< Isaias 51 >

1 Makinig kayo sa akin, kayong mga naghahabol ng katuwiran, kayong naghahanap kay Yahweh: tingnan ninyo ang bato kung saan kayo tinapyas at sa tibagan ng bato kung saan kayo tinibag.
Hearken to me, ye that follow after righteousness, and seek the Lord: look to the solid rock, which ye have hewn, and to the hole of the pit which ye have dug.
2 Tingnan ninyo si Abraham, ang inyong ama, at si Sara, na nagpanganak sa inyo; dahil nang siya ay mag-isa, tinawag ko siya. Pinagpala ko siya at pinarami.
Look to Abraam your father, and to Sarrha that bore you: for he was alone when I called him, and blessed him, and loved him, and multiplied him.
3 Oo, aaliwin ni Yahweh ang Sion; aaliwin niya ang kaniyang mga napabayaang lugar; ang kaniyang ilang ay ginawa niyang parang Eden, at ang kaniyang mga disyerto sa tabi ng lambak ng Ilog Jordan na parang hardin ni Yahweh; kagalakan at kaligayahan ay matatagpuan sa kaniya, pasasalamat, at ang tunog ng pag-awit.
And now I will comfort thee, O Sion: and I have comforted all her desert places; and I will make her desert places as a garden, and her western places as the garden of the Lord; they shall find in her gladness and exultation, thanksgiving and the voice of praise.
4 Pansinin ninyo ako, aking bayan; at makinig kayo sa akin, aking bayan! Dahil maglalabas ako ng kautusan, at gagawin kong ilaw ang aking katarungan para sa mga bansa.
Hear me, hear me, my people; and ye kings, hearken to me: for a law shall proceed from me, and my judgment [shall be] for a light of the nations.
5 Ang aking katuwiran ay malapit na; lalabas ang aking kaligtasan, at hahatulan ng aking bisig ang mga bansa; hihintayin ako ng mga baybayin; sabik nilang hihintayin ang aking bisig.
My righteousness speedily draws nigh, and my salvation shall go forth as light, and on mine arm shall the Gentiles trust: the isles shall wait for me, and on mine arm shall they trust.
6 Itaas ninyo ang inyong mga mata sa himpapawid, at tingnan ninyo ang lupa sa ibaba, dahil maglalaho ang kalangitan tulad ng usok, masisira ang mundo tulad ng damit, at mamamatay ang mga naninirahan dito na parang mga langaw. Pero ang aking kaligtasan ay magpapatuloy magpakailanman, at ang aking katuwiran ay hindi titigil na kumilos.
Lift up your eyes to the sky, and look on the earth beneath: for the sky was darkened like smoke, and the earth shall wax old like a garment, and the inhabitants shall die in like manner: but my righteousness shall not fail.
7 Makinig kayo sa akin, kayong nakakaalam ng tama, kayong mga taong may batas ko sa inyong puso: Huwag ninyong katakutan ang mga insulto ng mga tao, maging ang mapanghinaan ng loob dahil sa kanilang abuso.
Hear me, ye that know judgment, the people in whose heart is my law: fear not the reproach of men, and be not overcome by their contempt.
8 Dahil kakainin sila ng gamu-gamo tulad ng damit, at kakainin sila ng bulate tulad ng lana; pero ang aking katuwiran ay magpakailanman, at ang aking kaligtasan sa lahat ng salinlahi.”
For as a garment will be devoured by time, and as wool will be devoured by a moth, [so shall they be consumed]; but my righteousness shall be for ever, and my salvation for all generations.
9 Gumising ka, gumising ka, damitan mo ng kalakasan ang iyong sarili, bisig ni Yahweh. Gumising ka tulad nung nakaraan, ang mga salinlahi ng mga sinaunang panahon. Hindi ba ikaw ang dumurog sa halimaw ng dagat, ikaw na sumaksak sa dragon?
Awake, awake, O Jerusalem, and put on the strength of thine arm; awake as in the early time, as the ancient generation.
10 Hindi ba ikaw ang nagpatuyo ng dagat, ang tubig ng kailaliman, at ginawang daanan ang kailaliman ng dagat para makadaan ang mga iniligtas?
Art thou not it that dried the sea, the water, [even] the abundance of the deep; that made the depths of the sea a way of passage for the delivered and redeemed?
11 Babalik ang mga tinubos ni Yahweh at pupunta sa Sion nang may mga sigaw ng kagalakan at may kaligayahan magpakailanman sa kanilang mga ulo; at kaligayahan at kagalakan ang mananaig sa kanila, at lalayo ang kalungkutan at pagluluksa.
for by [the help of] the Lord they shall return, and come to Sion with joy and everlasting exultation, for praise and joy shall come upon their head: pain, and grief, and groaning, have fled away.
12 “Ako, Ako, ang siyang umaaliw sa inyo. Bakit kayo natatakot sa mga tao, na mamamatay, ang mga anak ng tao, na ginawa tulad ng damo?
I, [even] I, am he that comforts thee: consider who thou art, that thou wast afraid of mortal man, and of the son of man, who are withered as grass.
13 Bakit ninyo nakalimutan si Yahweh na inyong Manlilikha, na umunat ng kalangitan at naglatag ng mga pundasyon ng mundo? Kayo ay nasa patuloy na pangamba araw-araw dahil sa nag-aalab na galit ng mang-aapi kapag nagpasya siyang magwasak. Nasaan ang galit ng mang-aapi?
And thou hast forgotten God who made thee, who made the sky and founded the earth; and thou wert continually afraid because of the wrath of him that afflicted thee: for [whereas] he counselled to take thee away, yet now where is the wrath of him that afflicted thee?
14 Ang isang nakayuko, magmamadali si Yahweh na pakawalan; hindi siya mamamatay at pupunta sa hukay, maging ang mawalan ng tinapay.
For in thy deliverance he shall not halt, nor tarry;
15 Dahil ako si Yahweh na inyong Diyos, na ginagambala ang dagat, para dumagundong ang mga alon—Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
for I am thy God, that troubles the sea, and causes the waves thereof to roar: the Lord of hosts is my name.
16 Nilagay ko ang aking mga salita sa inyong bibig, at tinakpan ko kayo ng anino ng aking kamay, para matanim ko ang kalangitan, mailatag ang mga pundasyon ng mundo, at sabihin sa Sion, 'Kayo ang aking bayan.'”
I will put my words into thy mouth, and I will shelter thee under the shadow of mine hand, with which I fixed the sky, and founded the earth: and [the Lord] shall say to Sion, Thou art my people.
17 Gumising ka, gumising ka, bumangon ka, Jerusalem, ikaw na ininom ang mangkok ng galit ni Yahweh mula sa kaniyang kamay; ikaw na ininom ang mangkok, ang mangkok ng pagsuray, at inubos mo ito.
Awake, awake, stand up, O Jerusalem, that hast drunk at the hand of the Lord the cup of his fury: for thou hast drunk out and drained the cup of calamity, the cup of wrath:
18 Wala sa lahat ng mga anak niya ang gagabay sa kaniya; wala sa lahat ng mga anak niyang pinalaki ang kukuha sa kaniyang kamay.
and there was none to comfort thee of all the children whom thou borest; and there was none to take hold of thine hand, not even of all the children whom thou has reared.
19 Nangyari sa iyo ang dalawang kaguluhan na ito—sino ang makikidalamhati sa iyo? —pangungulila at pagkawasak, at ang taggutom at ang espada. Sino ang aaliw sa iyo?
Wherefore these things are against thee; who shall sympathize with thee in thy grief? downfall, and destruction, famine, and sword: who shall comfort thee?
20 Nahimatay ang mga anak mo; nakahiga sila sa bawat sulok ng lansangan, tulad ng antilope sa lambat; puno sila ng galit ni Yahweh, ang pagsaway ng iyong Diyos.
Thy sons are the perplexed ones, that sleep at the top of every street as a half-boiled beet; they that are full of the anger of the Lord, caused to faint by the Lord God.
21 Pero ngayon pakinggan mo ito, ikaw na inapi at lasing, pero hindi lasing sa alak:
Therefore hear, thou afflicted one, and drunken, [but] not with wine;
22 Ang iyong Panginoong si Yahweh, na iyong Diyos, na nakikiusap para sa kapakanan ng kaniyang bayan, ay sinasabi ito, “Tingnan mo, kinuha ko ang kopa ng pagsuray mula sa iyong kamay—ang kopa ng tasa ng aking galit—para hindi mo na ito iinumin muli.
thus saith the Lord God that judges his people, Behold, I have taken out of thine hand the cup of calamity, the cup of my wrath; and thou shalt not drink it any more.
23 Ilalagay ko ito sa kamay ng mga nagpapahirap sa iyo, silang sinabi sa iyo, 'Mahiga ka, para malakaran ka namin'; ginawa mong tulad ng lupa ang likod mo at tulad ng lansangan para malakaran nila.”
And I will give it into the hands of them that injured thee, and them that afflicted thee; who said to thy soul, Bow down, that we may pass over: and thou didst level thy body with the ground to them passing by without.

< Isaias 51 >