inyong Diyos. Sapagkat ibibigay niya sa inyo ang ulan ng taglagas sa nararapat na sukat at pabababain ang ulan para sa inyo, ang ulan ng taglagas at ang ulan ng tagsibol katulad noon.
‌ای پسران صهیون در یهوه خدای خویش وجد و شادی نمایید، زیرا که باران اولین را به اندازه‌اش به شما داده است وباران اول و آخر را در وقت برای شما بارانیده است.۲۳
24 Mapupuno ng trigo ang mga giikan, aapaw ang mga lalagyan ng bagong alak at langis.
پس خرمن از گندم پر خواهد شد ومعصره‌ها از شیره و روغن لبریز خواهد گردید.۲۴
25 “Ibabalik ko sa inyo ang mga taon ng mga pananim na kinain ng napakaraming nagliliparang mga balang, ng mga malalaking balang, ng mga tipaklong, at ng mga uod, ang aking malakas na hukbo na aking ipinadala sa inyo.
و سالهایی را که ملخ و لنبه و سوس و سن یعنی لشکر عظیم من که بر شما فرستاده بودم خوردندبه شما رد خواهم نمود.۲۵
26 Kakain kayo nang sagana at mabubusog, at pupurihin ninyo ang pangalan ni Yahweh na inyong Diyos na gumawa ng mga kamangha-mangha sa inyo at hindi ko na muling ilalagay sa kahihiyan ang aking bayan.
و غذای بسیارخورده، سیر خواهید شد و اسم یهوه خدای خودرا که برای شما کارهای عجیب کرده است، تسبیح خواهید خواند و قوم من تا به ابد خجل نخواهند شد.۲۶
27 Malalaman ninyo na ako ay nasa Israel, na ako si Yahweh na inyong Diyos, at wala ng iba, at hindi ko na muling ilalagay sa kahihiyan ang aking bayan.
و خواهید دانست که من در میان اسرائیل می‌باشم و من یهوه خدای شما هستم ودیگری نیست و قوم من خجل نخواهند شد تاابدالاباد.۲۷
28 At mangyayari pagkatapos, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman, at maghahayag ng propesiya ang inyong mga anak na lalaki at babae. Mananaginip ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki.
و بعد از آن روح خود را بر همه بشر خواهم ریخت و پسران و دختران شما نبوت خواهندنمود و پیران شما و جوانان شما رویاها خواهنددید.۲۸
29 Gayon din sa mga utusan at babaeng utusan, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa mga araw na iyon.
و در آن ایام روح خود را بر غلامان وکنیزان نیز خواهم ریخت.۲۹
30 Magpapakita ako ng mga kamangha-mangha sa kalangitan at sa lupa ng dugo, apoy at mga haligi ng usok.
و آیات را از خون وآتش و ستونهای دود در آسمان و زمین ظاهرخواهم ساخت.۳۰
31 Magiging kadiliman ang araw at dugo ang buwan, bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Yahweh.
آفتاب به تاریکی و ماه به خون مبدل خواهند شد، پیش از ظهور یوم عظیم ومهیب خداوند.۳۱
32 Mangyayari na ang lahat ng tatawag sa pangalan ni Yahweh ay maliligtas. Sapagkat may mga makatatakas sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem, gaya ng sinabi ni Yahweh, at sa mga makaliligtas, ang mga tinawag ni Yahweh.
و واقع خواهد شد هر‌که نام خداوند را بخواند نجات یابد زیرا در کوه صهیون و در اورشلیم چنانکه خداوند گفته است بقیتی خواهد بود و در میان باقی ماندگان آنانی که خداوند ایشان را خوانده است.۳۲

< Joel 2 >