< Ezekiel 12 >

1 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Et factus est sermo Domini ad me, dicens:
2 “Anak ng tao, naninirahan ka sa kalagitnaan ng mapanghimagsik na sambahayan kung saan may mga mata sila upang makakita ngunit hindi sila nakakakita at kung saan may mga tainga sila upang makarinig ngunit hindi nakikinig dahil mapanghimagsik sila na sambahayan!
Fili hominis in medio domus exasperantis tu habitas: qui oculos habent ad videndum, et non vident: et aures ad audiendum, et non audiunt: quia domus exasperans est.
3 Kaya ikaw, anak ng tao, ihanda mo ang iyong mga gamit para sa pagkakapatapon at simulan mong umalis sa umaga sa kanilang mga paningin, sapagkat sa kanilang mga paningin, ipapatapon kita mula sa iyong lugar patungo sa isa pang lugar. Marahil masisimulan nilang makita kahit pa mapanghimagsik sila na sambahayan.
Tu ergo fili hominis, fac tibi vasa transmigrationis, et transmigrabis per diem coram eis: transmigrabis autem de loco tuo ad locum alterum in conspectu eorum, si forte aspiciant: quia domus exasperans est.
4 At ilalabas mo sa umaga ang iyong mga gamit para sa pagkakatapon sa kanilang mga paningin, lumabas ka sa gabi sa kanilang mga paningin sa paraan kung paano maipapatapon ang sinuman.
Et efferes foras vasa tua quasi vasa transmigrantis per diem in conspectu eorum: tu autem egredieris vespere coram eis, sicut egreditur migrans.
5 Maghukay ka ng isang butas sa pader sa kanilang mga paningin at lumabas ka sa pamamagitan nito.
Ante oculos eorum perfode tibi parietem: et egredieris per eum.
6 Sa kanilang mga paningin, pasanin mo ang iyong mga gamit sa iyong balikat at ilabas ang mga ito sa kadiliman. Takpan mo ang iyong mukha sapagkat hindi mo dapat makita ang lupain, yamang itinalaga kita bilang isang tanda sa sambahayan ng Israel.”
In conspectu eorum in humeris portaberis, in caligine effereris: faciem tuam velabis, et non videbis terram. Quia portentum dedi te domui Israel.
7 Kaya ginawa ko ito gaya ng inutos sa akin. Inilabas ko ang aking mga gamit ng pagkakatapon sa umaga at sa gabi naghukay ako ng butas sa pader gamit ang aking kamay. Inilabas ko sa kadiliman ang aking mga gamit at pinasan ko ang mga ito sa aking balikat sa kanilang mga paningin.
Feci ergo sicut præceperat mihi Dominus: vasa mea protuli quasi vasa transmigrantis per diem: et vespere perfodi mihi parietem manu: et in caligine egressus sum, in humeris portatus in conspectu eorum.
8 At noong madaling araw, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Et factus est sermo Domini mane ad me, dicens:
9 “Anak ng tao, hindi ba nagtatanong sa iyo ang sambahayan ng Israel, ang mapanghimagsik na sambahayang iyon kung, 'Ano ang iyong ginagawa?'
Fili hominis, numquid non dixerunt ad te domus Israel, domus exasperans: Quid tu facis?
10 Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: para sa prinsipe ng Jerusalem ang gawain ng pagpapahayag na ito at sa lahat ng sambahayan ng Israel na kinalalakipan nila.'
Dic ad eos: Hæc dicit Dominus Deus: Super ducem onus istud, qui est in Ierusalem, et super omnem domum Israel, quæ est in medio eorum.
11 Sabihin mo, 'Isa akong tanda sa inyo. Tulad ng aking ginawa, gayundin ang mangyayari sa kanila, maipapatapon sila at malalagay sa pagkabihag.
Dic: Ego portentum vestrum: quomodo feci, sic fiet illis. In transmigrationem, et in captivitatem ibunt.
12 Papasanin ng kasama nilang prinsipe sa kaniyang mga balikat ang kaniyang mga gamit sa kadiliman at lalabas sa pamamagitan ng pader. Maghuhukay sila sa pader at ilalabas ang kanilang mga gamit. Tatakpan niya ang kaniyang mukha upang hindi niya makita ang lupain gamit ang kaniyang mga mata.'
Et dux, qui est in medio eorum, in humeris portabitur, in caligine egredietur: parietem perfodient ut educant eum: facies eius operietur ut non videat oculo terram.
13 Sasakluban ko siya ng aking lambat at mahuhuli siya sa aking bitag at dadalhin ko siya sa Babilonia, ang lupain ng mga Caldeo, ngunit hindi niya ito makikita. Doon siya mamamatay.
Et extendam rete meum super eum, et capietur in sagena mea: et adducam eum in Babylonem in terram Chaldæorum: et ipsam non videbit, ibique morietur.
14 Ikakalat ko rin sa lahat ng dako ang lahat ng mga nakapalibot sa kaniya na tutulong sa kaniya at ng kaniyang buong hukbo at magpapadala ako ng espada sa kanilang likuran.
Et omnes, qui circa eum sunt, præsidium eius, et agmina eius dispergam in omnem ventum: et gladium evaginabo post eos.
15 At malalaman nila na Ako si Yahweh, kapag ikinalat ko sila sa mga bansa at pinaghiwa-hiwalay ko sila sa buong lupain.
Et scient quia ego Dominus, quando dispersero illos in Gentibus, et disseminavero eos in terris.
16 Ngunit magtitira ako ng ilang mga kalalakihan sa kanila mula sa espada, taggutom at salot nang sa gayon ay maitala nila ang lahat ng kanilang mga kasuklam-suklam na mga gawain sa lupain kung saan ko sila dinala upang malaman nila na Ako si Yahweh!”
Et relinquam ex eis viros paucos a gladio, et fame, et pestilentia: ut enarrent omnia scelera eorum in Gentibus, ad quas ingredientur: et scient quia ego Dominus.
17 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Et factus est sermo Domini ad me, dicens:
18 “Anak ng tao, kainin mo ang iyong tinapay nang may panginginig at inumin mo ang iyong tubig nang may pangangatal at pag-aalala.
Fili hominis, panem tuum in conturbatione comede: sed et aquam tuam in festinatione, et mœrore bibe.
19 At sabihin mo sa mga tao sa lupain, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh para sa mga naninirahan sa Jerusalem at sa lupain ng Israel: Kakainin nila ang kanilang tinapay nang may panginginig at iinumin ang kanilang tubig habang nangangatal, yamang masasamsam ang lupain at kabuuan nito dahil sa karahasan ng lahat ng mga naninirahan doon.
Et dices ad populum terræ: Hæc dicit Dominus Deus ad eos, qui habitant in Ierusalem in terra Israel: Panem suum in solicitudine comedent, et aquam suam in desolatione bibent: ut desoletur terra a multitudine sua, propter iniquitatem omnium, qui habitant in ea.
20 Kaya mapapabayaan ang mga pinaninirahang lungsod at magiging kaparangan ang lupain; kaya malalaman ninyo na Ako si Yahweh!'”
Et civitates, quæ nunc habitantur, desolatæ erunt, terraque deserta: et scietis quia ego Dominus.
21 Muling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Et factus est sermo Domini ad me, dicens:
22 “Anak ng tao, ano itong kasabihang mayroon kayo sa lupain ng Israel na nagsasabing, 'Matagal pa ang mga araw at hindi natutupad ang bawat pangitain?'
Fili hominis, quod est proverbium istud vobis in terra Israel? dicentium: In longum differentur dies, et peribit omnis visio.
23 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Lalagyan ko ng katapusan ang kasabihang ito upang hindi na ito magamit pa ng mga Israelita kailanman.' At ipahayag mo sa kanila, 'Nalalapit na ang mga araw at maihahayag ang bawat pangitain!'
Ideo dic ad eos: Hæc dicit Dominus Deus: Quiescere faciam proverbium istud, neque vulgo dicetur ultra in Israel: et loquere ad eos quod appropinquaverint dies, et sermo omnis visionis.
24 Sapagkat hindi na magkakaroon ng anumang mga pangitaing hindi totoo o mga pagtatanging panghuhula sa loob ng sambahayan ng Israel.
Non enim erit ultra omnis visio cassa, neque divinatio ambigua in medio filiorum Israel.
25 Sapagkat ako si Yahweh! Nagsasalita ako at isinasagawa ko ang lahat ng mga salitang sinasabi ko. Hindi na magtatagal ang bagay na ito. Sapagkat ihahayag ko ang mga salitang ito sa inyong mga araw, kayo na mga mapanghimagsik na sambahayan, at isasagawa ko ang mga ito! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
Quia ego Dominus loquar: et quodcumque locutus fuero verbum, fiet, et non prolongabitur amplius: sed in diebus vestris domus exasperans loquar verbum, et faciam illud, dicit Dominus Deus.
26 Muling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
Et factus est sermo Domini ad me, dicens:
27 “Anak ng tao, tingnan mo! 'Sinabi ng sambahayan ng Israel, 'Matagal pang mangyayari mula sa araw na ito ang pangitain na kaniyang nakikita at matatagalan pa ang kaniyang mga ipinahayag.'
Fili hominis, ecce domus Israel dicentium: Visio, quam hic videt, in dies multos: et in tempora longa iste prophetat.
28 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hindi na maaantala ang aking mga salita ngunit mangyayari ang mga salitang sinabi ko! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!'”
Propterea dic ad eos: Hæc dicit Dominus Deus: Non prolongabitur ultra omnis sermo meus: verbum, quod locutus fuero, complebitur, dicit Dominus Deus.

< Ezekiel 12 >