< Jeremias 8 >

1 Ito ang pahayag ni Yahweh, “Sa panahong iyon, ilalabas nila mula sa mga libingan ang mga buto ng mga hari ng Juda at ng mga opisyal nito, ang mga buto ng mga pari at ng mga propeta at ang mga buto ng mga naninirahan sa Jerusalem.
U to vrijeme, govori Gospod, izvadiæe se iz grobova kosti careva Judinijeh i kosti knezova njegovijeh i kosti sveštenièke i kosti proroèke, i kosti stanovnika Jerusalimskih;
2 Pagkatapos, ikakalat nila ang mga ito sa liwanag ng araw, ng buwan at ng mga bituin sa kalangitan, ang mga bagay na ito sa langit na kanilang sinunod at pinaglingkuran, na kanilang nilapitan at hinanap at kanilang sinamba. Hindi na muling titipunin o ililibing ang mga buto. Magiging gaya sila ng dumi sa ibabaw ng lupa.
I razmetnuæe se prema suncu i mjesecu i svoj vojsci nebeskoj, koje ljubiše i kojima služiše i za kojima idoše i koje tražiše i kojima se klanjaše; neæe se pokupiti ni pogrepsti, nego æe biti gnoj po zemlji.
3 Sa bawat natitirang lugar kung saan ko sila ipinatapon, pipiliin nila ang kamatayan sa halip na buhay para sa kanilang mga sarili, ang lahat ng mga natitira pa mula sa masamang bansa na ito. Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.
I voljeæe smrt nego život sav ostatak što ih ostane od ovoga roda zloga, što ih ostane po svijem mjestima kuda ih raždenem, govori Gospod nad vojskama.
4 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, May tao bang nadapa at hindi bumangon? May tao bang naligaw at hindi sinubukang bumalik?
Još im reci: ovako veli Gospod: ko padne, ne ustaje li? ko zaðe, ne vraæa li se?
5 Bakit ang mga taong ito, ang Jerusalem, ay tumalikod ng walang hanggang pagtalikod? Nagpatuloy sila sa pagtataksil at tumangging magsisi.
Zašto je zašao taj narod Jerusalimski zasvagda? Drže se prijevare, neæe da se obrate.
6 Binigyan ko sila ng pansin at pinakinggan ngunit hindi tama ang kanilang sinabi. Walang sinuman ang nagsisi sa kaniyang kasamaan, walang sinuman ang nagsabi, “Ano ang nagawa ko?” Pumupunta silang lahat kung saan nila nais, gaya ng kabayong pandigma na tumatakbo patungo sa labanan.
Pazio sam i slušao, ne govore pravo, nema nikoga da se kaje za zlo svoje, da reèe: što uèinih? Svaki je okrenuo svojim trkom, kao konj kad nagne u boj.
7 Kahit ang ibon sa langit, mga kalapati, mga layang-layang at ang mga tagak ay nalalaman ang mga tamang panahon. Pumupunta ang mga ito sa kanilang mga paglilipatan sa tamang panahon ngunit hindi alam ng aking mga tao ang mga atas ni Yahweh.
I roda pod nebom zna svoje vrijeme, grlica i ždrao i lasta paze na vrijeme kad dolaze; a narod moj ne zna suda Gospodnjega.
8 Bakit sinasabi ninyo, “Marurunong kami! At nasa amin ang kautusan ni Yahweh?” Sa katunayan tingnan ninyo! Lumikha ng panlilinlang ang mapanlinlang na panulat ng mga eskriba.
Kako govorite: mudri smo, i zakon je Gospodnji u nas? Doista, gle, laž uèini lažljiva pisaljka književnièka.
9 Mapapahiya ang mga marurunong na tao. Nabigo sila at nabitag. Tingnan ninyo! Itinakwil nila ang salita ni Yahweh, kaya anong silbi ng kanilang karunungan?
Mudarci se osramotiše, uplašiše se i uhvatiše se; eto, odbaciše rijeè Gospodnju, pa kaka im je mudrost?
10 Ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawang babae at ang kanilang mga bukirin ay sa mga magmamay-ari ng mga iyon, sapagkat magmula sa pinakabata hanggang sa pinakadakila, napakasakim nilang lahat! Magmula sa propeta hanggang sa pari, lahat sila ay nagsasagawa ng panlilinlang.
Zato æu dati žene njihove drugima, njive njihove onima koji æe ih naslijediti, jer od maloga do velikoga svi se dadoše na lakomstvo, i proroci i sveštenici, svi su varalice.
11 Sapagkat ginagamot nila ang bali ng anak na babae ng aking mga tao na para bang wala itong halaga. Sinabi nila, “Kapayapaan, Kapayapaan” ngunit walang kapayapaan.
Jer lijeèe rane kæeri naroda mojega ovlaš govoreæi: mir, mir; a mira nema.
12 Nahihiya ba sila kapag gumagawa sila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi sila nahihiya. Wala silang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila sa panahon ng kanilang kaparusahan kasama ng mga bumagsak na. Ibabagsak sila, sabi ni Yahweh.
Eda li se postidješe što èiniše gad? Niti se postidješe niti znaju za stid; zato æe popadati meðu onima koji padaju; kad ih pohodim, popadaæe, veli Gospod.
13 Ganap ko silang aalisin, ito ang pahayag ni Yahweh, hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas, ni magkakaroon ng mga igos sa mga puno ng igos. Sapagkat malalanta ang mga dahon at mawawala ang ibinigay ko sa kanila.
Sasvijem æu ih istrijebiti, govori Gospod, nema grozda na lozi, ni smokve na drvetu, i lišæe je opalo; i što sam im dao uzeæe im se.
14 Bakit tayo nakaupo dito? Magsama-sama tayo, pumunta tayo sa mga matitibay na lungsod at magiging tahimik ang ating kamatayan doon. Sapagkat patatahimikin tayo ni Yahweh na ating Diyos. Paiinumin niya tayo ng lason yamang nagkasala tayo laban sa kaniya.
Što stojimo? skupite se i uðimo u tvrde gradove, i ondje muèimo; jer nas je Gospod Bog naš umuèkao napojivši nas žuèi, jer zgriješismo Gospodu.
15 Umaasa tayo para sa kapayapaan ngunit walang magiging mabuti. Umaasa tayo sa oras ng kagalingan, ngunit tingnan ninyo, magkakaroon ng kaguluhan.
Èekasmo mir, ali nema dobra; i vrijeme da ozdravimo, a gle, strah.
16 Narinig mula sa Dan ang pagsinghal ng kaniyang mga kabayong lalaki. Nayayanig ang buong daigdig sa tunog ng halinghing ng kaniyang mga malalakas na kabayo. Sapagkat darating sila at kukunin ang lupain at ang kayamanan nito, ang lungsod at ang mga naninirahan dito.
Od Dana èu se frkanje konja njegovijeh, od rzanja pastuha njegovijeh sva se zemlja zatrese, doðoše i pojedoše zemlju i sve što bješe u njoj, gradove i koji življahu u njima.
17 Sapagkat tingnan ninyo, magpapadala ako sa inyo ng mga ahas, mga ulupong na hindi ninyo kayang paamuhin. Tutuklawin kayo ng mga ito, ito ang pahayag ni Yahweh.”
Jer, evo, ja æu pustiti na vas zmije, aspide, od kojih nema bajanja, te æe vas ujedati, govori Gospod.
18 Walang katapusan ang aking kalungkutan at nasasaktan ang aking puso.
Okrijepio bih se u žalosti, ali je srce u meni iznemoglo.
19 Pakinggan ninyo! Ang hiyaw ng anak na babae ng aking mga tao mula sa malayong lupain! Hindi ba nasa Zion si Yahweh? O hindi ba nasa kaniya ang kaniyang hari? Bakit kaya nila sinasaktan ang aking damdamin sa pamamagitan ng kanilang mga inukit na imahen at mga walang kabuluhang diyus-diyosan ng mga dayuhan?
Eto vike kæeri naroda mojega iz daljne zemlje: zar Gospod nije u Sionu? car njegov zar nije u njemu? Zašto me razgnjeviše svojim likovima rezanijem, tuðim taštinama?
20 Lumipas na ang anihan, tapos na ang tag-init. Ngunit hindi tayo naligtas.
Žetva je prošla, ljeto minulo, a mi se ne izbavismo.
21 Nasaktan ako dahil sa sakit na naramdaman ng anak na babae ng aking mga tao. Nagluksa ako dahil sa mga katakot-takot na bagay na nangyari sa kaniya, pinanghinaan ako ng loob.
Satrven sam što je kæi naroda mojega satrvena, u žalosti sam, èudo osvoji me.
22 Wala bang lunas sa Galaad? Wala bang manggagamot doon? Bakit hindi gumagaling ang anak ng aking mga tao?
Nema li balsama u Galadu? nema li ondje ljekara? zašto se dakle ne iscijeli kæi naroda mojega?

< Jeremias 8 >