< Job 25 >

1 Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at sinabi,
Then answered Bildad the Shuhite, and said,
2 “Nasa kaniya ang kapangyarihan at takot; nagtatakda siya ng kaayusan sa kaniyang mga matataas na lugar sa langit.
Dominion and fear [are] with him, he maketh peace in his high places.
3 May katapusan ba sa bilang ng kaniyang mga hukbo? Kanino ba hindi sumisikat ang kaniyang liwanag?
Is there any number of his armies? and upon whom doth not his light arise?
4 Kung gayon, paano magiging matuwid ang tao sa Diyos? Paano ba magiging malinis, katanggap-tanggap sa kaniya, siya na ipinanganak ng isang babae?
How then can man be justified with God? or how can he be clean [that is] born of a woman?
5 Masdan mo, kahit na ang buwan ay walang liwanag sa kaniya; sa kaniyang paningin, ang mga bituin ay hindi dalisay.
Behold even to the moon, and it shineth not; yea, the stars are not pure in his sight.
6 Gaano pa kaya ang tao, na isa lamang uod — isang anak ng tao, na isang uod!”
How much less man, [that is] a worm? and the son of man, [which is] a worm?

< Job 25 >